“Opo. Ilang beses ko na nga pong sinusubukan pero palpak parin.” malungkot na saad ni Noah at umalis na siya sa bisig ni Range. Nagtungo siya sa sumabog at sinuri niya ito. “Sorry about that.” pinag-krus ni Range ang mga braso niya at tinignan kami na halos lumuwa na ang mata sa gulat at mga nakanganga. “H-he can create bombs?” hindi makapaniwalang tanong ni Jax habang nakaturo ang daliri kay Noah na may kung ano-anong kinakalutkot ngayon sa bomba na ginawa niya. Nangunot ang noo ko nang mapagmasdan ko ang hawak niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang pwesto. Hindi naman siguro sasabog ito ulit dahil hawak ito ni Noah at mukhang inaayos na niya. Nang huminto ako sa gilid niya ay bahagyang yumuko ako at sinuri ko ito. “Ikaw ba ang gumawa ng mga smoke bomb na ginamit sa amin?” tano

