Chapter 10: Bevils

1816 Words
"I see." tumayo ang babae at nilihis niya ang upuan. Kalmado ang kaniyang ekspresyon ng mukha habang nakatuon ang buong atensyon sa akin. Maya-maya ay nagulat ako nang sapilitan niyang sinira ang damit ko. Napasigaw ako ng malakas at paulit-ulit ko siyang tinadyakan, ngunit, hinawakan niya ang paa ko gamit ang isa niyang kamay at pwersahan itong inipit sa kaniyang mga hita. "Laina! Don't! She-" Napunit na niya ang damit ko at bumungad tuloy sa harapan nila ang dibdib ko. Natulala ang Laina sa akin. Mabilis ang bawat pag hugot niya ng hininga habang pinagmamasdan ang dibdib ko. Nakayuko ako at pilit ko itong tinatakpan ng buhok ko. Sa pangalawang pagkakataon, nahubaran nanaman ako. "I-i'm sorry-" nauutal niyang saad. Hindi ako nakakibo. Sa halip ay kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili na humikbi. Naririnig ko parin ang boses ni Jax na nagpupumiglas at gustong makawala para lapitan ako. Parang naubos ang enerhiya ko sa mga nangyayari sa amin. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming apat. No one dared to say a word. Tanging pag hikbi ko at ang impit na ungol ni Jax ang maririnig. Maya-maya ay naramdaman kong may pumatong sa balikat ko. Dahan-dahan ko itong tinignan. It's a jacket. "Here, you might catch a cold." walang buhay niya akong tinignan. Pinagmasdan ko ang lalaki. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, tila, para itong patay. Sa hindi malamang rason ay may kung anong kislap ang dumaan sa pagitan namin. Hindi ko mawari kung ano ito pero bumabaligtad ang sikmura ko sa ilalim ng kaniyang mga tingin. Napakurap ako nang biglang pumagitan ang babae sa aming dalawa. "I'm sorry about that. I thought you're a Melox." saad niya at inayos niya ang jacket para takpan ang hubad kong upper body. Hindi ako nagsalita. Sa halip ay sinundan ko ng tingin ang lalaki na nagtungo sa pwesto ng kapatid ko. Tinanggal niya ang panyo sa bibig ni Jax at ang kaniyang sigaw agad ang umulingawngaw sa buong paligid. "Pakawalan niyo kami ng ate ko! Utang na loob!" he shouted angrily while stomping on his feet. "Please..." nagmamakaawa kong tinignan ang babae sa harapan ko. "We are not what you think we are. We just got here for a vacation with our grand father. But he's dead when we arrived." I pleaded. Nag tagal ang kaniyang tingin sa akin. Halata sa mata niya ang pag da-dalawang isip kung pagbibigyan ba niya kami o hindi. Matapos ang ilang minutong pagsusuri sa akin ay huminga siya ng malalim. "Basil, let go of the guy. I'll take care of the girl." marahang utos ni Laina.. Sinundan ko ng tingin si Basil nang lumapit siya muli sa kapatid ko. Pumunta siya sa likuran nito para tanggalin ang kaniyang tali. Jax stayed still while he's setting free. Nang lumuwag na ang tali sa kaniyang mga pulso ay nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang buhok ni Basil at inuntog niya ang noo nito sa upuan. "Basil!" napatayo ang babae at sumugod siya para tumulong kay Basil. "Jax!" he's going ballistic again! Bago pa man makalapit ang babae kay Basil ay may tinutok na baril sa kaniya si Jax. Natuod bigla ang babae sa pwesto niya. Si Jax ay hawak si Basil sa kaniyang leeg at unti-unti niya itong sinasakal. "Jax! No! Stop! They are helping us!" I tried calming him down but he just glared at me. "Helping us? Bruh, these two can kill us! We can't trust them!" tinutok ni Jax ang baril sa noo ni Basil na nakatuon ang tingin sa babae. "Don't go near him Laina!" balisadong sigaw ni Basil kay Laina na dahan-dahan parin sumusugod kay Jax. Walang armas o baril na dala si Laina kaya't wala siyang laban kay Jax na hawak ang kaniyang kasama. "Shut up!" dumagundong ang boses ni Jax sa paligid dahilan para mapahinto kaming lahat. Diniin niya ang baril sa noo ni Basil at nanlisik ang kaniyang mga mata. "Why should we trust you guys?! You almost killed us!" sumigaw si Jax kay Laina. Ang kaniyang boses ay halos mamaos na. Wala naman akong magawa. Nawawala na siya sa kaniyang sariling katinuan. Hindi ko siya masisisi dahil nasa isang liblib at mapanganib na lugar kami. Walang mapagkakatiwalaan dito kundi kami lang dalawa. Marami na ang nagtangka sa buhay namin. "Because, we were just like you two." panimula ni Laina. Ang kaniyang boses ay malumanay at kalmado. Nakataas ang kaniyang mga kamay, handang sumuko. Hindi natinag si Jax. Sa halip ay tinutok niya ang baril sa binti ni Basil at nagpaputok siya ng baril dito. Napasigaw kami ng malakas ni Laina nang bumuhos agad ang dugo sa kaniyang binti. Sinadya niyang padaplisin lang ito, ngunit, nakakapanghina parin makakita ng pulang likido na nagsisimula nang tumulo. Napapikit ng mariin si Basil at halatang iniinda niya ang sakit. Nagulat ako nang mapaluhod na si Laina sa sahig at yumuko siya. "Please! Don't hurt him...he's the only one I got." May pumana at tumusok sa puso ko nang makita ko ang sitwasyon na nangyayari sa harapan ko. Laina looked so devastated and scared, she doesn't know what to do anymore. Ramdam kong namamawis na ang magkabilang sulok ng mata ko. Tinignan ko si Jax na nanginginig na ang mga kamay. I know nag da-dalawang-isip pa siya. Malambot ang puso ni Jax, pinangungunahan lang siya ng kaniyang instinct na iligtas kami. "Jax! Please! Listen to her first! Hindi solusyon ang mag p*****n tayo rito! Kung gusto natin makalayas dito, kailangan natin magtulungan! Makinig ka sa akin please!" sunod-sunod kong sigaw sa kaniya. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang magsalubong ang tingin namin. Tumango ako sa kaniya, encouraging him. Ilang minuto ang nakaraan bago siya huminga ng malalim at unti-unti niyang pinakawalan si Basil. Sa oras na napahiga sa simento si Basil ay nagmamadaling pumunta sa kaniya si Laina. Si Jax naman ay tumakbo papalapit sa akin at nagmamadali niyang tinanggal ang mga tali sa kamay ko. "Are you okay ate?" hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. "I'm fine..." tumango ako sa kaniya. Nang lumuwag na ang tali sa mga kamay ko ay nakahinga ako ng maluwag. Sinuri niya muna ang lagay ko kung ayos lang ba ako. Huminga siya ng malalim at humarap siya kila Laina at Basil na nakatingin sa amin. Tinago ako ni Jax sa kaniyang likuran, tila, handa siyang protektahan ako kung sakaling sumugod ang dalawa. "Just because I let go of that skunk doesn't mean I'm over with you guys." seryosong saad ni Jax at narinig kong gumalaw ang kaniyang panga. "So tell us, why should we trust you?" pahabol niya. Sumilip ako at nahuli kong nagkatinginan ang dalawa. Maya-maya ay huminga ng malalim si Basil at sinenyasan niya si Laina. Tumango si Laina at tinulungan niyang maka-upo si Basil sa upuan ni Jax kanina. "It all started two years ago..." "We were just like you two, we went here for a vacation." panimula ni Basil nang maka-upo na siya sa upuan. Nagkatinginan kami ni Jax. Mukhang nakuha niya ang atensyon ng kambal ko dahil nanlaki ang kaniyang mga mata. Umalis saglit si Laina. Ilang minutong nakakailang na katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Nanatiling nakayuko ang kaniyang ulo at iniinda ang sakit. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ko ang kaniyang sugat. Hindi rin nag tagal ay dumating na si Laina. May dala siyang palanggana na halatang luma na at bimpo. Lumuhod siya sa gilid ni Basil at nilinis niya ang sugat nito. "I guess we're fair now, huh?" saad ni Laina at napatingin siya sa gawi ni Jax. Napatingin ang kambal ko sa kaniyang braso at wala sa sariling hinaplos niya ito. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang sakit. Binalik ko ang atensyon ko kay Basil na humuhugot ng malalalim na hininga. "This place, it's original name was Arrow Gate. When we got here, the place looks okay. There are people everywhere. The city is alive and joyful." he sighed while reminiscing the past. "Until one day, we woke up and the city looked corrupted. It's like a pandemic overnight." sumingit si Laina at tumayo na siya mula sa pagkakaluhod. Seryoso niya kaming pinagmasdan habang naglalakad siya papalapit sa amin. Bawat hakbang niya ay mabibigat at may tunog. "We don't know what really happened. Natulog lang kami at iba na ang nadatnan namin kinabukasan. Sinubukan namin humanap ng ibang tao, but instead of people. We found Melox." "Napaliwanag na namin sa inyo kung ano ang Melox." singit ni Basil at napabuga siya ng hininga. "They are identical to us humans, but the only difference to know is the tattoo in their chest or a scar on their body." Kumunot ang noo ko at bigla akong napahawak sa dibdib ko. Bumaba ang tingin ko rito. My chest looks normal. Tumingin ako kay Jax na napatingin din sa kaniyang dibdib. Mukhang malinis din ang kaniya dahil nakahinga siya ng maluwag, tila, nabunutan siya ng malalim na tinik. "And you two are safe, but we don't know for sure. Aside from Melox, there are also evil creatures out there lurking in the houses and streets. They are called Bevils." tumayo saglit si Basil at naglakad patungo sa kabilang sulok ng kwarto, sa madilim na parte. May pinulot siyang kahoy at pinagmasdan ito. Maya-maya ay kinaskas niya ito sa sahig na magaspang at nanlaki ang mata ko nang lumikha ito ng apoy. Kasabay nito ay ang pag-awang ng labi ko nang mapagmasdan ko ang pader. "What the..." kapos hiningang saad ni Jax sa gilid ko at dahan-dahan siyang lumapit sa gawi nila Basil para suriin ng mabuti ang obra sa harapan namin. Pati rin ako ay napatayo at nakatingalang humahanga. Parang isang museum ang itsura ng matigas na pader dahil sa mga guhit. It looks creepy and weird but I love this kind of art. Para kang dinala sa isang lumang yungib. "This is called a Bevil. They are giant creatures that look like humans but they can tear you in half with their strong grip and can eat you alive." Pinakita niya sa amin ang isang guhit ng Bevil. Mukha nga siyang tao pero dito sa larawan ay mukha siyang isang higante at may hawak siyang mga ordinaryong tao katulad namin. Nakangiwi ako dahil masyadong brutal ang paraan ng pagkakapinta. Hindi ko kayang pagmasdan ito ng matagal kaya nag-iwas ako ng tingin. I know this is an art and it's fascinating to look at but the more I look at it, it makes me want to vomit. Hindi ko tuloy maiwasan na kilabutan. "And over here is a Melox, the one we normally encounter. Mas marami sila kumpara sa Bevils. Maaaring bata, matanda, or mga kabataan na katulad natin ang makasalamuha natin. Bevils are rare to see, but once you do, run away as fast as you can." paliwanag ni Laina habang naka-krus ang mga braso at nakasandal sa pader.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD