CHAPTER 2

888 Words
May tatlo na matalik na mga kaibigan si Dianne. Para silang mga diyosang bumaba mula sa Olympus. Si Athena Morillo — mukhang artista, makinis, maputi, glowing, seksing-tingnan. May-ari ng “Fragrance Home,” isang flower shop. Kapag namamasyal sila, laging may nagtatanong: “Miss, artista ka ba?" Si Dansel Fabian — masayahin, adventurous, kutis porselana, parang sinag ng araw na naglalakad. May-ari ng isang DeliShop co-owner ang pinsan niya. Si Amytheist “Amy” Guiler — banayad ang mukha, elegante, tahimik pero classy. Siya ang co-owner ng DeliShop na pinsan ni Dansel. Tapos ako. Pandak. Maitim. Mukhang laging pagod. Para akong substitute teacher na kinakabahan. Ako ang naiiba. Pero mahal nila ako. At mahal ko rin sila. Kahit mayaman sila, hindi nila ako kailanman tinratong iba. — Biyernes ng hapon. Lunod ako sa mga ginagawang dokumento. Pakiramdam ko, nag-a-apply ako ng visa papunta sa ibang planeta. Tumunog ang cellphone ko. “Dianne, friend?” Si Dansel. “Friend, nakalimutan mo na ba? Aalis tayo bukas” “Alam ko. Nalulunod lang ako sa trabaho.” “Kailan ba nabawasan ang trabaho mo? Bakit hindi ka na lang mag-resign?” biro nito. “Baliw ka ba? Ito lang ang trabahong mataas ang sahod. Hello? Breadwinner?” Natawa ako. Oo, mayayaman ang mga kaibigan ko. Pero hindi nila pinaramdam na mababa ako. “Sunduin kita bago mag-alas otso bukas. Maghanda ka na. Alam mo namang ayaw nilang naghihintay, alam mo naman na mga maarte ang mga beshies natin.” anito. “Hmmm, nagsalita ang mas maarte.” Biro ko at napangiti. “Tanga!” Kung kaharap ko lang siya, hihilahin niya na ang buhok ko. Ganito kami magmahal—sa asaran. Friendship date. Tuwing Sabado, may tradisyon kami. Walang trabaho. Walang meeting. Walang stress. Kami lang. At bukas… Ylda’s Mount Peak View. Bagong tanawin. Bagong lugar. Bagong view. ---- @YLda's Mountpeak View (Ang lugar kung saan nagsimula ang love story ni Dianne.) "Wow! it so amazing!" Napahanga na sabi ni Amy habang nakatayo sila sa tuktok ng bukirin na yon. Sobrang ganda nga ng tanawin doon. Matatanaw ang buong kalaparan ng dagat. Kaharap ng kinaroroonan nila, makikita ang dalawang magkabilaan na bundok na akala mo'y babae at lalaking higante na mahimbing na natutulog. Amoy na amoy pa ang preskong simoy ng hangin na parang animo'y dala dala ng hanging amihan. There's a presence of fog around the mount's peak. Aside from them, marami din mga nagdadarayo sa lugar na yon. Meron mga foreigners at bakasyonista na pumupunta don galling sa iba’t ibang lugar. Meron kasi ito mga cottages sa paligid at private rooms naman sa mini hotel kung sino gustong magstay doon ng ilang araw. Kumpleto din ito sa pagkain, both liquors, wine and soft drinks. DIANNE’s POV 'Habang abala ako sa kakatamasa ng magandang tanawin sa tinatayuan ko. Napadako ang paningin ko sa bandang kaliwa at sa di kalayuan napatitig ako sa isang lalaki na nakaupo sa isang malaking bato, nakayuko na tila may iniisip na malalim. Animo'y mala-model syang nkapostura doon in dramatic pose.' 'Hindi ko alam, pero bigla ako naging curious sa kanya. He's wearing light blue denim, fitted pants and high cut shoes, nakabukas ang dalawang butones nito sa dibdib.' 'I know he is handsome. Kahit sa tindig pa lang halatang gwapo na. Hindi kasi makita ang buong mukha nito dahil naka sunglasses ito. Bagay na bagay sa mukha nito ang bigote na nakadagdag ng appeal. Titig na titig si Dianne sa lalaki na yon nang biglang napatingin ito sa kinaroroonan niya. Nabigla siya at natauhan. Mabilis na nilipat ang tingin sa hawak na cell phone at kunwaring nag selfie. nang ilipat ulit ang tingin niya sa kinaroroonan ng lalaki. Hindi na niya ulit nakita doon. Luminga-linga pa siya para hanapin ito sa paligid pero di na nakita. 'Hmmm...naramdaman seguro na nakatitig ako sa kanya. In fairness..." bulong niya sa sarili at napangiti ng makahulugan. 'baka sya na ang itinadhana sa akin.' At lalong ngumiti. Saka biglang sumimangot ang mukha niya nang.. 'Don't be ambitious Dianne! Walang forever sa tulad mong pangit!' Nanghihimutok na sabi ng kabilang parte ng isip niya. Ganun siya. Meron dalawang parte ng isip. Ang isa negative, ang isa naman positive. Minsan nga eh parang gusto na niyang hampasin ang negative part ng isip niya. Kasi kung saan na gustong i-claim sa sarili na 'I'm beautiful. Bigla na lang susulpot ang negative mind niya at iginigiit talaga na pangit siya! ----- "I really love this place!" Ani Dansel. "Yeah, it so relaxing." Segunda ni Amy. "Mga sisters, tonight we will go to disco. Meron mini-bar dito at banda" singit ni Athena na kakalabas lang ng banyo. Bagong ligo. Malaanghel ito tingnan. Athena's face is very tame and very beautiful. Hindi naman nakapagtataka kung bakit maganda ito. She is half Canadian and half Filipino. @ the Disco Bar Hinahanap ni Dianne ang mga kaibigan. Nauna kasi siyang dumating. "Oops..sorry" Nagulat si Dianne nang biglang napabangga sa kanya ang matangkad na lalaki. Bahagya siyang natulala nang makita ang mukha nito. "Gosh!" Muli syang napabulalas. Familiar sa kanya ang mukha ng lalaki. Ito ang nakita niyang gwapong lalaki. ----- Isa lang ba siyang panandaliang tanawin… o ang simula ng kuwentong hindi ko inaasahang mangyari? I-add sa Library at i-follow ang story para malaman kung sino talaga ang lalaking bumangga kay Dianne. Simula pa lang ito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD