Is he for real? Napatingin tuloy ako kay Jax na hindi nagising sa ingay ng lalaking ‘to. Nabalik bigla ang atensyon ko kay Keane nang ipalupot niya ang kamay niya sa balikat ko at nang-aasar niyang ginulo ang buhok ko. Hindi naman ako maka-angal dahil naiipit niya ako.
“You don’t know you’re sleep walking? I saw you walking towards the door when I got here. You suddenly touch my face then kissed me.” paliwanag niya.
“What?” he can’t be serious. Hindi ako malikot matulog. Lagi nga akong nagigising na nasa iisang posisyon lang, what more pa ang mag sleep walking? Pinakatitigan ko siya ng matagal, sinusuri ko kung siya ba ay nagsisinungaling o may nililihim. Nanatiling nakangiti siya sa akin at malambot ang ekspresyon ng mukha, tila, gustong ipahiwatig na siya ay hindi nagsisinungaling.
Tinulak ko siya at dali-dali akong lumapit kay Jax na mahimbing ang tulog. Sinipa ko siya sa tagiliran niya.
“Gising!” paulit-ulit ko siyang sinipa pero hindi siya natinag sa pwesto niya. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang sikmura niya. Sa ginawa ko ay napadilat siya ng mga mata at napaubo ng malakas. Namula ang kaniyang mukha at dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
Narinig kong napasipol si Keane sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon dahil ang buong atensyon ko ay nasa kapatid ko na inaabot ako.
“A-ano ba ang ginawa ko para parusahan ako ng ganito?” aniya at bigla siyang nawalan ng malay. Bigla akong nagsisi dahil mukhang napalakas ako ng pagkakasipa ko.
“Jax!” inalog ko ang kaniyang balikat pero mahimbing na ulit ang tulog niya. Napabuga ako ng marahas na hininga at dahan-dahan akong tumingin kay Keane na nagpipigil ng tawa. Kinunotan ko siya ng noo at umikot ang mata ko.
“Poor Jax, he was just sleeping. Why did you do that?”
“Was about to ask if your reason is true and you’re not just making any excuses of you harassing me.”
“Whoa! Slow down…” napataas siya ng dalawa niyang kamay at natutuwang umabante patungo sa akin. Umatras naman ako dahil ayokong dumikit sa kaniya.
“Malinaw naman ang paliwanag ko kanina, ayaw mong maniwala?” bawat hakbang niya ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang sa presensya niya. Mayroon siyang dalang mabigat na atmospera na hirap ako makagalaw. Sa kaka-atras ko ay hindi ko namalayan napunta na pala kami sa isang sulok at napasandal ako sa pader.
Katulad ng mga cliche na napapanuod sa movies o nababasa ko sa libro, kinulong niya ako sa pagitan ng mga kamay niya at pinagmasdan ako nang mariin sa mata ko. Tumama ang mainit niyang hininga sa ilong ko. Paulit-ulit akong lumunok. Mabango ang kaniyang binubuga na nagpapahina sa mga tuhod ko. Napakapit ako sa pader sa likuran ko.
“M-move away!”
Napamura ako dahil nautal ako at lumiit ang boses ko. Mas lalong lumawak ang ngisi niya at nilapit ang mukha niya sa akin. Bumaba ang atensyon niya sa labi ko at tumaas ang kilay niya.
“Your lips look edible though…”
Napa-awang ang labi ko sa gulat. Ito ang unang pagkakataon na makasalamuha ako ng lalaking katulad niya na sobrang straightforward. Hindi ko alam kung saan napunta ang lahat ng lakas ko. Parang hinigop niya ang enerhiya na natitira sa katawan ko. Kanina lang ay magaan ang pakiramdam ko, ngunit, simula nang magpakita siya ay halos magkabuhol-buhol na ang mga intestine ko.
Hinaplos niya ang ibabang labi ko at dinala niya ang daliri niya sa kaniyang bibig. Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang kaniyang dila at humagod ito sa daliri niya na pinang haplos sa akin. May kakaibang elektrisidad ang dumadaloy ngayon sa buong sistema ko. Hindi ko mawari kung saan ko ibabaling ang atensyon ko. Kung sa kaniya ba o kay Jax sa likuran niya na walang malay.
“You know, you look familiar.”
Panandaliang huminto ang t***k ng puso ko. Nanatili tuloy ang atensyon ko sa kaniyang mata, sinusuri ito. Kumislap ang mata niya nang saktong tumama ito sa liwanag. Pumungay ang mga ito at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Gusto ko siyang itulak, pero, sa hindi malamang rason ay hinayaan ko siya.
“I feel like I have seen you somewhere before.”
Naiintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig dahil pamilyar din siya. Hindi ko maipaliwanag kung saan ko siya nakita. Hindi ko na maalala sapagkat unti-unti na itong lumalabo sa ala-ala ko. Kahit anong pilit kong abutin ito para lang maging malinaw sa aking paningin, tuluyan na itong naglaho.
“Tell me,” halos hininga na lang ang lumabas sa bibig niya.
“Have we met before?”
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Nanatili lang ang mga mata ko sa mukha niya. Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako ng ilang beses. Mapula, manipis at mamasa-masa.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko. Pamilyar ang mukha niya, ngunit, sigurado naman akong ito lang ang unang pagkakataon na nagka-usap kami o nagkasama. Hindi ko siya kilalang lubos.
Makalipas ang ilang minuto ay walang nagsalita sa amin. Parang may dumaan na anghel sa pagitan namin dahil walang ibig kumibo. Nanatili lang ang mata namin sa isa’t-isa, tila, wala kaming pakielam sa mga bagay na nakapaligid sa amin. Nahigit ko ang aking hininga at tumambol ng mabilis ang puso ko nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Biglang nagkagulo ang mga halimaw sa sikmura ko.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at inabangan na lang siya. Ramdam ko na ang kaniyang ilong na dumikit sa akin at ang ibabaw ng labi niya humahaplos nang may biglang kumalampag na malakas. Sa gulat ay naitulak ko si Keane ng malakas at nanlalaki ang mga matang napalingon ako kung saan nanggaling ang tunog.
Natulala ako nang makita ko si Basil. Walang buhay ang kaniyang mga mata nang magbato siya ng tingin sa aming dalawa ni Keane. Alam kong nahuli niya kami sa akto kaya’t ganiyan ang reaksyon niya. Gumalaw ang kaniyang panga nang matuon ang kaniyang tingin kay Keane na nakangiti lang.
Napalunok ako. Mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang maglakad siya papalapit sa amin. Hinawakan niya ang pulso ko at sapilitan akong nilayo kay Keane. Sa bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakapag protesta o naka-angal. Nakita ko na lang ang sarili ko na nagtatago sa likuran ni Basil.
“What are you guys up to? What is this place? Why did you take us here?” sunod-sunod na tanong ni Basil habang nakakunot ang noo. Kung may hawak lang siyang baril ngayon ay marahil nakatutok na ito sa noo ni Keane.
Napataas ng magkabilang kamay si Keane, tila, sumusuko. Sinubukan niya kaming lapitan pero dinuro siya ni Basil at mas dinikit ako sa likuran niya. Parang takot siyang ibigay ako muli kay Keane dahil humihigpit ang hawak niya sa akin.
“Answer me!” halos mabinge ako sa lakas ng sigaw niya. Rinig ko ang bilis ng t***k ng puso niya. Napatingala ako kay Basil. Gusto kong paglayuin ang kaniyang kilay na halos mag salubong na. He looks like he’s panicking but he’s restraining himself.
Hindi agad nakapagsalita si Keane. Sapagkat ay nanatiling nakataas ang mga kamay niya, pilit na pinapakalma si Basil. Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga.
“Relax, okay? We’re not going to hurt you-”
“NOT HURT US?!” Basil roared like a lion. Nagulat ako nang ipakita niya ako kay Keane at tinuro niya ang mukha ko.
“Your fvcking leader beat her up! Paano kami makakasiguro na ligtas kami sa puder niyo?! HA?!” binitawan niya ako at lumapit siya kay Keane. Natutop ko ang bibig ko nang hawakan niya sa kwelyo si Keane at inalog-alog niya ang katawan nito.
He looks desperate. Parang may pumana sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang senaryo sa harapan ko. Natigilan si Keane at maski siya ay hindi alam kung paano tutugon sa mga palahaw ni Basil.
“Because I owe you.”
Pare-parehas kaming natigilan nang may nagsalita sa likuran namin. Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng pintuan. Nanigas ako sa pwesto ko nang sumulpot sa harapan namin si Range. Ang kaniyang pigura ay mataas kaya’t napatingala ako sa kaniya. Bumalik ang kaba at takot sa dibdib ko nang mapagmasdan ko ang itsura niya. Malaki at mukhang matapang, parang isang action movie star character sa isang jungle. Ang nakakailang lang sa kaniyang itsura ay ang mata na hindi diresto ang isa.
“Leave us alone for a moment, Keane.”
Bumuntong-hininga si Keane at napilitan na talikuran kami. Ngunit, bago siya tuluyang umalis ay nahuli kong sumilip muna siya sa gawi ko at nag-iwan siya ng matamis na ngiti bago siya lumabas ng silid. Nang kami na lang ang naiwan ay biglang na-upo si Range sa sofa.
“Finally.” nagpakawala siya ng mahabang hininga, tila, nasasarapan siya sa pwesto niya. Nagsindi siya ng sigarilyo at bumuga siya ng usok. Maya-maya ay natigilan siya nang mapatingin sa walang malay kong kapatid na nakahiga parin sa sahig.
“What happened to him?” tinuro niya si Jax.
Walang nagsalita sa amin. Nagkatinginan kami ni Basil. Ayoko naman sabihin na ako ang may kasalanan.
“How come you owe us?”
Nabasag ang nakakabinging katahimikan nang magtanong si Basil. Bumuga ng usok si Range bago niya kami tinignan.
“Because of this.” hinawi niya ang damit niya at pinakita ang locket na napulot ko. Suot na niya ito sa kaniyang leeg.
“I believe you have listened to my story earlier and you know how precious this thing is to me.”
Hinaplos niya ang locket bago niya ito muli itago. Bawat minutong lumilipas ay mas lalong nagiging tensyonado ang paligid. Hindi ko magawang umupo at makipag-usap ng pormal sa kaniya. Sobrang bilis ng mga nangyari. Parang kahit anong oras ay pwede nilang pasabugin ang lugar na ito habang nasa loob kami. Overthinking na pero wala naman kaming ideya kung sino sila.
“I brought you to this place because I, Range, the leader of our tribe, is willing to be under your service.”
Napatingin ako kay Basil na mukhang ayaw maniwala sa mga pinagsasasabi ng lalaking ‘to. Sa totoo lang ay mahirap kagatin ang kaniyang offer. Dahil sa simpleng locket lang ay willing siyang mag taya ng buhay para sa amin?
“Along with my tribe, we will protect you. You can live here with us. Stay with us. Or much better….”
Tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa amin. Dahil hamak mas malaki siya sa amin ay napatingala kami ni Basil sa kaniya. Hindi siya ordinaryong tao ang alam ko. No man can be this huge and tall.
“You can be part of our tribe.”