Chapter 5: Hazard

1860 Words
"Ate, calm down please..." naramdaman ko ang kamay ni Jax na humahaplos sa likod ko. He tried moving me away from the tree but I just shoved his hands. Nagpatuloy ako sa pagbubuhos ng sama ng loob ko sa puno. Wala na akong pake kung halos mag dugo na ang mga kamao ko. Hindi ko na inalintana pa ang pagmamakaawa ng kapatid ko na tumigil na ako. Napasandal ang noo ko sa puno at dito ako humagulgol. Hindi ganitong buhay ang gusto ko. We moved here for a vacation. Ngunit, bakit ganito ang sumalubong sa amin? We're lost and stuck here. There are no other people in this area and our grandfather who we just met this day is dead. "What are we going to do now?" hinihingal kong tanong at mabagal akong napalingon kay Jax na taimtim naghihintay sa akin. "I want to go home..." halos kapusin ako ng hininga nang bitawan ko ang mga katagang ito. Pakiramdam ko ba ay salo ko ang bigat ng mundo sa mga balikat ko. Pumikit ako at inuntog ko ang ulo ko sa puno. I want to end this nightmare. I hope this is all just a dream. Gusto ko nang magising sa masamang bangungot na ito. Dalawang pares ng malaking kamay ang naramdaman kong pumalupot sa likod ko. Natigilan ako at halos maging estatwa ako sa pwesto ko nang maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan, tila, pinapakalma ang pagkatao ko. "I know it's hard right now ate but we need to stay strong in order for us to survive. No matter what happens ate, I'm always here for you. I got you." naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko at hinaplos ang buhok ko. Huminga ako ng malalim at kahit papaano ay nakalma ako ng mga salita niya. Even though buong buhay ko ay palagi ako kinumpara ng magulang ko sa kaniya at siya ang pinaka paboritong anak, but that doesn't change the fact that we are siblings. Ilang beses ko na siyang sinumpa, ngunit, nanatili ang kaniyang pagmamalasakit sa akin bilang kapatid. "Let's find a way out here. We need to scroll the area in order for us to know what place we are dealing with." Bigla akong nabalik sa wisyo ko. Nag tagal saglit ang tingin ko kay Jax habang siya ay nililibot ang paningin sa buong lugar. I know he's scared, I can see it in his eyes. He's just trying hard to be brave for now because I am having an internal crisis to our situation and no one is going to be here for us other than ourselves. "Saan tayo pupunta?" tanong ko at umayos na ako ng pagkakatayo. Sa aming dalawa ni Jax ay ako ang siga at matapang, ngunit, nababaligtad na ang sitwasyon ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. I may hate our parents but I really want to go home now and just snuck into my bed. "Hindi ko alam, pero kailangan natin maging handa ate sa panganib na ating makakasalamuha. Remember what Lolo said in the note? This place is not we expected it to be. Everything here is legal. Meaning..." "Everyone here can kill us too..." sabay naming usal at kinakabahan kaming napatingin sa isa't-isa. Lihim akong napalunok. Simula noong makatapak ang paa namin sa lugar na ito wala pa kaming nakakasalamuhang ibang tao. Kahit saan ko ilibot ang paningin ko ay tahimik at parang abandonado ang paligid. I'm curious though, kung may pumatay kay Lolo, nasaan 'yon? Bakit walang tao sa lugar na ito bukod sa amin? "Let's go back to his house and get the letter." Tumango ako sa kaniya. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at siya na ang nagmaneho nito. Habang patungo sa bahay ni Lolo ay nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ko ang bawat bahay na madaanan namin. The place looks hella creepy because it looks like no one is living in these houses. Hindi rin nagtagal ay huminto na ang sasakyan at nakarating na kami sa destinasyon namin. Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa loob. Basta na lang kaming pumasok sa loob dahil nanggaling naman na kami rito kanina. Pagkabukas ng pintuan ay napahinto kami at halos tumigil ang pag-ikot ng mundo namin nang makita namin ang loob. "What the fuck..." I heard Jax let out a cursed beside me. Dali-dali akong pumunta sa pwesto kung saan naabutan namin ang Lolo namin kanina na walang buhay. Luminga-linga ako sa paligid, humahanap ng pinagbakasan, ngunit, ni anino ay wala akong nakita. "H-he's gone..." nauutal kong saad. Our grandfather is gone. An hour before we found him lying on the ground, lifeless. And right now he is gone. Walang dugo na pinagbakasan. Wala rin ang kaniyang bangkay. Kung pagmamasdan ang buong lugar ay parang walang nakatira rito, tila, walang bangkay na natagpuan kanina. "Hindi ko na alam...ano na ba ang nangyayari?" naguguluhan na nasalo ni Jax ang kaniyang ulo at napailing-iling siya. Natulala ako sa kawalan at pilit pino-proseso ang kaganapan. Ngunit, may nahagip ang paningin ko sa gilid ko. Napalingon ako rito at naningkit ang mata ko. Sa hindi malamang rason ay biglang kumabog ng mabilis ang t***k ng puso ko at nangatog ang mga tuhod ko. "Ate?" narinig kong tinawag ako ni Jax pero hindi ko siya nilingon dahil ang buong atensyon ko ay nasa kusina. I swear, may nakita akong gumalaw sa gilid ko, tila, may dumaan na tao. Malakas pa naman ang pakiramdam ko sa mga ganitong bagay. Napalunok ako at mabagal ang bawat hakbang ko patungo rito. Ramdam ko ang panginignig ng mga kamay ko at pamamawis nito. Natatakot ako sa matutuklasan ko at alam kong delikado pero kailangan kong harapin dahil paano kung hawak niya ang Lolo namin? I know he's already dead but we need to bring justice for his death. "Sino 'yan?" sigaw ko para makuha ang atensyon ng nasa loob ng bahay. "Ate." hinawakan ni Jax ang kamay ko kaya't napalingon ako sa kaniya. "What?" I whispered. Hindi ko alam kung bakit biglang humina ang boses ko. "We need to get out of here. Something is not right here ate-" natigilan siya at napanganga siya nang mapatingin siya sa likuran ko. Halos mawalan ng kulay ang kaniyang mukha at may ideya na ako kung bakit ganiyan ang reaksyon niya. There is someone behind me. Natuod ako at bigla akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Nanghina ang tuhod ko at ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Jax at dahan-dahan na bumaba ang tingin niya sa akin. The moment our eyes met, that is the sign we need to- "RUN!" Saktong pag hakbang ng mga paa namin paabante ay naramdaman kong may humagod sa gilid ko. Napalingon ako rito at nanlaki ang mata ko nang makita kong may malaking palakol ang nakabaon sa sahig. Nanginig ang mga binti ko at napa-awang ang labi ko. "Run! Run fast ate!" Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Nakita ko na lang ang sarili ko nasa labas ng bahay ni Lolo at kumakaripas ng takbo patungo sa sasakyan namin. Ngunit, halos mawalan ako ng kulay sa mukha nang hindi ko mabuksan ang pintuan ng sasakyan. "What the f**k?!" napasigaw na ako sa sobrang dismaya at napasipa ako sa gulong. "Oh sh*t! Sh*t! I locked the keys inside the car!" narinig kong napasigaw si Jax at paulit-ulit niyang sinuntok ang bintana. Gusto ko siyang sugurin at suntukin sa kaniyang mukha pero hindi ito ang tamang oras para isumpa siya. Sa halip ay luminga-linga ako para humanap ng bato. Kung hindi kayang buksan ang sasakyan, pwes, sisirain ko na lang ang bintana. "Ate!" Bago pa man ako makalingon kay Jax ay naramdaman kong may humablot sa buhok ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit dahil halos sumama ang anit ko sa pagkakahatak niya. Dinilat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang nakakapangilabot na mata. Mapula ang mga gilid nito at nanlilisik ang kaniyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung saan napunta ang boses ko dahil hindi ako makasigaw kahit sobrang nakakapanghina ng tuhod ang nakahawak sa panga ko. "Well...Well...Well...look what we have here." Hinaplos niya ang pisngi ko. Ang balat niya ay magaspang at matigas na parang isang kinakalawang na bakal. Napakagat ako sa dila ko nang illapit niya ang mukha sa akin at inamoy ako. "You're from the outside." kumislap ang mata niya. Bumaba ang kamay niya patungo sa beywang ko. Sinubukan ko magpumiglas, ngunit, bawat galaw ko ay humihigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Napadaing na ako at sa tunog na ginawa ko ay hinila niya ako. "Don't move or I will kill you, you little rat." nagbabanta ang tono ng boses niya. Bumaba ang kabilang kamay niya patungo sa panga ko at bigla na lang niyang sinakmal ang lalamunan ko. "Give me your blood and organs!" sigaw niya. Ang boses niya ay puno ng galit at parang naghahanap siya ng hustisya. Napahawak ako sa kamay niya at pilit kong inaalis ito dahil halos lumutang na ang mga paa ko sa sahig. Sinuntok ko ang kamay niya at kumiwal-kiwal na ako na parang bulate. Ang puso ko ay malakas ang kalabog sa puntong gusto na nitong tumalon palabas ng katawan ko. Hindi na ako makahinga! "ATE!" Akala ko ay mamamatay na ako dahil malapit na ako mawalan ng malay nang marinig ko ang boses ni Jax at kasabay nito ay bumagsak ako sa sahig, hinahabol ang hininga ko. Hinaplos ko ang leeg ko at napangiwi ako dahil bumakat ang kaniyang kamay dito. Ang sakit! "Ate, are you okay?" Naramdaman kong hinawakan ni Jax ang magkabilang pisngi ko at tinignan ang lagay ko. Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko. "Run!" Naalerto ako at bigla akong napatingin sa lalaking sumakal sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dugong umaagos pababa sa kaniyang leeg, ngunit, parang wala lang ito sa kaniya dahil nagawa pa rin niya tumayo ng tuwid at hinaplos ang kaniyang ulo na babad ng dugo. "You better run you as*holes." he lick off his blood from his fingers then he swing his axe using his hand. Kumapit ako ng mabuti kay Jax at hindi na ako nag dalawang isip na kumaripas muli ng takbo palayo sa halimaw na 'yon. Wala akong ideya kung tao pa ba ang isang katulad niya. Sino ang nasa tamang katinuan na tumayo parin ng maayos kahit halos makita na ang kaniyang bungo sa ulo?! "Here!" Takbo lang kami nang takbo ni Jax. Iniwan na namin ang aming sasakyan. Kinakapos na ako ng hininga pero ang lalaking humahabol sa amin ay marami paring enerhiya! Malaki siyang lalaki at mahaba ang biyas kaya't malapit na siyang makahabol sa amin. Tumingin ako kay Jax at may luha na tumulo sa pisngi ko. Matapang akong babae pero sa oras na ito, natatakot akong makita ang wakas ko. "Jax..." I called his name. He looked at me and in his eyes, it reflected my fear. Ngunit, nagulat ako nang ngumiti siya ng malumanay sa akin at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Trust me, ate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD