Chapter 45: Favor

1811 Words
Ngumiti ako sa kaniya ng matamis para kahit paapaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Napasinghap ako nang bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya at niyakap niya ako ng mahigpit. Napa-atras si Basil, ngunit, ang kaniyang noo ay nakakunot ang salubong ang kilay. “I’m sorry for beating you up. Let her heal you.” binitawan na niya ako at lumapit siya kay Alota habang hawak ang kamay ko. Inalalayan niya ako sa harapan ni Alota. Napa-atras naman ang kapatid ko at nagbigay daan sa amin. “Alota, do your thing.” minuswestra niya ako at lumayo na siya. Kinabahan ako nang umabante si Alota at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Napapikit ako ng mariin at hinayaan siyang hagurin ang mga palad sa mukha ko. Hindi ako mapalagay dahil ang lamig ng mga kamay niya, ngunit, ramdam ko ang pagkawala ng kirot, hapdi at sakit na nararamdaman ko. “You’re beautiful.” narinig kong bulong niya at hinalikan ang noo ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at tinignan ko si Alota sa harapan ko. She’s smiling sweetly at me. Ang mata niya ay kumikinang, maraming salita ang sinasabi. “Damn, you got prettier sis.” Napalingon ako kay Jax na binibigyan ako ng nakakaasar na ngiti. Nang bumaling ang mukha ko sa gawi nila Basil at Range ay nagtagal ang tingin nila sa akin. Lumapit sa akin si Range at tinapik niya ang likuran ko. “You got some looks kid.” natutuwa niyang ginulo ang buhok ko. “So what do you say guys? Are you ready to be part of this tribe?” Habang nagbibigay anunsyo si Range ay nanatili ang mga mata ko kay Basil na hindi maka-imik habang pinagmamasdan ako. Tila, biglang bumagal ang oras at tanging siya lang ang nakikita ko. “We have a favor first.” Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin nang biglang mag salita si Jax. Inabangan ko ang kaniyang sasabihin. “Hmmm, sure. What is it?” seryoso ang boses ni Range at pinag-krus niya ang kaniyang braso. Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Jax, tila, may naisip siyang isang magandang ideya na babago sa buhay namin. “You have to help us find the continuation of the book.” “Book…” kapos hiningang saad ni Range, mukhang inaalala ang tinutukoy ni Jax. “It’s the book we found before you kidnapped us.” paliwanag ni Basil habang seryoso ang ekspresyon ng mukha. “Is that the book Noah keep telling that his parent wrote it?” tanong niya. Sunod-sunod akong tumango. “Wait, you know Noah?” naguguluhang tanong ni Jax habang nakataas ang kilay. “Of course we know him. We adopt him when his parents die. I treated him as my own son.” paliwanag niya at nilagpasan kami. Sinundan namin siya ng tingin. “Hey, where are you going?” sigaw ni Jax. “Follow me. I’ll take you to Noah!” he shouted. “But, what about-” “Leave her, she’s forbidden to go out.” mabilis ang bawat hakbang niya at bigla na lang siyang naglaho sa dilim ng hallway na magtutungo sa kabilang kwarto. Sumunod agad si Basil sa kaniya. Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Nagkibit-balikat siya sa akin at sumunod na rin kay Basil. Napabuga ako ng hininga at ihahakbang ko na sana ang paa ko nang wala sa sariling napalingon ako kay Alota. Natagpuan kong nakangiti siya habang pinagmamasdan kami na isa-isang nawawala sa silid. “Uhhh, are you okay here?” tanong ko sa kaniya habang napapakamot ako sa batok ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay hinahalukay niya ang kasulok-sulukan ng utak ko. Tumalikod ako agad at akmang susunod na kila Basil nang magsalita siya na siyang nagbigay kilabot sa buong sistema ko dahil nagsitayuan ang mga balahibo sa batok ko. Hindi na ako lumingon pa at mabilis na akong umalis sa kwarto. Bawat hakbang ay ramdam ko ang pabilis nang pabilis na pag t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Pauli-ulit na naglaro sa utak ko ang mga salita niya na kailangan ko pang umiling para lang mawala ito. Nang makarating na ako sa kabilang kwarto ay kusang sumarado ang pintuan at bumalik sa dati ang cabinet na nahati sa gitna. Pinagmasdan ko ito ng matagal. Kahit ibaon ko sa pinakasulok ng utak ko ang sinabi niya, para itong isang bangungot na gustong lumitaw sa panaginip ko. “Ate!” Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay napatalon tuloy ako sa gulat nang may sumigaw sa tapat mismo ng tenga ko. Sinamaan ko ng tingin si Jax na nakangisi sa akin, natuwa sa naging reaksyon ko. “That’s not funny.” I frowned at him. “I keep on calling to you but your mind is pre-occupied. You have been staring at the cabinet for minutes, what’s wrong?” inakbayan niya ako at ginulo-gulo niya ang buhok ko. Sinimangutan ko siya at tinulak ko ng malakas dahil nagiging makarakya nanaman siya. Ngunit, sa likod ng isip ko ay paulit-ulit nanaman itong bumubulong sa akin. Ginawa ko ang lahat na makakaya ko na huwag ipahalata sa kaniya dahil alam kong madali niya akong mabasa at baka mag eskandalo pa siya sa lugar na ito. Gusto ko na lang isipin na hindi totoo ang sinabi niya. “Malalim nanaman ang iniisip mo! Tell me!” dumamba siya sa akin at halos sakalin na ako. Eto na nga ba ang sinasabi kong nagiging makulit siya! “Jax, enough. Your sister can’t breath.” suway ni Basil at hinatak niya ako palayo mula sa kapatid ko. Sumama ang timpla ng mukha ni Jax. “Yes, daddy.” pabiro niyang saad at tumirik ang mata niya. Napa-iling na lang ako at nagpasalamat dahil hindi na siya nangulit pa. Sa halip ay dumiretso siya patungo kay Range na may inaayos sa cabinet. “Are you okay?” tanong ni Basil nang mapunta sa akin ang atensyon niya. Sa hindi malamang rason ay bigla akong nailang kaya sunod-sunod akong tumango. “Y-yeah…” hinayaan kong humarang ang buhok sa mukha ko dahil ayoko niyang makita ang mga mata ko na hindi magkadan-ugaga kung saan titingin. Natigilan ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na humagod sa ulo ko. Marahan ang paraan nang pagkakahawak niya kaya’t kinilabutan ako at ramdam kong may elekstridad ang dumaloy sa ugat ko. Nang mahawi niya ang buhok na nakaharang ay nagtama ang mata naming dalawa. Sumalubong sa akin ang malalim niyang tingin na humahaplos sa kaluluwa ko. “Don’t hide your face.” aniya. Nakagat ko ang dila ko. Gusto kong umalis sa harapan niya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nanatili kami sa ganitong posisyon, nakatingin sa isa’t-isa, walang pakielam sa ibang nakapaligid nang biglang may humawi sa amin. “Hoy! Tara na raw!” Napakurap ako at napatingin ako sa pintuan kung saan nandon si Range na naghihintay sa amin. Napa-ubo ako at ramdam ko ang pagdaloy ng dugo patungo sa mukha ko. Hindi na ako tumingin pa muli kay Basil. Hinayaan ko na lang na hatakin ako ni Jax at sumunod kay Range palabas. Bumungad sa amin ang ilang tao na may kaniya-kaniyang ginagawa. Bawat bahay na madaanan namin ay maganda ang pagkakayari at hindi ko ulit maiwasan na humanga sa ganda ng lugar. Gusto kong mahiga sa mga damuhan at matulog dito nang isang linggo. May mga batang naglalaro na dumaan sa gilid namin. Muntikan pa ngang mabangga ni Jax ang isa. Natawa ako nang sinundan ko ng tingin ang mga bata. Wala silang kamalay-malay na sa oras na makalabas sila sa nayon na ito ay isang malaking gulo ang kanilang masasaksihan. Kung sana ay bata na lang ulit ako na mang-mang. “Why Alota can’t leave that room?” basag ni Jax sa katahimikan na bumabalot sa amin. May mga tao kaming nadadaanan na sinusundan kami ng tingin. Pakiramdam ko ay nahuhusgahan ako kaya’t nanatiling diretso ang tingin ko sa harapan. Hindi muna sinagot ni Range ang tanong ni Jax. Nang huminto na kami sa tapat ng isang bahay na may kaliitan lang ay tsaka siya bumuga ng marahas na hininga at binalingan kami ng tingin. “Trust me when we say we want to let her out of that room. We want everyone to see her. She deserve to have the freedom for what she have served for us.” napapikit siya ng mariin. “Last time we tried to step her feet outside, this whole place suddenly shake. As if an earthquake will happen. Trees suddenly fall, road cracks, the sky cried. As if you are seeing hell.” natulala siya sa kawalan habang inaalala ang mga pangyayaring ito. Nagkatinginan kami ni Jax. I have a bad feeling about this. “We don’t know why did that happen but one thing I noticed is that….” Biglang bumukas ang pintuan sa gilid namin at siya ang tumuloy sa sasabihin ni Range. “Alota is the core of this town.” Natulala ako nang mapagmasdan ko ang inosente niyang mukha. Lumawak ang ngiti niya nang makita niya kami nila Jax. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. “Buti po ate ayos lang kayo.” Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kaya’t napatingin ako kay Jax. Muntikan na akong masamid sa sarili kong laway dahil bumubulong-bulong siya nang kung ano-ano habang nakatingin kay Noah na walang kamalay-malay bina-back stab na pala siya ng kapatid ko. “'Tay, bakit nandito kayo?” Napunta ang tingin ni Noah kay Range. Napa-atras ako nang buhatin niya si Noah sa mga bisig niya at hinalikan niya ito sa gilid ng ulo niya. Parang may humaplos at yumakap sa puso ko nang makita ko ang senaryo sa harapan ko. Kahit na mukhang katakot-takot na tao si Range, hindi maipagkakaila na mukha siyang isang mabuting magulang kay Noah kahit hindi niya ito kadugo. “How’s your day, son?” sinenyasan niya kami na pumasok na sa loob. Dahil may kaliitan ang pintuan ay yumuko pa kami bago makapasok. Kakaibang amoy agad ang sumalubong sa ilong ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, hinahanap kung saan nanggagaling ang amoy nang biglang sumigaw si Noah. “Yuko!” Huli na para magawa ko ang utos niya. May biglang sumabog at umusbong ang usok sa buong paligid. Sa sobrang gulat ay napa-atras ako at may nabunggo ako sa likuran ko. Napalingon ako kay Basil na agad na pumalupot ang kamay sa beywang ko at inalalayan ako na makatayo muli ng maayos. “T-thanks…” nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Noah! Are you still working on that new project?” hindi makapaniwalang sigaw ni Range habang nakayap siya kay Noah, ginagawang shield ang katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD