Huling naganap... Bitbit ni Dianne ang kanyang maleta habang palabas ng bahay, buo na ang kanyang desisyon na umalis at iwan si DJ. Sa Pagpapatuloy... Kahit na mahirap man gawin at isiping iiwan niya ang asawa ay kailangan niyang gawin iyon...hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng kanyang mga anak na binubuntis. Ganun pala kapag ina ka, kailangan mong magsakripisyo, at hindi mo na iniisip ang sarili mong nararamdaman...ang nasasaktan mong puso dahil lahat ay gagawin mo para lamang sa kabutihan ng mga anak mo. Iyon ang nawika niya sa kanyang isipan. Nang dumaan siya sa sala nakita niya ang dalawang katulong na nagtataka. Hindi siya kumibo dumiretso lamang siya sa paglalakad.Pagdating niya sa labas ng mayor na pintuan nakasalubong niya si Mang Victor, ang kanyang personal

