
Paano kung ang babaeng palaging minamaliit…
ay siya palang pipiliin ng Tadhana?
Si Dianne ay isang babaeng marunong mangarap, pero sanay masaktan.
Sanay tawaging pangit, baluga, at mukhang katulong.
Sanay magtanong sa sarili kung may lalaking kailanman tatanggap sa kanya — hindi dahil naaawa, kundi dahil minahal siya bilang buo.
Hanggang sa makilala niya si Kier — ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya.
Isang lihim na itinago niya kahit sa mga matalik niyang kaibigan, lalo na’t ang pinakamaganda sa kanila, si Athena, ay in love rin dito.
Ngunit hindi roon nagtatapos ang laro ng Tadhana.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala rin niya si DJ — ang second cousin ni Kier.
Isang lalaking multi-talented, misteryoso, at may tinatagong yaman.
Tall, dark, and handsome…
Ngunit sa paningin ni Dianne, siya ang lalaking hindi niya kailanman magugustuhan — mapanghusga, suplado, at mabantot ang ugali.
Pero paano kung ang lalaking kinamumuhian niya…
ay siya palang handang ipaglaban siya kapag wala ng naniniwala?
At paano kung kasabay ng pag-ibig ay dumating din ang mga pagsubok na babago sa kanyang buhay?
Isang kwento ng pagmamahal, pagtanggap, at kapalarang hindi kayang takasan.
Ito ang kwento ng isang babaeng binago ng mga di inaasahang pangyayari —
dahil sa isang dahilan.
— Tadhana

