CHAPTER 3

892 Words
Bahagya siyang natulala nang makita ang mukha ng lalaki. "Gosh!" Muli syang napabulalas. Familiar sa kanya ang mukha nito. Ito ang nakita niyang gwapong lalaki. Miss, sorry, okay ka lang ba?"Tanong nito. "Dianne, nandito ka lang pala!" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Dansel. Kaya hindi na siya nakasagot sa tanong ng lalaki. Nakita niya ang mga kaibigan na papalapit sa kanya. "Kier, nandito ka pala?" ani Dansel nang makalapit sa kanila at napabaling sa lalaki. "Magkakilala na pala kayo?"patuloy nito. "Actually--" hindi siya nakapagpatuloy nang biglang nagsalita si Athena. "I'm Athena, kanina kasi nakita na kita", nakangiting singit ni Athena. "Matalik na kaibigan ng pinsan kong si Engrid si Kier, katunayan nagkita na kami sa kasal ni Engrid last Monday". Paliwanag ni Dansel. Tumango lamang ang lalaki. " Pansamantala syang narito para magbakasyon from Germany" patuloy pa ni Dansel. "Anyway, I've decided to stay na sa 'Pinas" wika ng lalaki. "Tol, nandito ka lang pala, " napabaling ang mga tingin nila sa nagsalitang lalaki, lumapit ito sa kanila. "Syanga pala si DJ, second cousin ko" pakilala ni Kier rito. "Tol, si Dansel pinsan ni Engrid, ang dinaluhan natin ng kasal last Monday remember?’’ani Kier. Tumango lamang si DJ. ‘’At mga kaibigan ni Dansel, " patuloy ni Kier. Ngumiti si DJ. "I’m Dino John Asuncion, you can call me DJ." "Ako nga pala si Athena, " wika ni Athena. "Ako si Amy, " wika rin ni Amy. Pareho silang nakipagkamay matapos magpakilala. Napabaling ang tingin ni DJ kay Dianne. "Assistant ka ba nila? Hindi ko akalain na may kasamang katulong ang mga magagandang dilag na ito, " wika ni DJ at napangiti. Pakiramdam ni Dianne ay parang may umugong sa mga taenga niya nang marinig ang sinabi nito. Pakiramdam niya nag-init din ang mga pisngi niya. "Pasensya na mapagbiro lang talaga si DJ," ani Kier para ipagpaumahin ang sinabi ni DJ. "Ako nga pala si Dianne magkaibigan kami" pakilala nya. "Kung hindi mo Kier napakilala sa amin ang kasama mo na second cousin mo, baka napagkamalan ko siyang driver mo. Mukha kasi siyang BOY, "inis na sabi niya, sinadyang nilakasan ang huling sinabi. Nakita niyang umiba ang ekspresyon ng mukha ni DJ. "Maganda seguro kung maghanap tayo ng mauupuan" agaw-pansin ni Dansel. Alam kasi nitong may asarang nangyayari. "Sorry girls, but I have to go" Ani DJ para sadyang umiwas. "Sasamahan ko si DJ, pasenya na," wika ni Kier at paumanhing tumalima ang dalawa. Nang makaupo ang magkaibigan, mahinang napasigaw si Athena. "OMG! He..is..so..handsome!" Medyo may kaartehan na sabi nito. "What you mean, Athena?" Tanong ni Amy. "Si Kier...di ba, gwapo at halatang napakagentleman?"anito. "Pero kung ano ka gentleman ni Kier, ganun din kapresko ni DJ," sabat ni Dianne na hanggang ngayon naiinis parin sya sa inasal nito. Napangiti si Dansel. "Alam mo girl, bagay kayo." Anito. Napatawa ang tatlo. "Ew! Never na mangyayari yan kahit siya nalang ang naiwan na tao sa mundo!" Salungat niya. "Uy, girl, wag kang magsalita ng patapos." Panunukso ni Athena. Kahit sa maliit na bahagi ng isipan niya. Hindi nya magagawang magkagusto sa lalaking iyon. Sobrang presko! Kung halos lahat ng mga babae ay gustong makakilala ng tall, dark, handsome and gentleman. Siya ang tipong lalaki na tall, dark at handsome nga sana pero ang bantot ng ugali. Badtrip! ----- (Silip sa Chapter 3) Ang pag ibig ay parang mangga yan. Kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..parang love na kung pinilit lamang, masasaktan ka lang. Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa. ---- FREE BONUS TIP Self-Improvement Tip – Ako Edition Title: “Ako, Una sa Sarili Ko” Kilalanin ang sarili mo. Bago mo baguhin ang mundo o ang ibang tao, alamin muna kung sino ka talaga—ano ang pinaniniwalaan mo, ano ang pinapangarap mo, at ano ang nagpapasaya sa’yo. Maglaan ng oras na makausap ang sarili, kahit 10 minuto lang sa umaga o bago matulog. Ituon ang energy sa sarili. Huwag mong hintayin na kilalanin ka ng iba para maging confident. Gawin mo ito para sa sarili mo. Maging consistent sa pagpapabuti ng katawan, isip, at damdamin mo. Halimbawa: araw-araw maglakad, magbasa, o gumawa ng journaling tungkol sa progress mo. I-set ang boundaries. Matutong magsabi ng “hindi” sa mga bagay o tao na nakaka-drain sa’yo. Kapag alam mo ang limits mo, mas malinaw ang focus mo sa goals mo at mas confident ka sa mga desisyon mo. I-celebrate ang maliit na tagumpay. Kahit maliit lang ang nagawa mo—natapos ang proyekto, nag-ayos ng kwarto, nag-sulat ng journal—recognize mo yan. Ang appreciation sa sarili ay nagpapalakas ng self-esteem. Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Lahat may sariling journey. Kung nakikita mo ang ibang tao na mas mabilis o mas magaling, gamitin mo ito bilang inspirasyon, hindi bilang dahilan ng insecurities. Tandaan: Ikaw lang ang benchmark mo. Panindigan ang sarili. Kapag may desisyon ka, gawin mo ito ng buong puso. Kahit may mali, mas mahalaga na natututo ka at lumalakas. Self-accountability = growth. Mini Reflection Question: Ano ang isang bagay na puwede kong gawin NGAYON para mas mahalin at palakasin ang sarili ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD