Chapter 11: Hide-Out

1809 Words
"Hey, why does a Bevil here is holding an axe." Napalingon ako sa tinuturo ni Jax. Nanlaki ang mata ko nang mapagmasdan ko ang Bevil na kaniyang tinuturo. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Jax at sa drawing. Is he for real?! Hindi niya maalala?! "Oh, that Bevil is the headman of all Bevils. We only encountered with him once but we never stood up close to him. That's a monster that can shape shift into an average human. If I were you, I'm going to yeet as fast as I can cause they can eat you alive." singhal ni Basil at napahawi siya sa kaniyang buhok. "But..." napalunok ako at dahan-dahan akong napatingin sa pader. "Jax killed that thing." Natigilan ang dalawa. Bigla silang napa-ayos ng tayo at hindi makapaniwalang pinagmasdan ako. Nagulat ako nang hawakan ako ni Basil sa magkabilang balikat ko at inalog niya ako. "Tell me, where did you find that Bevil?" seryoso niyang tanong sa akin. Ang kaniyang tingin ay tumatagos hanggang buto ko. "Is it true? You killed that Bevil?" gulantang na tanong ni Laina kay Jax na hindi makakibo. Nakatingin siya sa akin, humihingi ng saklolo. "Well, yeah. I almost killed myself too." sagot ni Jax. Napalingon sa kaniya si Basil. Dahan-dahan niyang binitawan ang balikat ko at tinuon niya ang buong atensyon sa kambal ko. Tinaas niya ang kaniyang kamay at naalaerto ako dahil baka may kung ano siyang gagawin nang ipatong niya lang ang kaniyang kamay sa balikat ni Jax at tinapik-tapik ito. "I should respect you then." sumilay ang ngisi sa labi niya. Napatingin si Jax sa kaniyang kamay at sinundan niya ng tingin ang braso ni Basil patungo sa kaniyang mukha. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming apat. I looked at Laina na kabado rin, inaabangan ang mangyayari. "How about you join us? We've been travelling here just the two of us. It's been so long since we encountered normal human like us in this place." suhestiyon ni Basil. Binuka ni Jax ang kaniyang bibig ngunit natigilan siya at bigla siyang tumingin sa akin. Nagtaka ako nang lumapit siya sa pwesto ko at inakbayan niya ako. "Kung papayag si ate, papayag din ako." Napunta tuloy ang kanilang atensyon sa akin. Napakurap naman ako at bigla akong nanliit sa pwesto ko. Naiilang tuloy ako dahil hinihintay nila ang magiging sagot ko. Pinagmasdan ko ang dalawa na sila Basil at Laina. May kislap sa kanilang mga mata habang pinagmamasdan ako. Huminga ako ng malalim at siniko ko si Jax sa gilid ko. We have no choice. They are the ones that we can rely on too. Mas matagal na sila sa lugar na ito kumpara sa amin. "I'm in." sumuko na ako. Nakahinga ng maluwag ang dalawa. Ginulo naman ni Jax ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ngumisi lang siya sa akin. "So, you two are twins right?" tanong ni Laina sa amin at tinuro niya kaming dalawa. "Well, yeah. But I'm the handsome version of her. She's ugly-" bago pa niya matapos ang balak sabihin ay sinapak ko na siya. Napahawak siya sa pisngi niya habang dumadaing sa sakit. "Ano ba ang tattoo na tinutukoy niyo na makikita sa mga Melox?" pag-iiba ko na lang ng tanong. If we want to survive in this place, the first thing we have to know is our enemies. Who we are going to encounter and what kind they are. "I'm glad you ask that." tumingala siya kaya't sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya. Namangha ako nang makita ko ang isang kalahikang simbolo na naka sentro sa gitna ng pader. "If you want to know what a Melox scar or tattoo looks like, here's your answer." minuwestra niya ang pader at pinag-krus ang kaniyang braso. Naningkit ang mata ko habang pinagmamasdan ko ang simbolo. Wait a minute, that symbol looks familiar. Parang nakita ko na siya somewhere else pero hindi ko mawari kung saan. "Hey, we know that symbol." Napalingon ako sa gilid ko at nagulat ako nang tumabi sa akin si Jax. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at pinakita sa akin ang manipis na tela na kamukha ng simbolo na nakaguhit sa pader. Nanlaki ang mata ko at hinablot ko ito sa kaniya. Nagreklamo siya pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay tinaas ko ang tela, kinukumpara sa obra. "They are similar." kapos-hininga kong saad. "Saan niyo ito nakuha?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likuran ko at nahuli ko si Basil. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya at naniningkit ang mga mata niya. "Sa Bevil na muntik nang pumatay sa amin." si Jax ang sumagot, ang kaniyang boses ay confident. Sinamaan ko siya ng tingin at nahuli niya ako kaya't tumikhim siya at sumeryoso na. "So Bevils either have one in their chest or printed on their clothes." bulong ni Laina at nagkatinginan sila ni Basil, tila, nagkakaintindihan sila at nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata. "I wish someone would look like me the way they look at each other." narinig kong bulong ni Jax sa gilid ko. Huminga ako ng malalim. Wala na talagang pag-asa na tumino ang kapatid ko. "It's hard to deal with a Bevil since they can do shape shifting into different forms of human. Ang ating palatandaan ay ang ganitong simbolo sa kanilang mga damit o dibdib." pangaral ni Basil at pinakita niya ang tela na napunit ni Jax. "How about sa Melox?" kuryoso kong tanong. Tinignan niya ako at nang bumaba ang tingin niya sa akin ay nagkaroon ng kislap sa pagitan namin. "Sa Melox ay iisang tao lang ang kanilang kayang gayahin. Among them, Melox ang pinaka mahina. Sila ang nagsisilbing Class 5, servant. They are the lowest and weakest creatures out there." Natulala ako at wala sa sariling napahaplos ako sa dibdib ko. If a Melox can change it's form and copy you, does that mean there's also an identical Melox like me out there lurking in the dark? Napalingon kaming lahat kay Jax nang humikab siya. Napatampal ako sa noo ko dahil parang inaantok siya sa aming pinag-uusapan. Gusto ko siyang sikmuraan ulit sa kaniyang tiyan pero baka bigla siyang matuluyan kapag hindi ako tumigil sa pambubugbog sa kaniya. "All these topic about Bevils and Melox is making me hungry and sleepy." kinamot niya ang kaniyang batok at nagmamakaawang tumingin sa dalawa. Nagkatinginan sila Laina at Basil. Maya-maya ay nagpakawala ng marahang tawa si Laina at tumayo na ng maayos. "Yeah, you're right. We should eat first before talking about the other creatures out there. Come on, follow me." malumanay ang kaniyang boses nang tumalikod na siya at dumiretso sa pintuan. Napatingin ako kay Jax na kumindat lang sa akin. Napa-iling ako. Parang kanina lang ay handa siyang patayin ang dalawang 'to. Ngayon ay may lakas siya ng loob na manghingi ng pagkain nila. Ibang klase ang kapal ng kaniyang mukha. Sumunod agad si Jax kay Laina, tuwang-tuwa. Naiwan muna ako sa pwesto ko, pino-proseso ang mga impormasyon na nalaman ko. Napatingin muli ako sa pader sa gilid ko at tinignan ko isa-isa ang mga nakaguhit. I'm wondering, sino kaya ang nagpintura nito? Nakakamangha lang. "What are you still doing here?" Muntikan na akong mapasigaw at mawalan nang balanse nang may nagsalita sa gilid ko. Akala ko ay ako lang ang naiwan mag-isa rito sa kwarto. Napalingon ako kay Basil na naka-krus ang mga braso at nakataas ang kilay sa akin. Bigla tuloy akong nanliit sa pwesto ko. Bakit mukha siyang galit? "I'm sorry, I'm just admiring the painting..." sinilip ko muli ang pader bago ibalik ang tingin ko sa kaniya. "Oh, really?" sumeryoso ang tono ng boses niya at sumandal siya sa pader habang hindi naaalis ang tingin sa akin. Hindi ako sanay makipag-usap ng ganito sa lalaki kaya't nagbaba ako ng tingin at kinagat ko ang dila ko. Ayoko naman siyang iwan dito bigla dahil lalabas na para akong bastos. After all, sila pa ang magbibigay ng pagkain sa amin. And lowkey, they saved us. Kasi kung hindi namin sila nakasalamuha, baka nasa labas parin kami naghahanap ng pwedeng pagtaguan. "I'm the one who painted it." Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napalingon sa kaniya. Sa hindi malamang rason ay bumilis ang t***k ng puso ko at nagwala ang mga halimaw sa sikmura ko. Namalayan ko na lang na tulala na ako sa kaniyang mukha, hindi sa obra sa harapan ko. "Ikaw?" hindi makapaniwalang napaturo ako sa kaniya. "You look surprised." ngumisi siya at umiling-iling, tila, nadismaya sa reaksyon ko. "Well yeah kasi hindi halata sa itsura mo-" napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko. Huli na nang marealize ko ang sinabi ko dahil dahan-dahan na tumaas ang kaniyang kilay at hinarap niya ang buong katawan niya sa akin. Umabante siya at bawat hakbang niya ay mabigat. Dumagundong ang kaba sa puso ko kaya napa-atras ako. "What did you say?" naghahamon niyang tanong. Lihim akong napalunok at hindi nakakibo. Atras lang ako nang atras hanggang sa naramdaman kong tumama ang likod ko sa matigas na pader. Napamura ako sa isip-isip ko. Napaigtad ako nang marinig kong tumama ang kaniyang kamay sa pader. Dahan-dahan kong sinundan ng tingin ang kamay niya at saktong nahinto ito sa mukha niya. Nang mag tama ang tingin namin ay biglang nanghina ang mga tuhod ko at nagkaroon ng elektrsidad na dumadaloy sa buong sistema ko. Ang kaniyang mga mata ay malalim at delikado pagmasdan. Kakaibang uri ng mga mata ang taglay niya. Pero hindi ako magpapatalo. Pinagsalubong ko ang kilay ko at tinapatan ko ang tingin niya. Buong buhay ko wala akong inatrasan na lalaki. Ang mga uri nila ang natatakot sa akin. Ngunit, sa hindi malamang rason ay na babaligtad ang lamesa ngayon. "Move away, your breath stinks." Natigilan siya at natulala sa akin. Lumuwag ang pagkakasandal ng kamay niya sa pader at napa-atras siya ng kaunti sa akin. Ako naman ay napakagat sa dila ko para pigilan ang sarili ko na mapahalakhak ng malakas. Wala naman talagang amoy ang hininga niya. Sadyang 'yon lang ang biglang lumabas sa bibig ko para lumayo siya sa akin. Hindi ko naman sukat akalain na gagana ito. "You're bluffing." naningkit ang kaniyang mata. Binuka ko ang bibig ko para bumanat nang may tumikhim sa gilid namin. Parehas kaming napalingon sa pintuan at naabutan namin si Jax. He's holding a bread in his right arm while munching. Kumagat siya muli sa tinapay habang nagpapabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Basil. Bigla kaming napalayo sa isa't-isa at hindi tuloy ako makatingin sa kaniya. "Bakit nandito parin kayo? Nakahanda na ang pagkain." seryosong saad ni Jax at lumapit siya sa akin. "Ikaw ate kailangan mo nang kumain alam kong gutom na gutom ka na at patay gutom ka pa naman." aniya at hinawakan niya ako sa braso ko para kaladkarin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD