Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata.... Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne. Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki. Sa Pagpapatuloy... Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki. "Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito. "Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita. "Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera p

