Chapter 3: Moving out

2008 Words
"Ate naman." napanguso siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil habang umiiyak ay nagawa pa niyang ngumuso. Is this my twin for real? I'm more mature than him to be honest. "Seryoso ako Jax." seryoso ko siyang tinignan. Napabuntong-hininga siya at hinaplos ang pisngi ko. "Ate, sa tingin mo ba ay matutuwa sila Mama sa gagawin mo?" "Oo." Napa-irap siya. "Gaga, hindi. Mahal ka 'non sadyang nahihirapan lang sila. Paano silang hindi mahihirapan kung sa tuwing nag-uusap kayo ay palagi kayong nagsisigawan. Minsan kasi, huminahon ka naman." "Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo eh." dire-diretso kong sabi. Natigilan siya saglit sa sinabi ko. "Alam ko 'yon ate pero tandaan mo, walang magulang na kayang tiisin ang kanyang anak. Mahal nila tayo parehas. Walang mas angat, pantay lang. Kaya huwag mong ituloy 'yang binabalak mo. Alam kong marami na akong nagawang kasalanan sa'yo pero last na 'to ate! Hindi na ako uulit pa. Please? Patawarin mo na ako?" Saglit akong napa-isip sa kanyang sinabi. Siguro nga ay tama siya. Walang magulang na kayang tiisin ang kanyang anak. Mahal nila kami parehas ni Jax. Siguro ay masyado lang akong nilalamon ng galit kaya't hindi ko napapansin ang pag-aalala nila sa akin. Mas pinangungunahan ako ng aking nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. "Oo na, pinapatawad na kita." "Yey!" inakap niya ulit ako. "Huwag kang mag-alala ate, hindi na ako magiging pasaway! Promise." Umikot ang mata ko. Sana nga ay huwag na siyang maging pasaway pa. Palagi ko na lang siya naililigtas mula sa magulang namin tapos in the end ako parin naman ang napapagalitan. Nakakasawa na kaya nga sana tamaan na siya ng common sense na ako ang nagluluksa, hindi siya. Napag-pasyahan namin na magpahinga na. It’s been a long day and we need a rest. Kinabukasan ay maaga akong nagising nang maramdaman kong may lumundag sa aking higaan. Kunot noo akong dumilat at mas lalong nag salubong ang kilay ko nang makita kong nakahiga sa tabi ko ang aking kakambal. Mukhang bagong ligo lang siya dahil basa pa ang buhok niya at bihis na bihis siya. Agad kong nasinghot ang kanyang amoy na panglalaki at ibig ko bang masuka dahil ang tapang ng amoy niya. Ayoko sa amoy panglalaki. Masyadong masakit sa aking ilong. "What the hell Jax? Ba't nandito ka sa kwarto ko?" iritado kong tanong at bumangon. "Gumayak ka na, Jadey. Aalis na tayo." Napa-irap ako nang tawagin niya akong Jadey. He knows I hate that nickname he gave me kaya madalas niya akong tawagin sa pangalan na 'yon. "Aalis? Saan tayo pupunta?" bakit wala akong matandaan na aalis kami? "Makakalimutin ka na kasi." napa-iling-iling siya. "Kila lolo na tayo mag babakasyon, remember?" Oo nga pala. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan. "Ayoko." tsaka ako humiga ulit. Nagtalukbong pa ako ng kumot. Ayoko talaga kila lolo. Hindi ko kasi siya kilala sa ugali niya. Kinukwento lang siya palagi sa akin nila Mama. Katulad ng magaling daw si lolo sa ganyan at sa ganito. Hindi ko na maalala kung ano yung tinutukoy niya dahil hindi naman ako nakikinig sa kanya noon. Pero ang creepy part? Never ko pang nakita ang itsura niya. Pati sa picture, hindi pa. In my nineteen years of existence ay hanggang ngayon mystery parin sa amin ng kambal ko ang pagkatao ni lolo. Napag-alaman ko lang na lumipat ng ibang lugar ang lolo ko. Bukod doon, wala na akong ibang alam sa kanya. Kaya duda ako sa ideyang gusto kaming mag bakasyon ni Mama kasama siya. Naramdaman kong hinila ni Jax ang aking kumot. "Huwag ka nang mag-inarte ate! Gumayak ka na!" Hinila ko pabalik yung kumot sa kanya. "Ayoko." "Tsk! Kulit." Naramdaman kong umalis siya sa higaan ko. Akala ko ay lalayas na siya pero laking gulat ko nang buhatin niya ako! Hindi na ako magtataka kung kaya niya akong buhatin dahil bukod sa mas matangkad siya sa akin ay malakas pa siya. Sinubukan kong magpumiglas sa kanyang pagkakahawak pero sadyang mas malakas ang kapatid ko sa akin. Hindi lang siya gumaganti pabalik kapag nananakit ako sa kaniya. Pagkarating namin sa banyo ay nilapag niya ako sa bathtub at kinuha niya yung kumot sa akin. Tatayo na sana ako para suntukin siya nang bigla niyang buksan ang shower. Napamura ako dahil ang lamig! Humalakhak siya. "Maligo ka na! Baho mo!" tsaka niya sinarado ang pintuan. Napamura ako ng malakas. I hate that guy! Kung hindi ko lang siya kakambal ay baka matagal ko na siyang pinutulan sa pagitan ng hita niya! Napatingin tuloy ako sa aking damit na basang-basa na. Wala na akong magagawa, nandito na ako eh. Sinimulan ko nang tanggalin ang mga damit ko tsaka naligo. Pagkayari ko ay lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa aking walk in closet para magbihis. Nang kuntento na ako sa suot ko ay lumabas na ako ng kwarto ko habang nag susuklay. Pagkababa ng hagdanan ay natagpuan kong nandon sa sala si Jax at naka-upo siya sa isang maleta. Ginagawa niya itong parang isang sasakyan dahil paikot-ikot siya sa sala habang sakay yung maleta. Napa-iling ako. Isip bata. "Hoy Jax! Sila Mama?" Napahinto si Jax at tinignan ako. "Nasa labas sila. Hinahanda nila yung sasakyan." Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko yung mga maleta sa aking harapan. Mukhang seryoso nga sila Mama na doon kami magbakasyon kila lolo. Hindi ko rin naman sila masisisi. Puro sakit na lang ng ulo ang binibigay ko sa kanila. Pero ang nakakapagtaka ay bakit kasama ko si Jax? Bakit hindi lang ako ang pinamigay nila? "Bakit kasama ka?" tanong ko kay Jax. Napahinto siya sa pagtulak sa maleta, tila ba ay ginagawa niya itong shopping cart na nakikita sa mall. Minsan napapa-isip ako kung baliw ba siya o hindi. Nakakawalang gana tignan siya eh. "Ayaw mo ba akong kasama?" napanguso siya tsaka siya umupo ulit sa maleta. Hinila-hila niya ito papalapit sa akin pero natumba rin siya rito dahil tumama yung maleta sa couch namin na mahaba. Natawa ako dahil tatanga-tanga siya. "Oo, dahil sakit lang ng ulo yung bibigay mo sa akin." "You hurt me." napahawak siya sa dibdib niya. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito at bumungad sa amin sila Mama at Papa. Tinignan ako saglit ni Mama bago kami tignan dalawa ni Jax. "Buhatin niyo na 'yang mga maleta niyo, aalis na kayo." aniya. "Ikaw Jax ang mag mamaneho ng sasakyan." binigay ni Papa ang susi kay Jax. Mabilis na tumayo ng maayos si Jax at masayang tumakbo palabas ng bahay. Bigla akong nainggit dahil si Jax ang magmamaneho, hindi ako. Napabuga na lang ako ng hangin at kinuha na yung mga maleta namin. Dalawang maleta ang hila-hila ko nang makalabas na ako ng bahay. Nakita kong nasa driveway na yung sasakyan at nasa loob nito si Jax. Hindi pa man ito umaandar ay nandon na siya sa driver's seat. May kung anu-ano siyang pinipindot habang pinapaikot-ikot yung steering wheel na para bang nasa isa siyang karera. Gumagawa pa siya ng mga tunog sa kanyang bibig. "Brom broom!" narinig kong sabi ni Jax. "Hoy Jax! Tumulong ka nga!" hiyaw ko sa kanya. Pumunta ako sa likod ng sasakyan at nilagay ko yung maleta ko 'ron. Hindi niya ako pinansin. Sa sobrang inis ko ay pumunta ako sa harapan ng sasakyan. Pinatong ko ang magkabila kong kamay sa aking beywang at tinignan ng masama si Jax sa loob. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako at pinalihis pa niya ako. "Ate! Huwag ka diyan! Mabubunggo kita!" hiyaw niya sa akin. Paulit-ulit pa niyang pinindot yung busina ng sasakyan. Nagawa pa nga niyang ilusot ang kanyang ulo sa bintana tsaka niya ako binubugaw na parang manok. "Gag*! Hindi naman umaandar 'yang sasakyan!" Napanguso siya. "Panira ka talaga." Lumapit ako sa driver's seat at binuksan ko ito. Hinila ko siya palabas ng sasakyan at ako ang sumakay sa driver's seat. Nakita kong nakakabit na pala yung susi rito, hindi lang niya pinaandar yung makina. Agad kong pinaandar yung sasakyan. Sinilip ko si Jax na nasa sahig at dumadaing sa sakit. "Kapag wala ka pa rito ng limang segundo, iiwan na kita." banta ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at wala pa atang limang segundo ay naka-alis na siya at pumasok sa loob ng bahay. Pagkalabas niya ay halos madapa na siya sa kakahila sa kanyang maleta papunta sa likod ng sasakyan. Mabilis na lumabas sila Mama para tignan kung bakit ganon ang inaasal ni Jax. Pagkatapos ilagay ni Jax ang mga gamit niya sa likuran ng sasakyan ay nagmamadali siyang pumunta sa shotgun seat at naupo sa tabi ko. Bumaling kami kila Mama at Papa na nanlalaki ang mga mata. Lalo na si Papa. "Jadey! Bakit ikaw ang nasa driver's seat?!" Opps! Time to go. Bago pa man nila kami mahuli ay pinaharurot ko na agad yung sasakyan paalis. Mabuti na lang at bukas na yung gate kung hindi ay mahahabol nila kami. Nilawit ni Jax ang kanyang ulo sa bintana tsaka siya kumaway na parang timang kila Mama. "Bye Ma! Bye Pa!" sigaw niya. Tumingin ako sa sideview mirror at kumakaway din sila pabalik kay Jax. Nang makalayo-layo na kami ay binalik na ni Jax ang kanyang ulo sa loob at umayos ng pagkaka-upo. "Bakit hindi ka nag paalam kila Mama?" tanong niya. Hindi ko siya tinignan dahil nakatuon ang atensyon ko sa harapan. "Para saan pa? Mami-miss ba nila ako?" "Gaga ka ba? Malamang, anak ka nila eh." nakanguso niyang saad. Napa-irap na lang ako at nanahimik na lang. Buong biyahe ay si Jax lang ang maingay dahil siya ang maraming kwento. Kung anu-ano yung mga sinasabi niya. Gusto ko na ngang ihinto yung sasakyan at itulak siya palabas pero hindi ko kayang gawin 'yon dahil ako ang malalagot sa magulang ko kapag nalaman nilang may nangyari kay Jax. Kaya in the end, nakinig na lang ako sa kanya kahit naririndi na ako. "Ano kaya yung itsura ni Lolo?" excited na tanong ni Jax sabay palakpak na parang bata. Nagkibit-balikat ako dahil parehas kaming walang ideya kung ano ang itsura niya. "Baka kasing panget mo?" "Harsh mo!" hinampas niya ang braso ko. Napa 'tsk ' ako at sinamaan siya ng tingin. Nagmamaneho yung tao eh. "Para ipaalala ko sa'yo, kambal tayo! So kung panget ako, panget ka rin ganon?" kulang na lang ay tumirik na ang mata niya sa sobrang pag-irap. "Hindi ah, maganda ako. Ikaw ang panget." Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang upuan. "Omygosh! Darla! I can not! Tinangay ang hair ko!" parang bakla niyang sigaw! Umakto akong nasusuka. "Kadiri ka putch*." hindi ko tuloy maiwasan na mapamura. Gigil ako ng kapatid ko na 'to. Kung hindi ko lang siya kabisado ay baka mapagkamalan ko nga siyang bakla. "Tse!" hinawi niya ang imaginary long hair niya. "Teka, alam mo ba kung saan tayo papunta?" "Alam ko kung saan yung daan papuntang Death Urban, bakla." nag search ako sa google map kanina. Medyo malayo yung lugar sa amin pero nakabisado ko naman kung saan yung daan. Hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kanya ng bakla. Siguro ay aminado na siya na 'yon ang katotohanan. "Ang weird, noh? Bakit kaya Death Urban ang tawag sa lugar nila Lolo?" biglang nagbago ang tono ng boses niya. From loko-loko to serious really quick. Nagkibit-balikat ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. "Malay ko. Hindi pa nga ako nakakarating 'don." Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa isang mapunong lugar. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang daan na tinutungo namin. Medyo maalon ang daan dahil puro batuhan, ngunit, maluwang ito. Nakakapagtaka nga lang na parang gabi dito dahil makulimlim ang paligid. Sobrang tahimik pa na tila ay inabandonado ang lugar na ito. "Creepy." narinig kong komento ng kapatid ko. Hindi ko siya pinansin at binagalan ko na lang pagmamaneho ko. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong may isang tulay na medyo luma na at kinakalawang ang nasa hindi kalayuan. Puro lumot pa ito na parang ilang taong hindi nilinis. Kahit na kinikilabutan ay mas pinili kong tumawid dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD