Chapter 94

1079 Words

Hanggang sa mga sandali na iyon, bumabagabag sa isipan ni Dianne ang babaeng biglang lumapit at kumausap sa kanila ni Gemma. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili: “Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi ng babae na iyon?” Nagtaka pa siya nang biglang nawala ang babae sa labas ng restaurant at hindi na muling nakita. Segundo lamang siyang napalingon kay Gemma, ngunit wala na ang babae. Parang isang panaginip lang ang pangyayari, mabilis at misteryoso. Biglang sumibol sa kanyang alaala ang mga sandaling nasa kolehiyo pa lamang siya… Noong una, abala siya sa pag-aaral ng kanyang kwaderno, dahil bukas na ang final examination nila. First year college siya noon, at habang nakaupo sa waiting shed, panay ang tingin niya sa mga estudyanteng pumipila sa cashier para magbayad ng matrikula. S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD