CHAPTER 4

1350 Words
Sunday afternoon. Pagkatapos ng magfrienship date ng magkaibigan. Nagdesisyon si Dianne na makipagkita sa tyahin niya, in her father side. Galing ito ng probinsya. Niyakap niya ang tiyahin nang makita ito at matapos na magmano. Niyaya niya ang tiyahin sa restaurant. Alam niyang pagod ito sa byahe at gutom narin ito. ''Kamusta ka na? Kailan ka mag-aasawa?" Tanong nito nang nag uumpisa na silang kumain. Bigla siyang nainis sa tanong nito. Sa dinami-dami ba naman ng itatanong ito pa talaga ang tinanong sa kanya? Inaamin niya naman sa sitwasyon ng mukha niya walang may magkamali na maging forever niya. Maging matandang dalaga na seguro siya. Di naman malayong mangyari yon! Pilit siyang ngumiti sa tiyahin. "Naging abala lang seguro ako tita sa trabaho, " aniya. "Kung sabagay ang pag-ibig di naman yan minamadali. Kusa yan na darating" sagot nito. "Wag kang mag-alala darating din yan." Patuloy pa nito. "Hindi naman po ako nagmamadali, tita." Tugon niya pero ang totoo gusto niyang sabihin. Sino ba naman ang di mag-iisip na magkaroon na ng sariling pamilya sa edad na 32? Nabalitaan niya na halos lahat ng kabatchmate niya may pamilya na. "Alam mo Dianne, nang maging mag-asawa kami ni Tito Ronnie mo akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay, lalo na nang nagkaroon kami ng dalawang anak. Kaya nang namatay siya hindi ako kaagad nag-asawa ulit. Pero hindi ko inaasahan na magkita kami ulit ni Tito Albert mo. 15 years din kami na hindi nagkita simula nang high school kami. Dati kaming magkasintahan pero nagkahiwalay kami nang nagdesisyon ang mga magulang niya na doon siya mag aral sa Europe. Simula nun nawalan kami ng komunikasyon at matagal na di kami nagkita. Nang bumalilk siya ng bansa hinanap niya raw ako." Mahabang kwento ng tyahin niya. Nakita niyang nangilid sa mga mata nito ang mga luha. Marahan nitong pinahiran at nagpatuloy. "Mahal na mahal ko ang Tito Albert mo nang magkasintahan kami dati. Nang umalis siya papunta sa Europe sobrang nalungkot ako nun. Kaya nga hindi ako makapaniwala na magkatuluyan kaming dalawa." "Alam mo ba, bago naging kami nang una ko siyang makita parang huminto ang mundo ko...huminto ang paligid ko na tanging t***k ng puso ko lang ang naririnig ko." Sabi pa nito na biglang kumislap ang mga mata. "Seguro nga kung kayo talaga sa isa't isa may paraan talaga ang tadhana. Hindi ko makalimutan ang sabi ng lola mo dati sa akin. "Ang pag ibig ay parang mangga...kapag pinitas mo na di pa nahihinog ay maasim. ..(na kung sa pag-ibig) kung pilit lamang, masasaktan ka lang. Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana pa...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa." Dagdag pa nito. Natouched sya sa sinabi ng tiyahin niya. Tumatak sa puso't isipan niya ang mga sinabi nito. Nang gabing nang magkahiwalay sila ng tiyahin niya at nang makauwi ay agad siyang sumampa sa kanyang kama, kinuha niya kaagad ang pinakaiingatan niya na Diary. Marami siyang dapat ikwento dito. Kinuha ni Dianne ang Pink na personalized notebook sa kanyang bag. Dala-da niya ito kahit saan siya magpunta. Dito niya isinusulat ang mga pangyayari na di niya kayang ikwento sa iba kahit sa mga kaibigan pa niya. Nagsimula siyang sumulat at naikwento rin sa kanyang pinakamamahal na Diary ang tungkol sa pagkainis niya kay DJ, ang natutunan nya sa kanyang tiyahin at syempre ang lalo na kay Kier, ang nararamdaman niya para sa lalaki nang una itong makita. At inaamin niya, itinago niya iyon sa kanyang mga kaibigan. Di kasi alam ng mga kaibigan niya na may lihim siyang pagtingin kay Kier. At ang tanging nakakaalam ng lahat--- Ang kanyang Diary. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Naisip niya si Athena. Paano kaya kung malalaman ni Athena na may lihim din siyang pagtingin kay Kier? Baka magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila. Napahinga na lamang siya ng malalim. ----- Birthday ni Amy kinabukasan. Excited silang tatlo sa regalong ibibigay sa kaibigan. Napagplanuhan nina Dianne, Athena at Dansel na magbigay ng regalo sa kaibigan one day ahead sa kaarawan nito. Nagbunut- bunot pa sila bago bilhin ang regalo na ibibigay sa kaibigan. Hikaw ang nabunot ni Athena, bracelet ang kay Dansel at necklace naman ang sa kanya. Napag-usapan nila na magkita sa Delishop na pagmamay-ari nina Dansel at Amy. Susorpresahin nila ang kaibigan. Nang kumpleto na silang makaupo sa Amy & Dansel Delishop walang kaalam-alam si Amy tungkol sa plano nilang tatlo. "Friend may sasabibin sana kami sayo na mahalagang bagay" panimula ni Athena na nagdrama pang malungkot ang mukha. Umiba ang reaksyon ng mukha ni Amy at nag-alala sa naging reaksyon ni Athena. "Bakit? Meron ba nakabuntis sayo? Nako!" Sabi ni Amy. Tumawa sina Dansel at Dianne. "Baliw, hindi ah..." Sagot ni Athena. "Meron sana kaming ibibigay sayong regalo dahil kaarawan mo na bukas." Patuloy pa nito. Biglang na-touched si Amy sa sinabi nito. At kinuha ni Athena ang regalo niya para sa kaibigan. Hikaw na white pearl. Totoong pearl ito, paborito kasi ni Amy ang pearl earrings. Niyakap ni Amy si Athena nang maisuot nito ang hikaw na bumagay sa babae. "Ako rin Amy," wika ni Dansel habang isinusuot kay Amy ang bracelet. Lalong tumingkad ang kaputian ng kamay ni Amy dito at bumagay sa kamay nito. "Thank you Dansel!" Wika ni Amy at niyakap ito. Tumingin sina Dansel at Athena kay Dianne. Alam niya ang ibig sabihin nito. Nang tingnan niya ang kanyang bag hindi niya kaagad nakita iyon. Kinakailangan pa niyang halughugin ang bag niya at nilabas ang lahat ng kanyang gamit. "Dianne, alam mo okay lang naman sa akin. Di mo naman kailangan--" Naputol na sabi ni Amy nang makita nito ang maliit na pulang kahon na hawak ni Dianne. "I will give you a necklace, Ams. Tanda ng pagkakaibigan natin. Na kahit saan ka man magpunta hindi mo kami makakalimutan." Ani Dianne at binuksan ang heart pendant nito na merong picture nilang apat sa loob nito. Group picture na kung saan na masaya silang nakangiti. Tuluyan ng napaluha si Amy na kanina pa niyang pinipigilan. "Girls, sobrang saya ko at naappreciate ko talaga ang mga regalo nyo sa akin" sabi nitong umiiyak na. "Advance happy birthday, Amy." Wika ni Athena at nag group hug silang apat. "Pano ba yan 30 kana bukas, kailangan mo ng mag asawa." Biro ni Dansel at napatawa sila. Masayang nakangiti si Dianne habang pinapanood ang kanyang mga kaibigan na tumatawa. Sa totoo lang may kamahalan din ang kwentas na naibigay niya kay Amy pero hindi siya nanghihinayang dito dahil mas matimbang pa ang halaga ng mga kaibigan niya para sa kanya. Kahit na mas matanda siya ng dalawang taon sa mga ito naging matalik niyang kaibigan ang mga ito dahil buong puso siyang tinanggap na kaibigan, magkaiba man ang antas ng buhay nila. Nang umalis ang magkaibigan naiwan si Athena dahil huli itong umalis. Bago siya umalis may napansin siyang bagay sa isang upuan kung saang inupuan nila. Nang lapitan niya ito isang pink personalized notebook na may pangalan ni Dianne. May lock ito pero nakalimutang ilock iyon. Kinuha iyon ni Athena at balak na ibalik kay Dianne. Nilagay nito sa bag at tuluyang umalis. ----- Hinalughog na ni Dianne ang lahat ng mga gamit sa loob ng kanyang bag pero hindi nya parin nakita ang kanyang diary. Naalala niya na nilabas niya lahat ng kanyang gamit nang hinanap niya ang pangregalo kay Amy. Naisip nya na baka naiwan doon sa Delishop. Ilang saglit lang narinig niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Athena iyon. Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne. ----- Paano kung ang pinaka-iingatan mong bagay ay makita ng taong hindi dapat? Malalaman kaya ni Athena ang lihim na pagtingin ni Dianne kay Kier? Ano kaya ang maging reaksyon ni Athena kung sakaling malaman niya? Subaybayan ang kwento para malaman ang mga pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD