Chapter 42: Time

1806 Words
“We were so traumatize of what happened to us in this place as if peace was never an option.” Tumango ako sa sinabi niya, sumasang-ayon. Hindi ko alam kung ilang araw na kami sa lugar na ito dahil hindi naman lumulubog o sumisikat ang araw. Hindi namin malaman kung ano ang totoong oras. Ngunit, pakiramdam ko ay ilang taon na kaming kulong dito. Ang katawan ko ay halos bumigay na at sukuan na ako mismo, pero bakit nang makapasok kami sa village na ito ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin? “There’s something in this place I can’t explain.” pabulong ko saad, halos wala nang boses ang lumabas sa bibig ko. “Yeah,” sumang-ayon naman si Jax sa gilid ko. “Do you remember what Range said? About using something on Basil that even science can’t explain?” Tumango ako dahil naalala ko nga ang kaniyang anunsyo kanina lang. Gusto ko malaman kung ano ang kaniyang tinutukoy, pero, tanging si Range lang ang makakapag paliwang nito sa amin. Lumingon ako kay Jax na nakangiti, tila, walang problemang dinadala. Hindi ko maiwasan na maging emosyonal na makita sa ganitong kalagayan ang kapatid ko. Hindi ko sukat akalain na mauuwi kami sa ganitong sitwasyon. Nakakatuwa na maka-survive kami ng ganito katagal. May mga pagkakataon na halos makita ko na ang liwanag at gusto na akong kuhanin. May mga oras na sunod-sunod na ala-ala ang naglaro sa utak ko. Buong akala ko ay magtatapos na ang buhay ko. Kung hindi lang dahil sa mga sakripisyo ng kapatid ko para lang maligtas ako ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Marahil ay nakalupasay sa sahig, hindi na tumitibok ang puso. “I don’t know, but I feel better right now. As if I am in eternal peace.” lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya sa gilid niya. Hindi ako malambing sa kapatid ko kaya’t alam kong nagulat siya. “Yuck! Eww! Layo ka sa akin! Shoo!” Natawa ako nang itaboy niya ako palayo pero hindi ako nagpadaloy sa kaniyang pang-aasar. Mas dumikit ako sa kaniya at hinalikan ko ang ulo niya. Nagkunwari siyang nasusuka at binatukan ko naman siya dahil sobrang arte niya. Ito naman ang gusto niya sa tuwing siya ang nanlalambing sa akin. Dapat ay magpasalamat siya dahil sinusulit ko ang pagkakataon na ito habang nandito pa kami, humihinga. Wala kaming kasiguraduhan kung hanggang kailan ang itatagal namin sa lugar na ito. Kaya hangga’t buhay at kaya pang sumipa, susulitin ko ang mga sandaling ito kasama ang kapatid ko. “We’re going to survive this place.” hinawakan ko ang kamay niya at tumingin ako sa kaniya. “Together.” tumango siya at tinaas niya ang kamay naming dalawa. Parehas kaming natahimik pagkatapos, ninanamnam ang kapayapaan ng paligid. Makalipas ang ilang minuto ay ramdam ko na ang kabigatan ng mga talukap ko. Tinignan ko sa gilid ko ang kapatid ko na mahimbing na ang tulog at halos tumulo na ang laway sa sahig. Marahil ay sa sobrang pagod kaya siya bagsak agad. Pinikit ko na lang din ang mga mata ko at nakisabay sa agos ng dilim. “Aking sinta…” Naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Noong una ay hindi ko pinansin dahil baka may nanggugulo lang sa akin nang bigla niyang pisilin ang beywang ko. Sa sobrang gulat ay dinilat ko ang mata ko at inis akong lumingon sa gumawa nito. “Ano ba ang problema mo?! Can’t you see I-” Napa-awang ang labi ko sa gulat at hindi ako makapaniwala sa natagpuan ko. Luminga-linga ako sa paligid, naguguluhan kung ano ang nagyayari. Paano ako nakarating sa lugar na ito? Ano ba ito? Saan ito?! Halos mahilo na ako sa dami nang katanungan ang gumugulo sa isip ko. Umatras ako nang umatras hanggang sa bumangga ang likuran ko sa matigas na bagay. Napatingin ako rito at mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil isa itong lamesa. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko at may hawak akong sandok. Mas lalo ako nawala sa ulirat nang mapansin kong iba ang suot kong damit at parang naging malinis ang itsura ko. Hinaplos ko ang pisngi ko. Hindi masakit o walang bahid ng dugo at bukol. Dali-dali akong nagtungo sa kawali na may umuusok at tinignan ko ang repleksyon ko sa sabaw. Halos kapusin ako nang hininga nang makita kong ang itsura ko. Disente, walang sugat o peklat, nakatali ang buhok at maayos ang saya na suot. How did I end up in this situation? Is this all part of my dream? Pero bakit parang totoo ang lahat ng ito? Bakit pakiramdam ko ay parte talaga ako ng mundo na ito? Sa harapan ko ay may kalan na nakasindi at kalan na nakapatong, may usok na lumalabas mula rito. Ano ang nangyayari? Nananaginip ba ako? Sinubukan kong kurutin ang sarili ko pero walang nangyari. Hindi ako nagising o nagbago ang setting ng paligid. “Pasensya na, mahal.” Natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko. Naalala kong kaya ako nagising dahil hindi ako nag-iisa sa lugar na ito. Napalunok ako at dahan-dahan akong humarap sa nagsalita at halos bumagsak ang puso ko sa sahig at mawalan ako ng kulay sa mukha nang makilala ko kung sino siya. “Keane?” Ngumiti siya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang ipalupot niya ang kaniyang kamay sa beywang ko at umamba na hahalikan ako. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakagalaw agad sa pwesto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung tatanggapin ko ba ang kaniyang halik o hindi. Sa sobrang tagal kong mag desisyon ay hindi ko namalayan ninanamnam na pala niya ang labi ko at pumasok na ang dila niya sa loob ng bibig ko. Sa gulat ay natulak ko siya ng malakas. “What are you doing?! Where are we?! Where did you take me?!” sunod-sunod kong tanong. Nagsalubong ang kilay niya, at tumagilid ang ulo, tila, hindi niya ako maintindihan. Sinubukan niyang umabante para abutin ako pero dinuro ko siya, sinesenyasan na huwag lumapit o sasapukin ko siya gamit ang sandok na hawak ko! “Hindi kita maintindihan, mahal. Ano ba ang sinasabi mo? Ako ‘to, ang iyong asawa na si Ernesto.” Nawindang ako sa sinabi niya. Ernesto? Akala ko ba ay Keane ang pangalan niya? At ano? Asawa?! Kailan pa ako kinasal sa kaniya? Umiling-iling ako dahil hindi makatotohanan ang gusto niyang iparating. “Akala ko ba ay pangalan mo Keane?” lakas loob kong tanong. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. “Sino si Keane? Mahal, ano ba ang sinasabi mo? Ayos ka lang ba?” sinubukan niyang lumapit sa akin upang abutin ako pero tinabig ko ang kamay niya. “Panaginip lang ‘to, kailangan mong magising Jadey.” paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. Ngunit, natigilan ako nang maramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang pulso ko at sapilitan akong hinarap sa kaniya. Natulala ako nang bumungad sa akin ang dalawang kulay abo niyang mata. Ngayon ko lang napagtanto na magkaiba ang kulay ng mata ni Keane sa mata ni Ernesto. “May masakit ba sa’yo mahal? Ano ba ang iniisip mo? Nag-aalala ako sa’yo dahil mukhang hindi maganda ang daloy ng dugo mo ngayon dahil mainit ka.” inalalayan niya akong maupo. Bawat galaw niya ay puno ng pag-iingat. “Uminom ka muna mahal ng tubig.” may inabot siyang baso sa akin na may lamang tubig. Tinanggap ko ito sa kaniya pero hindi ako uminom agad. Sa halip ay pinagmasdan ko siya ng matagal. Nagbato din siya ng tingin sa akin pero siya ang unang natalo dahil napakamot siya sa kaniyang batok at nahihiyang nag-iwas ng tingin. “Nakakailang naman mahal ‘yang mga titig mo sa akin. Mayroon bang dumi sa mukha ko?” Hindi ako sumagot. Sapagkat ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko ang pisngi niya. Natigilan siya nang dumikit ang balat ko sa kaniya at naging malumanay ang paraan ng kaniyang tingin sa akin. “Asawa mo ako, hindi ba?” tanong ko habang pinagmamasdan ko ang kaniyang labi. Tumango siya at pumalupot ang isang kamay niya sa maliit kong beywang habang ang isa ay marahang hinahaplos ang pisngi ko. Mainit ang kaniyang palad at puno ng pagmamahal. “Ikaw lang at wala nang iba pa, aking mahal.” dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Pinikit ko ang mata ko at sinalubong ko ang matamis niyang labi na bumabalot at sinasakop ako. Ramdam ko ang pagbilis ng ritmo ng puso ko at ang panlalamig ng mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nagpapalitan ng mainit na halik. Ang kaniyang hininga ay malalim at bumibilis ang galaw niya. Bago pa ito mapunta kung saan ay dinilat ko na ang mata ko at nanlaki ang mga ito nang kulay asul na mga mata ang bumungad sa akin. Agad akong napalayo sa kaniya. Ramdam ko ang mabilis na pag daloy ng lahat ng dugo ko patungo sa mukha ko. Ang puso ko ay ayaw makalma. Ang mga palad ko ay namamawis. Ang tuhod ko ay nanlalamig at nanghihina. Napa-atras tuloy ako sa sobrang pagkabigla, ngunit, hindi ko namalayan na may nakaharang pala sa inaatrasan ko kaya ang ending ay mabubuwal na sana ako kung hindi lang na-aksyonan agad ni Keane. “I caught you.” ngumiti siya ng matamis sa akin, ang mata niya ay sumisingkit. Hindi ako nakagalaw agad o nakakibo. Bumaba ang tingin ko sa posisyon namin. Dumidikit ang aking dibdib sa kaniyang matipuno at malapad na katawan. Napalunok ako dahil ayaw ma proseso ng utak ko ang totoong nangyayari sa paligid ko. Sa huling pagkaka-alala ko ay natutulog ako sa sahig katabi ang kapatid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko si Jax. Napalingon ako sa gawi niya at nakahinga ako ng maluwag dahil nandon parin siya sa mismong pwesto niya, mahimbing parin ang tulog. “Look at me, darling.” Napasinghap ako sa gulat nang hawakan niya ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko. Namalayan kong sobrang lapit na pala ng labi namin sa isa’t-isa. Halos maduling na ako at hindi ko alam kung saan ako titingin. Humugot ako ng lakas na loob na itulak siya. Mabuti na lang ay nabitawan niya ako at napa-atras siya. Tumaas ang kaniyang kilay. “H-how did I…?” “-end up suddenly kissing me?” lumawak ang ngisi sa labi niya at pinag-krus niya ang kaniyang mga braso. Nawala ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha ko at napalitan ito ng hindi ko maipaliwanag na emosyon. Inis. “E-excuse me?” napakurap ako sa kaniya nang paulit-ulit. Siguro ay halata sa mukha ko na may nakatatak na isang malaking question mark at exclamation mark. Humalakhak siya ng malakas at napahawak siya sa kaniyang tiyan. Dismayado ko siyang pinagmasdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD