Ako ay isang manunulat na mahilig lumikha ng mga kuwentong puno ng romansa, pantasya, at tunay na emosyon sa buhay. Ang pagsusulat ay matagal ko nang paraan upang ipahayag ang aking mga pangarap, pag-asa, at mga aral tungkol sa pag-ibig at buhay.
Masaya akong humahabi ng mga karakter na dumaraan sa pagsubok, nadadapa, ngunit muling bumabangon—dahil naniniwala ako na ang bawat mambabasa ay karapat-dapat makabasa ng mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon na umasa, ngumiti, at maniwala sa pag-ibig kahit gaano pa ito tila imposible.
Kapag hindi ako nagsusulat, ginugugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga romance novels, pakikinig ng musika, o panonood ng mga drama. Ang pinakamalaki kong pangarap ay maibahagi ang aking mga kuwento sa buong mundo at maantig ang puso ng mga mambabasa, isang kabanata sa bawat pagkakataon.
Maraming salamat sa pagsuporta sa aking paglalakbay bilang isang manunulat!
She was betrayed… but she’s back to make them regret it.”
Si Meriam Madrigal, dating simpleng babae, ay bumalik bilang matagumpay at malakas.
Handa na siyang iparamdam kay Lawrence at Roselle ang sakit ng nakaraan.
Ngunit sa kabila ng kanyang paghihiganti, may pag-ibig pa bang handang lumaban muli sa pusong nasugatan?
Paano kung ang babaeng palaging minamaliit…
ay siya palang pipiliin ng Tadhana?
Si Dianne ay isang babaeng marunong mangarap, pero sanay masaktan.
Sanay tawaging pangit, baluga, at mukhang katulong.
Sanay magtanong sa sarili kung may lalaking kailanman tatanggap sa kanya — hindi dahil naaawa, kundi dahil minahal siya bilang buo.
Hanggang sa makilala niya si Kier — ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya.
Isang lihim na itinago niya kahit sa mga matalik niyang kaibigan, lalo na’t ang pinakamaganda sa kanila, si Athena, ay in love rin dito.
Ngunit hindi roon nagtatapos ang laro ng Tadhana.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala rin niya si DJ — ang second cousin ni Kier.
Isang lalaking multi-talented, misteryoso, at may tinatagong yaman.
Tall, dark, and handsome…
Ngunit sa paningin ni Dianne, siya ang lalaking hindi niya kailanman magugustuhan — mapanghusga, suplado, at mabantot ang ugali.
Pero paano kung ang lalaking kinamumuhian niya…
ay siya palang handang ipaglaban siya kapag wala ng naniniwala?
At paano kung kasabay ng pag-ibig ay dumating din ang mga pagsubok na babago sa kanyang buhay?
Isang kwento ng pagmamahal, pagtanggap, at kapalarang hindi kayang takasan.
Ito ang kwento ng isang babaeng binago ng mga di inaasahang pangyayari —
dahil sa isang dahilan.
— Tadhana
This Valentine’s Day, Dianne plans the perfect surprise for her parents—candles, rose petals, and a romantic feast. But the real surprise? Her husband DJ, who turns the night into an unforgettable moment of love, sweet gestures, and tender kisses.Full of romance, family support, and heartfelt surprises, these chapters show how love makes every Valentine’s Day truly magical.Will you witness DJ and Dianne’s ultimate romantic moments?