Nagtaka ako kung bakit siya nakangiti sa akin. Tumingin ako sa harapan at nanlaki ang mata ko nang makita kong may bangin hindi kalayuan. Hinatak ko ang kamay ni Jax para mag-iba kami ng direksyon, ngunit, hindi niya ako binitawan.
"Jax! What are you doing?" hindi naman ako pwedeng huminto sa pagtakbo dahil humahabol ang lalaki sa likod namin.
"I am going to eat you alive!" he screamed at the top of his lungs then I heard the way he swing his axe.
"Take care, ate..."
"Jax-" bago ko pa man matapos ang balak kong sasabihin ay tinulak niya ako ng malakas sa isang gilid dahilan para mawalan ako ng balanse at nagpa gulong-gulong ako sa lakas ng pwersa.
Masakit ang aking katawan at tumama ang ulo ko sa batuhan, ngunit, nang maalala ko ang kapatid ko ay bigla akong bumangon para tignan kung nasaan siya. Nanlaki ang mga mata ko nang itulak siya ng lalaki at sabay silang nahulog sa bangin.
Natuod ako sa pwesto ko at hindi ako makahinga ng mabuti. Ramdam kong namanhid ang buong katawan ko at parang may pumana sa puso ko.
N-no...this can't be...
"JAX!!!!!!! Jax!!! NO!"
Halos malaglag ang puso ko nang makita ko kung paano siya mahulog sa bangin kasama ang lalaking humahabol sa amin. Masakit ang aking katawan at puno ng gasgas ang mga braso at binti ko dahil sa kaniyang pagkakatulak sa akin, ngunit, pinilit kong tumayo at kumaripas sa bangin.
Nanginig ang binti ko nang makarating ako sa dulo ng bangin. Natutop ko ang bibig ko dahil malalim pala ito. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol ng malakas at napasuntok ako sa buhanginan. Wala na akong pake kung may makarinig sa akin at saksakin na lang ako bigla sa likuran ko.
My brother is gone and he saved my life. He sacrifice himself just to make sure I am safe. But how can I go on if I'm alone now? He's my only family that got my back ever since I was born. Siya lang ang nag tiyaga sa mala-demonyo kong ugali. Siya lang ang nakakaintindi sa akin.
"I'm sorry for everything, Jax..." I cried in pain whole mourning for his death.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaluhod dito sa dulo ng bangin. May bumubulong sa akin na tumalon na lang ako sa bangin dahil hindi ako makakatakas sa lugar na ito. Natigilan ako sa pagluluksa at dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Pinagmasdan ko ang malalim na bangin sa harapan ko.
Maybe, I should end my life here. Ikutin ko man ang buong lugar, wala rin pag-asa na makatakas sa lugar na ito. Parang may sumpa ito na kapag nakapasok ka ay hindi ka na makakalabas.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahan akong tumayo ng diretso. Umihip ang malakas na hangin at may ilang patay na dahon ang humaplos sa balat ko. Bigla akong kinilabutan sa ideyang wawakasan ko na ang buhay ko ngayon mismo.
Pumikit ako at hinanda ko na ang sarili ko. Binuka ko ang magkabilang kamay ko at dahan-dahan akong umabante patungo sa bangin. Nanginginig ang buong katawan ko at papalakas nang papalakas ang tunog ng puso ko. Alam ko sa sarili ko na ayoko pang mawala sa mundong ito, pero ano pa ba ang silbi ko kung wala na ang kapatid ko at hindi ako makakauwi sa amin?
Ang buhay ay hindi natin alam kung kailan babawiin sa atin. May ibang tinatapos ito agad, at may ilang hinihintay ang kanilang oras. Naramdaman kong may pumatak na luha mula sa kaliwang mata ko. Nawalay ako sa magulang ko nang hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos. Hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang aming Lolo.
May pumiga sa puso ko nang maalala ko ang aking kapatid. Tanging siya ang nakakaintindi sa akin. Tanging siya ang nagti-tiyaga sa ugaling mayroon ako. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili na magbuhos ulit ng lawa ng luha. Sana kahit sa huling pagkakataon ay marinig ko man lang ang boses niya.
"Ate..."
May humaplos sa pisngi ko at malumanay na hininga ang tumatama sa balat ko. Natuod ako sa pwesto ko at dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Tila, may kung anong gumalaw sa sikmura ko nang makita ko ang kapatid ko. He's standing in front of me, smiling and caressing my cheeks.
"J-jax?" nautal ako. "But, I thought-"
"Shh..." pinunasan niya ang pisngi ko dahil hindi ko namalayan tuloy-tuloy na pala ang pag patak ng luha ko.
Napakurap-kurap ako, ayaw ma-proseso ng utak ko kung siya ba talaga ang nasa harapan ko ngayon. It can't be because I saw him got pushed off the cliff. Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko at hinawakan ko ang pisngi niya.
"Maybe I'm dead too..." baka hindi ko namalayan nakatalon na pala ako sa tulay.
Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. This day is already too much for me to handle. Sa sobrang daming nangyari parang gusto nang sumabog ng utak ko.
"Gaga, hindi ka pa patay. Buhay talaga ako. Kumapit ako kanina bago pa ako mahulog. Bulag ka para hindi mapansin 'yon."
I take back what I said. This guy is still alive. Sinapak ko siya kaya't nawalan siya ng balanse at napahiga sa buhanginan habang dumadaing sa sakit.
"Ouch! What did you do that for?!"
Sinipa ko siya sa tagiliran niya. "That's for making me worried."
Napahawak siya sa parte kung saan sinipa ko siya at umungol sa sakit. Umikot ang mata ko at hinayaan ko siyang dumaing doon sa sakit. Muntik pa naman ako magkaroon ng heart attack kanina dahil sa kaniya, buhay lang pala si loko. Dapat pala tinulak ko na siya nang matuluyan na.
"Hoy ate! Saan ka pupunta? Iiwan mo na lang ako rito?"
Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. We're still here, stuck in the same place. Makulimlim parin ang paligid, hindi mo mawari kung anong oras na. Kinapa ko ang bulsa ko at napamura ako dahil wala ang phone ko. I must have probably drop it somewhere.
"Napakasama talaga ng ugali mo sa akin." narinig kong sumimangot siya sa gilid ko at inakbayan ako.
"So, what now ate?"
Napalingon ako sa kaniya at bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Madumi at puro galos siya. If we want to survive in this place, we need to look for a drug store here or convenient store. Mukhang nasa bayan naman na kami kaya't siguro may makikita kami sa gawi na 'to.
The place looks creepy and abandoned. Parang matagal na pandemya ang dumaan. It's rare to see other people here like us. Bakit pakiramdam ko ay kapag may nakasalamuha kaming iba ay gusto nila kaming patayin?
"We need to find a convenient store, for food, water, clothes and anything we need to survive in this place." sagot ko sa kaniyang tanong.
"By the way, I got this earlier ate sa lalaking gusto tayong patayin. I don't know what it means though."
Napalingon ako sa kaniya at naningkit ang mata ko. May hawak siyang manipis na tela na mukhang napunit sa damit kanina 'nong lalaki. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ko ito. There are symbols. Isang malaking parisukat na may mata sa gitna ang simbolo nito. Sa gilid ng mata ay may mga lumang sulat na hindi ko maintindihan. Sa gilid din ng mga letra o simbolo ng mga letra ay may mga tatsulok na hugis.
"This is a weird symbol. Before kami mahulog kanina kumapit ako sa damit niya at aksidente kong napunit ito."
Kinuha ko ang tela sa kaniya at naningkit ang mata ko. Sa hindi malamang rason ay nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko at bumaligtad ang sikmura ko habang pinagmamasdan ko ang tela. Pakiramdam ko ay may masamang idudulot ang tela na ito sa aming lakbay dito.
"You keep it, I don't want to hold that." binato ko sa kaniya ang tela.
Nasalo naman niya ito at kumunot ang noo sa akin. Hindi na siya kumibo sapagkat ay sinundan niya ako nang sinimulan ko na humakbang. Ang atensyon ko ay nasa daan, sinusuri ang pwede naming makasalubong.
"Brr...this place is so cold, hug mo nga ako ate!" bigla siyang dumamba sa akin.
Tinulak ko siya at naningkit ang mata ko sa kaniya.
"Jax, this is not the right time to make a joke about our situation!" singhal ko sa kaniya.
Natahimik siya at biglang bumaba ang kaniyang tingin. May pumana sa puso ko nang makita ko ang lungkot sa mata niya. Napabuga ako ng hininga at lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at hinarap ko ito sa akin.
"I'm sorry..." huminga ako ng malalim. "I know you're just lightening up the mood."
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa nang bigla niya akong hinatak at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw naman kasi ate masyado ka nang nagpa-panic! Andito naman ako sa tabi mo eh." aniya habang pinipisil ang pisngi ko.
He knows how I hate him doing this to me. Sinubukan kong makawala sa kaniya pero hindi niya ako binitawan. Halos sigawan ko na siya habang siya ay tawa nang tawa, nasisiyahan sa pagluluksa ko. Bumwelo ako na sisikmuraan ko siya nang may narinig akong kaluskos hindi kalayuan sa pwesto namin.
"Shh!" pinatahimik ko si Jax at luminga-linga ako sa paligid.
"Don't prank me ate! Alam kong-" sinukmuraan ko na siya bago pa niya matapos ang gustong sabihin.
Napaluhod siya habang salo ang tiyan na sumasakit at dumadaing sa sakit. Iniwan ko na siya sa pwesto niya at sinundan ko ang tunog na naririnig ko. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko kung sakaling umatake siya ay kaya kong makailag.
"Hello?" agaw ko sa atensyon ng gumagawa ng tunog sa damuhan.
Malalaki at makapal ang mga damo, tila, ilang taon itong hindi naputol. Kitang-kita ko mula rito ang pag galaw nito na parang may nagtatago sa ilalim. Narinig kong tinawag ako ni Jax kaya't nanlisik ang mata ko sa kaniya.
"Jax, quiet!" I mouthed at him.
"What?" napataas siya ng magkabilang kamay niya, tila, sumusuko.
Inirapan ko siya at binalik ko ang atensyon ko sa sinusundan ko. Ngunit, saktong pagharap ko ay may umatake sa akin. Napahiga ako sa sahig at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Bigla akong nahilo at gusto kong masuka. Paulit-ulit akong napamura dahil sa sakit.
"Hey! Get off of my sister!"
Dinilat ko ang mata ko at tinignan ko ang nakaibabaw sa akin. Ngunit, huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang mapagmasdan ko kung sino ang naka-upo sa dibdib ko.
"It's a kid." I muttered.
Pinagmasdan ko ang batang lalaki na nakapatong sa akin. Maliit ang kaniyang mukha na bilugan, medyo mataba ang mga braso at pisngi. Ang kaniyang buhok ay mahaba na halos takpan na ang mga mata niya. Mukhang nasa edad otso palang ang batang ito.