Nagngingitngit ang damdamin ni Dianne habang papunta sa mini store sa harap ng building na pinagtatrabahuhan niya. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari—naiinis siya sa sarili at sa sitwasyon. Bakit sa dinami-dami ng tao sa conference room, siya ang nakita ni DJ? Sinadya ba nitong ipahiya siya? Huminga siya nang malalim. “Ikain ko na lang ito, baka makalimutan ko ang nangyari,” bulong niya sa sarili, habang naglalakad patungo sa mesa para mag-lunch.
Ilang saglit lang, nakaupo na siya sa gilid ng glass wall at nagsimulang kumain nang mapansin niyang bumaba si Kier sa kotse. Kasunod nito ang isang magandang babae, maingat na inalalayan ni Kier. Sexy at mala-model ang postura ng babae sa black bodycon dress.
“Girlfriend niya kaya iyon?” nagtanong sa sarili si Dianne.
Maya-maya’y nakita rin niya si DJ, nakangiti, sinalubong ang dalawa at pumasok sa loob ng building.
“Hello, Dianne!” bati ni Kier nang magkasalubong sila. Kasama nito ang babae, at nagpakilala,
“I would like you to meet Gerlie. Girlfriend ni DJ, at Gerlie, this is Dianne.”
Ngumiti si Gerlie, tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
“So, ikaw pala si Dianne? Nice meeting you,” may halong pilit na ngiti.
“Me too,” sagot niya, na naglalaro sa isip ang salitang ‘plastik’. Halata ang posture ni Gerlie, pero ang puso ni Dianne, sumaya nang malaman na hindi pala ito girlfriend ni Kier.
Masaya si Athena, nangingislap ang mata, habang nagsalita,
“Alam nyo guys, we coincidentally met ni Kier kahapon. Nasabi ko sa kanya ang lakad natin this coming Saturday at sinabi niyang sasama siya.”
Kumpleto silang magkakaibigan, pinag-uusapan ang kanilang Friendship Date.
“Binigay pa niya sa akin ang number niya para i-update tungkol sa lakad,” dagdag pa ni Athena.
“So that’s the start of your communication?” kinikilig na tanong ni Amy.
“And this is the beginning of your love story,” wika ni Dansel, ikinumpas ang kamay.
Hindi alam ni Dianne kung matutuwa o malulungkot sa mga narinig. Pilit siyang ngumiti upang makipagsabayan sa mga kaibigan.
“How about si DJ, Dianne? Kamusta?” tanong ni Amy, nakatingin sa kanya.
“We’re not okay, and he has a girlfriend,” sagot niya.
“Actually, may gf pa naman siya, marami pang pwedeng mangyari,” tugon ni Amy.
“Mas masaya kami kung maging kayo,” nakangiting dagdag ni Dansel.
Saturday, 7am.
Kasama ni Dianne sina Dansel at boyfriend nito. Naunang dumating sina Amy at boyfriend.
Dumating rin sina Athena, Kier, at DJ—magkasama sa kotse.
“DJ! Bakit nandito ka?” naisip niya, nais sirain ang araw niya.
“Tinawagan kasi ako ni Kier kagabi at inimbita,” paliwanag ni DJ nang tanungin ni Dansel.
“Eh, bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo?” tanong ni Dansel. “May pupuntahang mahalaga siya,” sagot ni DJ, bahagyang malungkot.
“Tamang-tama, mas masaya kung marami tayo,” dagdag ni Amy.
Gabing iyon, mag-isa si Dianne sa tabing dagat, nakatingala sa kalangitan.
“Balang araw, makikita rin ako ng lalaking kaya akong ipagsigawan sa buong mundo, tanggapin kahit sa paningin ng iba,” bulong niya.
“Stop acting like you’re wishing for a star to grant it? Don’t be ridiculous!”
Nabigla siya, narinig ang boses ni DJ sa likod. Sakit.
Na-extend ang kanilang stay sa resort hanggang Linggo. Napag-usapan nilang uminom bago pumunta sa mini disco bar, maglaro ng Truth or Dare.
Hindi sumali si DJ sa inuman, nagpunta sa dagat mag-isa. Habang naglalaro sila, tinawag ni Amy si DJ. “DJ, may sasabihin sayo si Dianne.” Bumaling si DJ sa kanya: “Ano yon?” Nabuka ang bibig ni Dianne, ngunit bago makapagsalita, sinabi ni Amy: “May lihim na gusto sayo si Dianne.”
Saglit, natahimik si DJ at itinaas ang dalawang kamay. “Natural lang yan, pero pa’no, may girlfriend na ako,” wika niya. Natigilan si Dianne sa sinabi nito. Gusto niyang ipahayag ang totoong nararamdaman, ngunit hindi niya nagawa—pinangunahan na siya ni Amy, at baka akala ni DJ na habol siya dahil nalaman ang lihim.
Sa disco bar, nanatili si Dianne sa gilid, habang masaya ang kaibigan, sumasayaw at umaandar sa musika. Nakita niyang patungo sa kanya si DJ,
“Dianne, halika, sayaw tayo,” sabi nito. Napatingin siya sa paligid, nakangiti si Amy kasunod ni DJ, hinila siya sa gitna ng mga kasamahan
—-
Nang biglang nag-iba ang himig ng musika, tumigil si Dianne. “The Way You Look At Me” ni Christian Bautista ang tumugtog, at sandaling napangiti siya—baka sinadya iyon ng banda.
“DJ, ikaw na ang bahala kay Dianne ha?” sigaw ni Amy sa ingay ng musika. Tumango lang siya.
“Will you dance with me?” tanong ni DJ, nakabukas ang palad. Hindi siya agad nakasagot, pero tinulak siya ni Amy palapit kay DJ. Hinawakan niya ang palad nito at isinayaw sila.
Habang sumasayaw, napatingin siya kay Amy na kasayaw ang kasintahan. Napangiti ito at kumindat sa kanya. Napadako rin ang tingin niya kay Kier at Athena—magkahawak at malambing. Biglang nakaramdam siya ng inggit. Sana siya ang nasa pwesto ni Athena… o siya ang kasayaw ni Kier.
Tumama ang tingin nila ni DJ at para bang huminto ang mundo. Lumingon siya sa sarili: bakit biglang ganito ang t***k ng puso niya? Hindi siya lasing, ngunit lalong tumibok nang idikit ni DJ ang katawan sa kanya.
“Dianne, there’s something wrong?” tanong ni DJ.
“Parang… bigla akong nahilo,” sagot niya, hinawakan ang ulo.
“Maupo ka muna,” wika nito, at inalalayan siya. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, nawalan siya ng malay. Binuhat siya ni DJ papunta sa silid, kasama si Dansel.
“Huwag muna pumasok sa trabaho,” payo ni Dansel. “Hindi sanay uminom si Dianne. Siya ang tagabantay namin, breadwinner sa pamilya, kaya hanga kami sa kanya.” Ramdam niya ang guilty at paghanga sa ginawa niyang simpleng pang-aasar kay Dianne.
Kinabukasan, nakaupo si Dianne sa sofa ng mini-bar kasama sina Amy, Dansel, at mga boyfriends nila. Dumating sina Athena at Kier, ngunit hinanap agad ng mata niya si DJ. Araw-araw silang nagkikita sa trabaho, pero parang may sabik pa rin siyang makita ito.
“Siguro may dinadaanan lang si DJ,” wika ni Kier. Biglang sumaya ang puso ni Dianne. Ilang saglit lang, dumating si DJ kasama si Gerlie.
Pinakilala ni DJ si Gerlie sa kaibigan ni Dianne. Lumapit si DJ sa kanya, hawak-kamay si Gerlie.
“Hello, Dianne, right?” tanong ni Gerlie, tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “Totoo bang may gusto ka sa boyfriend ko? Ako ang girlfriend ni DJ, di ba ipinakilala na?” Sarkastikong tanong na may ngiti.
“Gerlie, enough!” sabay sabi ni DJ.
Nakatahimik si Dianne, nagulat ang kaibigan niya, at biglang naalala ang sayaw nila ni DJ. Ang dating inis, ngayon ay unti-unting napapalitan ng kakaibang kaba at damdamin na hindi niya maintindihan. Parang may magic ang simpleng tingin at ngiti ni DJ.
Habang nagmumuni-muni, naalala niya ang panaginip sa tabing-dagat—ang tawa, ang habol, at ang yakap ni DJ. Ngayon, buhay iyon. Ngunit may Gerlie na nakaharang, at hindi niya maikaila ang kirot ng kaunting inggit.
“Hindi ko maintindihan ang sarili ko,” bulong niya. Ang dating kaaway, ngayon ay tila dahilan ng mabilis na t***k ng puso niya. At kahit may Gerlie, ramdam niya ang lihim na koneksyon sa pagitan nila—isang damdamin na malinaw sa puso ngunit hindi sa salita.
Hindi niya alam kung sino ang magiging forever niya: si Kier na lihim niyang hinahangaan, o si DJ na dati’y kinaiinisan niya at ngayon ay nagpapabago ng t***k ng kanyang puso. Ngunit sa sandaling iyon, malinaw ang isang bagay—ang forever ay maaaring magsimula sa isang sayaw….