"AHHHHHH!"
Nanlaki ang mata ko nang makita kong may hawak na kahoy si Jax at nakabwelo siya sa bata. Bago pa niya mahampas ang puslit ay sinalo ko ito gamit ang kamay ko at inakap ko ang bata. Napanganga si Jax sa ginawa ko, tila, tinubuan ako ng limang ulo.
"What the h*ck ate?!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Jax, don't. He's a kid."
"I don't care if he's a kid! He attacked you!" singhal niya at dinuro ang batang hawak ko.
Dahan-dahan na bumaba ang tingin ko sa bata. Nakakunot ang kaniyang noo, ngunit, nanginginig siya sa ilalim ng kamay ko.
"He's scared, that's why he attacked me." lumambot ang puso ko nang mapagmasdan ko siya.
"What? That doesn't even make any sense!"
Hindi ko na siya pinansin. Sa halip ay tinuon ko ang atensyon ko sa bata. He looks so small between my palms. What is he doing here? He looks so young. He shouldn't be here because this place is dangerous for kids like him.
"Where are your parents?" I asked carefully.
Hindi siya nagsalita. Sa halip ay napakurap lang siya sa akin, ngunit, hindi parin naaalis ang pagsalubong ng kilay niya. I know he's scared, I can tell it. Dinadaan lang niya sa dahas para itago ang kaniyang totoong nararamdaman. Sa paraan ng paglalaro niya ng kaniyang daliri, alam kong anxious siya.
"Ate, get away from him. I think he's dangerous." narinig kong suway sa akin ni Jax at hinawakan niya ang likuran ng shirt ko.
"Jax he is not. Can't you see? He's scared. He's in defense because he's been alone here. Baka tayo ang dangerous sa kaniya kasi ito lang din ang unang pagkakataon na nakita natin siya."
Binalik ko ang atensyon ko sa bata at hinaplos ko ang pisngi niya. May kumukurot sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang lagay niya.
"Gusto mo sumama sa amin?" tanong ko muli sa kaniya.
Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ang mga sinasabi ko. Nakatulala lang siya sa akin at walang kibo. Hinawakan ko ang mga kamay niya at ngumiti ako sa kaniya para mawala na ang kaba niya.
"Huwag ka mag-alala. Nandito si ate at kuya. Hahanapin natin ang magulang mo."
"Ate, stop assuming things. What if his parents are already dead? We can't trust this kid and he can't be with us."
Napabuga ako ng marahas na hininga dahil ang harsh niya magsalita sa bata.
"Jax, can you please-"
"Hindi na po dapat kayo nagpunta rito."
Natigilan kaming parehas ni Jax nang biglang magsalita ang bata. Nanlamig ang mga tuhod ko at dahan-dahan akong napalingon sa kaniya.
"Walang nakakaalis ng buhay dito. Dinala niyo lang ang sarili niyo sa impyerno."
Napalunok ako nang bitawan niya ang mga katagang ito sa amin. Biglang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kaniya. This kid looks innocent, but his voice is the opposite of his features. Bumaba ang tingin ko sa mga daliri ko dahil nanginginig ito. Kinagat ko ang dila ko para pigilan ito sa pag nginig.
"I'm glad you said that."
Napatingin ako kay Jax at nanlaki ang mata ko nang bigla niyang binwelo ang malapad na kahoy na kaniyang hawak. Bago ko pa man siya mapigilan ay tumama na ito sa bata. Napasigaw ako, ngunit, agad ko ring natutop ang bibig ko. Bumaling ang mga nanlalaking mata ko kay Jax na nakangiti ng malawak, tila, tuwang-tuwa sa kaniyang ginawa.
"Jax!"
"What?" lumingon siya sa akin at ngumisi, tila, proud siya sa kaniyang ginawang kagaguhan.
"That is not nice!" pinandilatan ko siya ng mata.
"Oh come on, did you see how he fly when I-" hindi pa niya tapos ang balak sabihin dahil sinapak ko na siya.
Iniwan ko siyang nakahiga sa sahig habang salo ang panga at dumadaing sa sahig. Hindi ko na pinansin ang kaniyang reklamo habang papalayo. Dali-dali akong lumapit sa bata at napangiwi ako dahil nakasubsob ang kaniyang katawan sa lupa.
"Okay ka lang ba?"
Tinulungan ko siyang umupo ng maayos at hinawi ko ang kaniyang buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Napangiti ako nang makita kong wala namang sugat ang kaniyang cute na mukha. Hinaplos ko ito.
"I'm so sorry sa ginawa ng kapatid ko. Hindi niya 'yon sinasadya-" bigla akong tinakasan ng kaluluwa ko nang bumaba ang tingin ko sa katawan niya.
Para akong naging estatwa sa pwesto ko dahil bigla akong hindi nakagalaw at naiwan sa ere ang mga kamay ko na handang tulungan siyang tumayo. Ramdam ko ang pag manhid ng buong katawan ko at ang namumuong pawis sa noo ko, nagbabadyang tumulo.
Parang may bumabara sa lalamunan ko. I can't move and speak. Dahan-dahan na umangat ang tingin ko sa mukha ng bata at nawalan ng kulay ang mukha ko nang mahuli kong nakangisi siya sa akin.
Narinig ko ang boses ni Jax sa likuran ko. He wants me to run away but my feet are too numb to move an inch.
"W-what are you..." halos walang boses ang lumabas sa bibig ko sa sobrang gulat, dismaya, takot at kung ano-anong emosyon ang naghahalo sa akin.
Nakaharap sa akin ang kaniyang likuran, ngunit, ang kaniyang mga mata ay tumatagos sa kaluluwa ko.
Ang kaniyang ngisi ay naging ngiti ng demonyo at nagkulay pula ang kaniyang mata. Mas lalo akong kinilabutan nang bumuhos ang kulay itim na luha sa kaniyang mata. Nabitawan ko siya at natutop ko ang bibig ko, pinipigilan ang sarili na mapasigaw ng malakas. Gusto kong tumayo at kumaripas ng takbo para iligtas ang buhay ko, ngunit, masyado akong nagulat para makagalaw.
"ATE! RUN!"
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at namalayan ko na lang na tumatakbo na kami ng mabilis papalayo sa kakaibang uri na humahabol sa amin. I know that's not a kid. What the f*ck is that thing?
"Dito po tayo!"
Napatingin ako sa nakahawak sa palad ko at nanlaki ang mata ko nang makita kong ang batang humahabol sa amin ang kumakaladkad ngayon sa akin.
"Sino ka?!" narinig kong sigaw ni Jax sa gilid ko at pilit niya akong nilalayo sa batang nakahawak sa pulso ko.
"Wala na po tayong oras para mag bato ng tanong! Kung gusto niyong mabuhay sundan niyo ako!" singhal sa amin ng bata at hindi niya pinansin ang akusa ng kapatid ko.
Hindi kami nakakibo agad ni Jax. Nagkatinginan kami at sumabay na lang sa daloy ng mangyayari.
Napapikit ako nang marinig kong gumawa ng nakakakilabot na tunog ang humahabol sa amin. Naramdaman kong humigpit ang kamay ng bata sa akin. Napamura si Jax sa gilid ko. Pare-parehas kaming takot sa pwedeng mangyari sa amin sa oras na mahabol kami ng halimaw.
"Mauna na po kayo! Ako na ang bahala rito!" bigla kaming tinulak ng bata paabante at hinarap niya ang papalapit na halimaw sa amin.
"What are you do-" natigilan ako nang bigla akong hawakan ni Jax at walang patumpik-tumpik niya akong kinaladkad palayo sa bata.
Matagal bago na-proseso ng utak ko kung ano ang nangyayari. Huminto ako sa pagtakbo at dahil hawak ni Jax ang kamay ko ay natigilan din siya at gulat na lumingon sa akin.
"What the fvck are you doing?" kunot-noo niyang tanong.
"We can't leave him there!" tinuro ko ang daan na pinanggalingan namin. I can still hear from hear the screams of that maniac.
Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at sapilitan akong pinatakbo. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay mas humihigpit lang ang kaniyang kamay sa akin.
Hanggang sa makarating kami sa may isang masikip na eskenita ay dinala niya ako dulo at sa pinaka sulok niya ako inipit sa pader.
"Ate, bawal matigas ang ulo. Hindi mo ba nakita? Dalawa sila! Hindi mo alam kung sino ang totoo! Huwag tayong mag tiwala kung kanino-nino rito." kunot noo niyang singhal sa akin at pinag-krus niya ang kaniyang braso.
Hindi ako nakakibo agad dahil may punto siya. Alam kong delikado sa panahon ngayon lalo na't walang kasiguraduhan ang aming kaligtasan sa lugar na ito. Napahaplos ako sa mukha ko.
"I'm sorry, you're right."
"Look ate," huminga ng malalim si Jax at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Wala akong ideya kung ano ang mga 'yon pero ayokong mawalay ka sa akin. Kailangan pa natin maka-uwi ate at makasama sila Mama at Papa."
Sa oras na binanggit niya ang magulang namin ay namuo ang luha sa gilid ng mata ko, nagbabadyang tumulo. Suminghot ako at pinunasan ko ito. Tama siya. Hindi kami ayos nila Mama at Papa. Ayokong mawala sa mundong ito nang hindi namin naaayos ang relasyon ko sa kanila.
Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Alam kong wala pa kami sa wakas, ngunit, pakiramdam ko ay tumutulay kami sa manipis na sinulid. Wala kaming kasiguraduhan kung makakarating ba kami sa kabilang dulo ng sinulad na ligtas, o parehas kaming malalaglag sa walang katapusang dilim.
"I miss them too." ngumiti ako ng tipid sa kaniya.
Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko at nilaro niya ito.
"Tang*na nito, kailangan mo lang pala mamatay muna bago mo babaan ang pride mo?"
Inirapan ko siya at sinuntok ko siya sa dibdib niya.
"Mumultuhin kita pag namatay ako." ngumisi ako sa kaniya.
"Kapag ganon ate, wag mo ako multuhin during nut 'cause-"
"Ewww, that's sick dude." ngumiwi ako sa kaniya. I know he's a dude and have needs but ibang klase ang sa kaniya.
"Duh, iba na ang maingat ate." inirapan niya ako nag flip siya ng imaginary long hair niya.
"Chariz lang! Matagal mamatay ang masamang damo katulad mo!" sinampal niya ang buhok ko dahilan para humarang ito lahat sa mukha ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at inayos ko ang buhok ko. Nag tagal muna kami ng ilang minuto sa masikip na daan na aming pinagtataguan. Pinapakiramdaman muna namin ang paligid sakaling may makasalamuha nanaman kaming kakaibang tao katulad ng kanina sa daan.
"We need to get something we need first." luminga-linga siya sa paligid. Lumapit siya sa may isang malaking basurahan at may hinalungkat siya rito.
Napatakip ako sa ilong ko dahil umalingasaw ang mabahong hangin sa paligid. After minutes of searching for something, he finally showed me a long hockey stick he found in the trash.
"Use this as your weapon. Wala akong nakita helmet pero kapag nakahanap na tayo ng convenient store, maghahanap tayo. First thing we need is protection to survive, second is food and water."
Pinapakinggan ko lang siya habang nilelecturan niya ako kung paano kami makakatakas nang ligtas sa lugar na ito. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at halos masuka ako dahil ang dumi-dumi ko na. Para akong lumusong sa malabak na daan. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong itsura pero hindi ko need mag-inarte rito dahil kalahati ng paa ko ay nasa hukay at ang kalahati ay nasa lupa.
If you know what I mean.
"Let's go na ate."
Hawak kamay kaming lumabas sa masikip na eskenita. Luminga-linga kami sa paligid, tinitignan kung may kakaibang tao nanaman kaming makakasalamuha.