Siguro wala na talagang pag-asa na magbago pa ang itsura ko. Sabi nila, walang bagay na panghabambuhay. Pero ako? Isa akong buhay na patunay na may kabaligtaran. Habang-buhay… ganito. Habambuhay na pangit.
Dati—
iyon ang paniniwala ko.
Pero nagbago ang lahat nang makilala ko ang isang lalaki na hindi ko inaasahang tatanggapin ako ng buo, mamahalin ng wagas at totoo.
Gusto mo bang malaman ang aking kwento?
Halina at basahin.
Kung anuman ang klase ng emosyon o nararamdaman mo ngayon, hayaan mong ibahagi ko sa’yo ang kwento na baka magpabago rin sa iyong pananaw at buhay…
—
Kanina lang, sa loob ng isang fast food restaurant, narinig ko ito mula sa isang babae na nakaupo sa unahan ko. Nakatalikod siya habang hawak ang salamin. Sa anggulo ng pagkakahawak niya, saglit kong nasilayan ang repleksyon ko sa salamin habang kumakain.
“‘Ano ba ’yan? Hindi lang siya pangit, ang baduy pa ng suot niya! Isipin mo—maitim na nga ang balat, naka-orange floral dress pa. Diyos ko! Para siyang itim na plorera ng bulaklak,’” sabi ng babae.
Ang babaeng kaharap niya ay palihim na tumingin sa akin. Mabilis. Parang ayaw mahuli. Pagkatapos ay ngumiti ng bahagya bago muli na ibinaling ang tingin sa babaeng nagsalita.
Hindi man nila diretsahang sinabi, alam kong ako ang tinutukoy nila.
Pinikit ko ang aking mga mata saglit at huminga ng malalim.
Ako nga. Sino pa ba?
Ako ang babaeng tuwing umaga ay nakikipag-usap sa sarili kong repleksyon sa salamin. Tahimik na umaasang may magbabago.
Naliligo ako.
Nagsasabon ng maayos.
Nagsha-shampoo.
Naglalagay ng lotion.
Pero walang nangyari. Ganoon parin. Lahat ginawa ko na.
Pakiramdam ko, may permanenteng tatak ang mukha ko:
Walang pag-asang mabago pa.
Ay, pasensya na.
Nakalimutan kong magpakilala.
Ang pangalan ko ay Dianne Annilou Hernandez. Parang pangalan ng celebrity, ’di ba?
Pero kung makita mo ako sa personal, iisipin mo sigurong nagsabwatan ang kapalaran at mismong uniberso para sabay-sabay suntukin ang mukha ko.
Madalas ako tawagin na pangit, baluga o mukhang katulong.
By the way, pwede mo akong tawagin na Dianne for short.
Nasa early thirties. Single. Finance Executive, Manager sa isang kilalang kompanya.
Para sa akin malaking bagay ang trabaho ko. Lalo na at lumaki akong salat sa buhay.
Hayaan mong ibalik kita sa kwento ng aking nakaraan.
Noong elementarya ako, wala kaming bahay. Dahil sa isang bagyong hindi ko na maalala ang pangalan ang sumira sa aming kubo. Yung kubong nakatali lang sa puno ng niyog.
Buti na lang, nailikas kami bago dumating ang bagyo. Ligtas ang lahat. Pero ng bumalik kami… wala ng natira. Kahit ang pusa naming si Pogi, hindi na bumalik.
Dahil sa awa, binenta ng lola ko sa mga magulang ko ang isang lumang kubo. Isang libong piso.Mura? Hindi--- dahil ang kubo na yon ay... kulungan ng baboy. Oo. Kulungan. Ng. Baboy.
Walang pader.
Walang bintana.
Butas-butas ang bubong.
At ang sahig… hindi ko na mailarawan.
Tinakpan ng mga magulang ko ang mga siwang gamit ang sako para lang magmukhang kisame. Kahit anong puwedeng maging pader, ginamit. Iyon ang naging bahay namin.
Araw-araw kaming dumaraan sa bahay ng lolo at lola. Kahit na medyo hindi maganda ang tingin sa amin at hindi kami pinapansin, kailangan kong ipakita na normal ang lahat. At yon din naman ang totoo kahit di maganda ang ipinapakita sa amin dapat wag kaming magtanim ng sama ng loob, dahil tinuruan kami ng nanay namin ng wastong paggalang. Nang hapong iyon, nakita ko si lola at lumapit ako sa kanya.
“Lo—”
Keber—binabalewala ang ugly pig…
“Umuwi ka na.” Irap nito.
Walang kamusta?
Walang kumain ka na ba?
Walang kumusta ang eskwela?
As in parang… wala akong lola.
Sa sandaling iyon, may nabasag sa loob ko. Noon ko unang tinanong ang sarili ko:
“May mali ba sa mukha ko?”
Pero kahit ganito ang hitsura ko at kahit na mahirap lang kami, nakapagtapos ako ng Business Management, may matatag na trabaho, at may kakayahang suportahan ang pamilya ko.
------
ALAALA NG KAHAPON
(Ang mala-dramang kwento ng kabataan ni Dianne)
Pasko iyon, may dumating na mga pasalubong galing sa mga Titos at Titas niya mula sa Maynila, excited silang magkakapatid ng mga sandaling iyon, baka-sakali meron din silang regalo.
‘’Anong ginagawa niyo rito?’’ Tanong ng tiyahin nila na panganay sa magkakapatid ng kanilang ina.
‘’Wag na kayong umasa na meron kayo,’’anang kanyang tiyahin.
Nakakalungkot man isipin, pero yon ang narinig mula sa tiyahin...
‘’Wala po, nanonood lang po,’’ sagot niya. Siya na ang sumagot sa tanong ng tyahin dahil siya rin naman ang panganay.
Ang sabi ng tyahin nila na wala silang pasalubong. Maya-maya lumapit ang isa pa nilang tyahin na bunsong kapatid ng kanyang ina.
‘’Heto,oh, kunin nyo sa inyo ang pasalubong na yan!’’ Sabi ng bunsong tyahin nila na tila labag sa kalooban ang pagbigay at mukhang nang-iinsulto ang boses nito.
Masayang kinuha iyon ni Dianne. Masaya siya dahil kahit papaano ay meron silang pasalubong at bagong regalo mula sa mga kamag-anak nila sa Maynila, kahit papaano ay makakasuot sila ng bagong damit.
‘’Halina kayo, uwi na tayo doon na lang natin tingnan sa bahay ang mga pasalubong natin.’’ Sabik na wika niya kahit alam niyang tira-tira na lang, at least kahit papaano ay meron sila.
Sumunod naman ang mga kapatid niya sa kanya, binuhat niya ang bunsong kapatid na lalaki, nasa tatlong taong gulang ito. Ang dalawa niya namang mga kapatid ay nakahawak sa suot niyang damit. Ang sunod sa kanya ay pitong taong gulang, ang pangatlo naman ay limang taong gulang. Apat silang magkakapatid no’n. Sino ba naman ang mag aakala sa kabila ng kahirapan nila makatapos silang magkapatid ng pag-aaral? Except sa college ngayon na nag aaral pa, nadagdagan kasi sila.
Nagdagdagan silang magkakapatid hindi lang isa kundi anim pa ang dumagdag. Oo, sampu silang magkakapatid just imagine kung iisipin mo parang hindi ka makapaniwala. Na nabuhay silang lahat ng mga magulang nila at napag-aral pa. Naalala pa niya nang mabuntis ang nanay niya ng pang walo, narinig niyang nag-uusap ang kanyang dalawang kapatid na babaae habang gumagawa ng gawaing bahay at siya naman ay naghuhugas ng pinggan.
‘’Ate, alam mo na ba ang update?’’ Sabi ng pangatlong kapatid niya na si Joyce na ngayon ay guro na, kausap ang pangalawa nilang kapatid na si Franie na ngayon ay isang pharmacist at may-ari na ng tatlong mga botika sa lungsod ng Bacolod, Isa sa bayan nila, isa sa karatig bayan at isa sa city.
‘’Bakit ano ba yon?’’ Tanong ni Franie.
‘’Si nanay buntis na naman, may bago naman tayong kapatid’’ Sagot ng pangatlong kapatid nila.
‘’Ano?Buntis na naman si Inay? Pano ba yan ang dami-dami na natin’’ wika ng pangalawa nilang kapatid.
Habang nakikinig siya, ay nagmumuni-muni ang kanyang isipan, hindi niya alam kung malulungkot siya o matutuwa. Malulungkot dahil madagdagan naman sila at kung anu-ano naman ang sasabihin ng mga tiyahin niya. Seguradong makakarinig na naman siya ng mga panlalait mula sa mga ito. Matutuwa naman dahil bibigyan sila ng panibagong blessing, dahil magkakaroon ulit siya ng kapatid.
Kinabukasan, habang nag-iigib siya ng tubig sa balon malapit sa bahay nila at mga tiyahin niya, ang balon na iyon ay pagmamay-ari ng lolo at lola niya sa mother side, Magkalayo kasi ang kinagisnan na lugar ng mga magulang niya at magkaibang lungsod. Mga dalawang oras ang byahe bago makarating sa bawat lungsod ng nanay at tatay niya. Pero sa mother side sila ng nanay niya naninirahan.
‘’Dianne, balita ko buntis na naman ang nanay mo,’’ wika sa kanya ng tiyahin niyang panganay ng nanay nila, si Sabel.
‘’Opo, bakit po Auntie?’’ Ani Dianne.
‘’Hay, naku! Dianne, pakisabi sa nanay mo pigilan na nila ng tatay mo ang pagdadagdag ng anak dahil ang dami nyo na at halos hindi na kayo makakain.’’ ani Auntie Sabel niya.
‘’ Nakita mo nga naman ang mga damit nyo parang sira-sira na at butas-butas. Hindi ba yan nagsasawa ang nanay at tatay mo sa paggawa ng bata? Eh, ang dami-dami nyo na!’’ Patuloy pa nito
Hindi nga nagkamali si Dianne na may maririnig naman siyang panlalait mula sa tiyahin.
‘’Sige po, uwi na po ako,’’sagot niya lamang rito at binuhat ang balde ng tubig.
‘’Pakisabi sa mga magulang mo ha, tigil tigilan na ang panganganak baka kasi magulat nalang kami isa-isa na pala kayong ibinenta para may pambili ng bigas,’’pahabol pa nito.
Bitbit ang balde na may laman ng tubig ay umuwi siyang parang maiiyak sa sinabi ng tiyahin niya.
‘Grabe naman makapagsalita si Auntie Sabel, hindi kaya ganoon ang nanay at tatay ko,’ngitngit ng isipan niya.
-----
Kaya hangga’t kaya namin ng ama nyo na mapag-aral kayo, dapat mag-aral kayo ng mabuti. Iyon lang kasi ang tanging maipamana sa inyo...ang magandang edukasyon at magandang kinabukasan.
Dahil mahirap lang tayo at hindi mayaman na may ipapamana sa inyo na kayamanan.
Ang tanging maipamana sa inyo ang yamang kahit saan man kayo magpunta ay hindi mawawala at hindi mananakaw ng kahit sino man. Iyon ang pamanang magiging taglay niyo hanggang sa kayo ay tumanda….
Bawat isa sa atin ay may sariling kwento na naging dahilan o naging tulay para bumangon, maging matatag at magsumikap para patunayang kaya nating lumaban sa mga pagsubok ng buhay.
Ikaw, meron karin bang kwento sa'yong kabataan na hindi mo malilimutan?
Just comment below, kung paano mo ito nalagpasan?