Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata... Nagkwento si Dianne tungkol sa karanasan niya Nanaginip si DJ SA Pagpapatuloy... Napabalikwas si DJ sa kanyang inuupuan, nakatulog kasi siya sa kapapanood sa asawa habang nagluluto ito ng hapunan nila. Maaga pa siyang nakauwi sa bahay mula sa trabaho, pagdating sa kanilang bahay ay saglit siyang nagbihis ng damit pangbahay at pinuntahan ang asawa sa kusina. Gusto pa sana niyang tulungan ang asawa sa paghahanda ng kanilang hapunan pero sinabi ni Dianne na hayaan na lamamg ito na ipagluto siya.Naglutokasi ito ng paborito niyang ulam, sisig iyon at bicol express, nasabi niya sa asawa na na-missed na niyang kumain ng ng mga ganoong pagkain. Kaya hindi na siya nagpumilit sa asawa, napagdesisyunan niyang umupo na a lamang sa upuan ng lamesa sa kusi

