"Ba't ang tahimik sa lugar na 'to?" bulong ni Jax habang iniikot ang paningin sa paligid.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Pagkatawid namin ay isang mapunong daan ulit ang dinadaanan namin. Pero ang mas nakakakilabot ay may mga manikang pugot ang ulo na nakasabit sa puno. Bawat puno ata ay may manika. Halos mawalan ako ng kulay sa aking mukha. Pakiramdam ko ba ay patungo kami sa impyerno.
Napamura si Jax sa nakita niya.
Maski ako ay kinikilabutan na. Mas pinili ko na lang na manahimik hanggang sa makarating na kami sa mismong lugar ng Death Urban. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakalagpas na kami 'ron sa mapunong daan na puro manika. Damn, ngayon lang ako natakot ng ganon sa manika.
"That road is hella creepy."
Tumango ako sa sinabi ni Jax.
"Ay nga pala, may binigay na papel sa akin si Mama. Sinulat niya kung saan ang street ni Lolo rito." may nilabas na papel si Jax. Naningkit ang mata ko nang makita ko ang pangalan ng street. Alley Street, 66.
Habang nagmamaneho ay pansin kong walang tao sa daan. Kami lang ata yung may sasakyan dito dahil wala akong nakitang ni isang sasakyan na nakasalubong. Sobrang tahimik pa ng paligid at makulimlim ang langit. Nakakapagtaka lang dahil 'nong nasa daan kami kanina ay tirik na tirik yung araw. Pero bakit pagdating namin dito sa Death Urban ay biglang dumilim?
Mabuti na lang at may mga sign kaya hindi ako naligaw kung saan yung street ni Lolo. Pagkababa ko ay pumunta ako sa compartment para kuhanin yung mga gamit namin.
"A-ate, bilisan natin. Pakiramdam ko may nakatingin." bulong ni Jax sa tenga ko. Sa sinabi niya ay napatingin tuloy ako sa paligid. Makalat ang paligid na parang ilang taon 'tong hindi nilinis. Puro sirang dahon at kung saan-saan lang nakakalat yung mga basura sa lugar.
Pagkakuha ko sa aking gamit ay kinuha ko ang car key remote ko tsaka ni-lock ang sasakyan.
"Tara na."
Sabay kaming magkapatid na naglakad papunta sa bahay ni Lolo. May kalakihan ang kanyang bahay at masasabing mayaman si Lolo. Ang ayoko lang ay yung atmosphere ng paligid. Mahangin, makalat at tahimik. Kinikilabutan ako.
Pinagmasdan ko ang kinakalawang na gate. Medyo naka-awang ito na parang may pumasok sa loob. Hinawakan ko ito at sinuri. Medyo binuksan ko yung gate at nakalikha ito ng isang ingay na mapapatakip ka sa tenga mo. Napangiwi ako at binitawan ang gate at dumiretso na lang sa pathway papunta sa pintuan ng bahay.
Si Jax ay hindi na nag-abalang mag doorbell at basta na lang siyang pumasok sa loob. Napa-irap ako at sumunod sa kanya.
"Jax wala ka ng-"
Napahinto ako nang makita ko si Jax na tulala. Nabitawan niya ang hawak niyang maleta, tila, napako siya sa kanyang kinatatayuan. At dahil na-curious ako sa kanyang nakita, dahan-dahang nagawi ang mata ko sa kanyang tinitignan.
Napa-awang ang labi ko sa sobrang gulat. Pakiramdam ay gusto kong masuka. Nabitawan ko ang maleta ko at dalawang kamay ko na ang nakatakip sa bibig ko. Umiling-iling ako habang umaatras.
"H-hindi..."
Dahan-dahan na humarap sa akin si Jax. May takot sa kanyang mga mata.
"S-si L-lolo..." napalunok siya. "A-ate si L-lolo...patay na."
Sa sala ay nakita ko ang aming Lolo, naliligo sa sarili niyang dugo. Nakahiga siya at naka-posisyon ang kanyang katawan na parang nahulog siya sa bangkuan. Malapit sa kanyang kanang kamay ay baril na puno ng dugo.
But what caught my attention is that may papel na nakalatag sa lamesa. Mukhang nagsusulat si Lolo nang maisipan niyang barilin ang sarili. Nagkatinginan kami ni Jax at sabay kaming lumapit dito. Nanginginig kong kinuha yung papel at binasa ang nakasulat.
"Dear grandchildren,
Death Urban is not the ordinary city that you may think it is. This city has no rules. It is legal to commit a crime here. You must protect yourselves from trouble, my grandchildren. No one has ever escaped from this eternal damnation-"
Nagkatinginan kami saglit ni Jax, parehas kaming nanginginig sa takot at binasa ulit ang sulat.
"-I'm sorry If I never got the chance to meet you, my angels. Do not worry, for I know a person who can help you escape this nether world. I told him that you two will come here and in able to escape this place you must-"
Doon naputol ang sinusulat ni Lolo. Wala na itong katuloy. Nanginginig kong binaba ang papel at napahilamos sa mukha ko.
What have we put ourselves into?!
"Omg! Omg! Omg!"
"Jax!"
Pinaypayan niya ang sarili niya. "This is not happening...this is not happening!"
"Jax! Calm down!" inalog ko ang balikat niya.
Pero hindi niya ako pinakinggan. Mas lalo siyang nagwala. Pabalik-balik siya sa harapan ko at hindi siya mapakali. Napahilot ako sa ulo ko dahil sumasakit ito.
"Calm the fvck down!" sigaw ko na sa kaniya sa sobrang frustration.
Napahinto siya sa paglalakad pero hindi siya tumigil sa pag-papanic.
"Ano na gagawin natin?" kinakabahan niyang tanong.
Napalunok ako at hindi ko mawari kung ano rin ang magiging sagot ko sa tanong niya. Dahan-dahan na bumaba ang tingin ko sa bangkay ng lolo namin na nilalangaw na. Napatakip ako sa bibig ko at halos maduwal ako sa sobrang baho ng amoy na umaaligid sa buong silid.
Gusto kong lumabas at isuka ang lahat ng kinain ko. Napatingala ako at umikot ang paningin ko sa buong paligid. Dito ba talaga nakatira ang lolo namin? Bakit mukhang sobrang luma na ng bahay na kaunting lindol na lang ay guguho na ang buong paligid?
"Ate..."
Napalingon ako sa gawi ng kapatid ko at kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Napa-atras siya at bigla siyang tumakbo papalabas ng bahay. Napamura ako at sinundan ko siya dahil ayokong maiwan mag-isa rito.
"Jax! Wait!"
Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay nagmamadali niyang kinuha sa bulsa niya ang susi ng sasakyan. Halos magkanda buhol-buhol na ang ilang gamit na nilalabas niya sa kaniyang bulsa. Nahulog ang kaniyang phone sa sahig.
"Jax!" hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at hinarap ko ang buong katawan niya sa akin.
"Ano?!" nanlaki ang mga mata niya.
Sinundan ko ng tingin kung paano umagos ang kaniyang pawis pababa sa leeg niya at ramdam ko ang pangangatog ng mga kamay at binti niya. Huminga ako ng malalim dahil kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Kapag hindi ako kalmado, walang mangyayari sa amin at parehas kaming mauuwi sa disgrasya.
"You need to calm down." mahinahon kong payo sa kaniya.
Tumagilid ang kaniyang ulo, tila, isa akong alien sa harapan niya.
"Ate? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita ang katawan ni Lolo?!" histerikal niyang tinuro ang bahay sa likuran ko.
"He's dead! Worms are coming out of his face! And his house! Isang pitik mo na lang magigiba na!"
Pinanuod ko siya kung paano sunod-sunod na sumigaw, na parang nawawala siya sa katinuan niya. Hindi ako sanay na makita siyang ganiyan. Sanay na ako sa ideyang masiyahin at loko-loko siyang lalaki. Looking at him right now on the verge of breaking down, it breaks my heart.
"I know...I know..." pinisil ko ang balikat niya at huminga ako ng malalim.
"I saw it with my own eyes too. But, we need to clear our minds. Panicking right now won't help us. Paano kung makasalubong natin kung sino ang pumatay sa lolo natin?"
Nagtagal saglit ang kaniyang atensyon sa akin bago siya huminga ng malalim at unti-unting nag relax na ang mga braso niya.
"Don't you find it weird?" kunot-noo niyang tanong habang pinagmamasdan ang buong lugar. Pati ako ay napa-ikot na rin ng ulo para tignan ang lugar.
Walang katao-tao at mahangin ang buong paligid na nagbibigay ng kilabot sa buong sistema ko. Naririnig ko na ang t***k ng puso ko na gusto nang lumabas sa katawan ko. Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko, ngunit, wala akong mabuong sagot.
"Parang kailan lang nakausap daw ni Mommy si Lolo, but why he looks like he's dead for weeks?"
Biglang pumasok sa ala-ala ko ang kaniyang bangkay kanina. Napapikit ako ng mariin at biglang bumaligtad ang sikmura ko. Binitawan ko si Jax at yumuko ako. Brutal akong tao pero hindi ako sanay makakita ng mga dugo. Nanghihina ang buong pagkatao ko.
"Isuka mo lang lahat ate..." naramdaman kong hinaplos niya ang likuran ko.
Nanghihina kong tinugkod ang kamay ko sa gilid ng sasakyan at pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng palad ko.
"There's something wrong in this town..." panimula ko.
"Why?" tanong niya, bakas ang pag-aalala sa mata.
Napabuga ako ng marahas na hininga at natulala ako sa kawalan.
"Someone killed our Lolo. Don't you see his hand writings? Hindi pa siya tapos mag sulat noong mamatay siya. It means someone set him up."
Saglit na natulala sa akin si Jax, pino-proseso ang mga salita ko.
Nilagpasan ko siya at niluhod ko ang isa kong tuhod. Hinaplos ko ang kalsada at kasabay nito ay ang malakas na ihip ng hangin na bumubulong sa tenga ko.
"And what does he mean everything is legal here?" dahan-dahan akong tumayo at hinarap ko ang kakambal ko na bakas ang pangamba sa mukha.
"It means..." dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay ko.
"We need to get out of here."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong kinaladkad papasok sa loob ng sasakyan. Hindi na ako naka-angal pa nang bigla niyang pinaandar ang sasakyan at humarurot na kami paalis sa lugar na 'yon.
"Jax!"
"What?" saglit niya akong tinignan mula sa gilid ng mata niya at nag focus na lang muli sa pagmamaneho.
"Paano si Lolo?!" napatingin ako sa bintana.
"Are you fvcking serious ate? He's already dead! We can't do anything about it! Gusto mo bang tayo pa ang mapahamak?" sunod-sunod niyang paratang.
Hindi na ako nakasagot sa mga salitang binitawan niya. Sa halip ay sumalampak na lang ako ng upo at natulala sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako pero tama siya, kailangan namin tanggapin na wala na ang Lolo namin.
Mabigat sa loob, ngunit, kailangan namin magpatuloy. Pinagsalikop ko na lang ang magkabila kong kamay at lihim na nanalangin na sana ay maka-alis kami ng ligtas sa lugar na ito. We need to tell our parents about this once we got home.
"What the heck?"
Bigla akong naalarma nang mag mura siya. Palinga-linga siya sa paligid at halatang balisado na siya sa pwesto niya. Kumunot naman ang noo ko at hinawakan ko siya sa braso niya.
"Bakit?"
Napaigtad ako nang bigla niyang suntukin ang manibela ng sasakyan. Sinubukan ko siyang pakalmahin pero mas lalo lang siya nawala sa katinuan.
"JAX!" sinapak ko na siya sa dibdib niya.
"Tell me, what's wrong?!"
Dahan-dahan siyang napatingin sa akin at nagulat ako nang tumulo ang isang patak ng luha sa kaliwang mata niya. Bakas ang takot, pangamba, inis at kung ano-ano pang emosyon ang nag-hahalo na sa mata niya.
"We can't escape, ate," he whispered.
Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Anong we can't escape?
"What are you talking about? Jax, we need to get out of here." sinapak ko siya sa likod ng ulo niya pero sinalo niya lang ang kamay ko at nanlisik ang mga mata niya sa akin.
"Ate..." his voice is serious.
"We're going around in circles. Ilang beses na natin nadaanan ang puno na ito." tinuro niya ang puno na nasa harapan namin.
"Ate, may hindi tama rito." humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ko at napapikit siya ng mariin.
"I think we're stuck here, ate."
Natulala ako sa kaniya ng ilang segundo. Napailing-iling ako dahil ayokong paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi. Lumabas ako ng sasakyan at naramdaman kong sinundan niya ako ng tingin.
"Baba." utos ko sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ko. Bumaba siya at nagpalit kami ng pwesto. Pinaandar ko agad ang makina at agad kong pinaharurot ang sasakyan. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko at ang pamamawis ng palad ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa daan.
"Ate-"
"Shut up, Jax."
Gumalaw ang panga ko. No, this can't be. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagmamaneho. Ilang beses nang tinatawag ni Jax ang pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin. Napatingin ako sa puno na nasa harapan namin. I lost count kung ilang beses na namin itong nadaanan.
Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at nag ma-martsa akong nagtungo sa puno. Wala sa sariling pinagsusuntok ko ito sa sobrang frustration.
This can't be. We're stuck here.