Chapter 44: Alota

1818 Words
Hindi kami nakakibo agad ni Basil sa suhestiyon niya. Nakakapag-duda lang dahil malaki agad ang tiwala niya sa amin. Bigla siyang tumayo at sinenyasan kami na sundan siya. Nagbato kami ng tingin sa isa’t-isa ni Basil. Nagda-dawalang isip kung susunod ba o hindi. Ngunit, sa huli ay sumuko kami at sinundan siya. Dumiretso siya sa may cabinet at may tinanggal siyang libro rito. Saktong nahati sa gitna ang cabinet at bumungad sa amin ang sikretong pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi nakakibo si Basil sa gilid ko. “This way.” inaya niya kami at nauna na siyang maglakad. Napalunok ako nang masilip ko ang masikip na hallway at madilim. Nilingon ko sa likuran ko si Jax na mahimbing parin ang tulog. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kaniya diyan kaya’t sumunod na lang kami kay Range. Halos wala akong makita habang tinatahak namin ang may kasikipan na hallway. Sinubukan kong kapain ang paligid ko nang may nahawakan akong malambot. Nagtaka ako kung ano ito dahil malaki at sakop nito ang buong palad ko. Nang unti-unti ay may natatanaw na akong liwanag sinundan ko ng tingin ang hawak ko at nagulat ako nang makita kong kamay pala ito. Tumikhim si Basil kaya’t napatingala ako sa kaniya. Nakataas ang kaniyang kilay sa akin, tila, nagtataka kung bakit nakasalikop ang kamay ko sa kaniya. Sa gulat ay agad ko itong binawi mula sa pagkakahawak at kasabay nito ay ang anunsyo ni Range. “Meet Alota.” Napanganga ako sa pagkamangha nang sumulpot sa harapan namin ang isang maliit na kagubatan na may mga dahon na nagkalat sa sahig, mga puno na nakadikit sa pader at mga ibon na lumilipad sa itaas. Parang isang paraiso. Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko pababa sa pisngi ko dahil pakiramdam ko ay ito ang unang pagkakataon na makakita ng totoong liwanag. “You’re crying…” Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko upang tanggalin ang luha. Ramdam ko tuloy ang pag daloy ng dugo paakyat sa mukha ko. Mabilis kong tinanggal ito at nag-iwas ako sa kaniya ng tingin, takot na makitang namumula ako na parang kamatis. “Alota, you have guests.” Nakita kong sumandal sa puno si Range at inabangan ang pag litaw nang taong tinutukoy niya. Napalinga-linga ako sa paligid, hinahanap ang sinasabi niyang Alota, ngunit, kahit saan ko ilibot ang paningin ko ay wala naman akong nakitang ibang tao. Sumimangot ako. Niloloko lang naman ata kami ni Range. “So, where is this Alota?” tanong ni Basil. “She’ll show up.” ‘She.’ so babae ang Alota na tinatawag niya? Nanatili lang kami sa pwesto namin, nag-aabang. Makalipas ang ilang minuto ay wala parin nangyayari. Nasasayang lang ang oras namin. Baka isang patibong lang ito na hindi na kami makakalabas sa oras na nakapasok kami rito. “This is bullsh*t, she’s not true.” dismayadong saad ni Basil. Nilingon niya ako at hinwakan niya ang kamay ko na siyang kinagulat ko. “Let’s go.” Hindi na ako naka-angal pa at nagpahatak na lang ako sa kaniya. Tumalikod na kami, ngunit, saktong pagharap namin sa pintuan na aming paglalabasan ay parang kabute na sumulpot sa harapan namin ang isang babae na mahaba ang buhok umaabot hanggang kaniyang talampakan, nakasuot ng puting bistida, at ang mas naka-agaw ng atensyon ko ay ang puting kilay at mata niya. “What seems to be the problem?” Natulala ako sa kaniyang taglay na kagandahan. Ang boses niya ay malumanay na nagbigay kilabot sa buong katawan ko. Tumayo ang mga balahibo sa batok ko nang maglakad siya papalapit sa amin. Hindi ko mawari kung sa amin ba siya nakatingin o diretso lang ang kaniyang mata dahil puti ang mga ito. “They won’t believe me that you are real.” narinig kong nagsalita si Range sa gilid namin. “Hmmm…I see.” halos lumutang ako sa kalawakan dahil sa nakakapawi niyang boses. Sinundan namin siya ng tingin ni Basil nang lagpasan niya kami at nagtungo siya sa gitna. Biglang umulan ng mga petals ng rosas nang itaas niya ang kamay niya. Napa-atras ako sa gulat at umiling-iling ako. Hindi ko alam kung saan napunta ang dila ko. Is this real? “W-what are you?” halos magkabuhol-buhol ang dila ni Basil nang bitawan niya ang mga katagang ito. May ibon na huminto sa tapat ng daliri ni Alota. Parang itong nanghihina at may sakit. Pinagmasdan niya ito ng matagal at hinaplos niya ang ibon. Pinalipad niya ito matapos at sinundan namin ang ibon na dumaan sa harapan namin. Nakakamangha ang bilis ng lipad nito, hindi katulad kanina na halos hindi makalipad. “Do you know what does the circle of life really means?” she asked as she takes a step forward. Bawat sahig na nadadaanan niya ay mayroong mga damo na tumutubo. “Our lives, all creatures great or small, from beginning until the end resembles a full circle.” aniya habang nag ce-create siya ng isang imaginary circle sa daliri niya. Huminto siya at yumuko, tila, may pinupulot siya. Napatingin ako kay Range na walang imik sa isang gilid at pinapakinggan lang si Alota na mag salita. Si Basil sa gilid ko ay inaabangan ang mga susunod na pangyayari. Ako lang ata ang naguguluhan kasabay ay ang pag bilis ng puso ko. Hindi normal itong nakikita namin. “No matter how small the circle is.” may pinakita siya sa amin na caterpillar. Gumagalaw ito sa kaniyang palad patungo sa kaniyang pulso. “Or how big it is.” May biglang dumaan na ibon at kinuha ang caterpillar sa kaniyang palad. Napangiwi ako nang kainin ito ng ibon at nagpunta siya sa tangkay ng puno. “It closes within the same way for everybody.” Nang saktong kumain ang ibon ay bigla itong nanganak ng itlog at bumagsak ito sa sahig. Nabasag ang itlog at may bagong ibon na maliit ang lumabas mula rito. Hindi pa nito kayang lumipad kaya’t nilapitan ito ni Alota at kinalong sa kaniyang mga kamay. “Everyday, somebody passes on but on that exceptionally same day, a modern life is born.” Pinalipad niya ang ibon. Kahit bagong panganak lang ito ay natuto na itong lumipad at makisabay sa kaniyang ina. “Everything comes together in a exquisite balance. That’s how the circle of life works” saktong bumaling ang atensyon niya sa amin at binigyan kami na malambot na ngiti. We’re speechless. All of this are new to us. Hindi niya pinaliwanag kung ano siya, ngunit, sa mga pinakita niya at minuwestra niya sa aming harapan ay may ideya na ako kung ang ang kakayahan niya. “Sorry, hindi niya talaga pinapaliwanag kung sino siya o ano ang kaya niya. She will become philosophical.” Umalis sa pagkakasandal si Range at pumunta siya sa gilid namin. Nagulat ako nang akbayan niya kami ni Basil at nakangiting nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin. “So? Do you believe me now? What do you say?” Hindi ko alam ang isasagot ko. I mean, this is the first time we see something like this. It’s hard for us to process it. “Is she the one who…?” Basil pointed at Alota but Range slap his hands. “Don’t point finger at her. Don’t disrespect the queen. And yes, she’s the one who healed you and your girlfriend.” “B-but how? How did you know her? She can heal person and re-create life?” sunod-sunod ang tanong na pinakawalan ni Basil kahit na nasa harapan namin ang tinutukoy niya. Nabaling ang atensyon ko kay Alota. Nakatingin lang siya sa amin, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Naiilang ako sa ilalim ng mga tingin niya dahil pakiramdam ko ay kaya niyang basahin kung ano ang iniisip ko. Ngunit, may kakaibang atmospera ang umaaligid sa kaniya. Walang halong dilim o kaguluhan. Payapa ang nararamdaman ko sa presensya niya. Para kang iniingatan na diyamante. Binitawan na kami ni Range at nagpakawala siya ng buntong-hininga. “When this place got corrupted by shape shifters, me and my family are evacuating to a safe place because our original home was ambushed by a Melox.” tumingin siya kay Alota na nilalaro ngayon ang mga ibon at tinutulungan ang mga insekto na makakain ng dahon. “Then we saw her laying on the ground. My father saved her and she soon showed us who she really is. Ganiyan din ang reaksyon namin noong una sa inyo. Ngunit, nang mag tagal ay tinanggap namin siya at tinuring na pamilya. Kaya’t handa siyang pagsilbihan kami dahil niligtas namin ang buhay niya.” “But she’s more than just helping us to heal. She’s like a sister to me and I will do everything to protect her.” patuloy niya. “Protect her?” ako naman ang nag tanong. Can’t she protect herself? She has powers. This is what he said that science can’t explain, right? “Her powers is to heal and generate life but she can’t heal herself. She must be sealed in this room.” “Hindi niyo ba siya pinapalabas sa kwarto na ito?” si Jax ang nagtanong. Napalingon ako kay Jax na nasa likuran ko. Ngumiti siya sa akin at kinindatan ako. Nagkibit-balikat ako at binalik ko ang atensyon ko kay Range. Ngunit, nang mapagtanto ko kung sino ang nagsalita ay napalingon ako muli sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko. “What are you doing here?!” “What?” napa-taas siya ng kamay niya. “I heard you guys from the other side of the room then saw a door that lead me here. I saw the whole thing. Hey girl!” Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya kay Alota at nakipag hand shake siya rito. Nakita kong halos mawala sa ulirat si Range at akmang pipigilan niya si Jax nang matgilan siya dahil natawa si Alota at nakisabay sa kaniyang kalokohan. “Cool, you have powers right? So if I kill myself, can you bring me back to life?” Halos mawalan ako ng malay sa mga tanong ng kapatid ko. Narinig kong natawa si Basil sa gilid, naaaliw sa kagaguhan na pinapa-iral ni Jax. “She can’t do that. Her powers are limited. That’s why…” napapikit ng mariin si Range bago ipagpatuloy ang gustong sabihin. “She didn’t save my parents.” Katahimikan ang namayani sa buong silid. Tanging mga huni ng ibon ang naririnig ko. Hindi ko maiwasan na panghinaan ng loob habang pinagmamasdan ko si Range. It must be so hard for him when he both lost his parent. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ko ito. Natigilan siya at napatingin sa akin habang may namumuong luha sa magkabilang sulok ng mata. “You may lost people who are dear to you, but, at least you have a whole village who loves you and looks up to you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD