Chapter 8: Unconscious

1834 Words
Humigpit ang hawak ko sa hockey stick at ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Napagpasyahan na namin umalis sa lugar na 'yon. Bawat hakbang namin ay maingat at kailangan ay tahimik. Sumabay ang malakas na ihip ng hangin at sobrang nakakabinge ang katahimikan na bumabalot sa buong lugar. I wonder saan kaya nagtatago ang mga halimaw dito katulad ng nakita namin kanina? Bigla kong naalala ang batang nagligtas sa amin. Kabilang ba siya sa kanila? Kasi kung oo, bakit niya kami niligtas? Bakit niya sinakripisyo ang sarili niya para sa amin? Bakit kamukha niya ang halimaw kanina? Ano ba ang mga 'yon? "Ate, look for anything up ahead. Wag kang ma-distract." bulong sa akin ni Jax. Napansin niya sigurong malalim ang iniisip ko habang naglalakad kami. Napa-iling-iling ako at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan. Pakiramdam ko ay nasa isa kaming zombie apocalypse movie na ang setting ng lugar ay sira-sira ang mga gusali, tahimik ang kapaligiran, makulimlim, nagkalat ang mga sasakyan, at magulo. "Parang isang super typhoon ang dumaan sa lugar na 'to." bulong ni Jax. I couldn't agree more. Napahinto ako nang may naapakan ako. Dahan-dahan na bumaba ang tingin ko rito at kumunot ang noo ko nang may nakita akong kwintas. It's a locket. Hinipan ko ito at pinagpagan ko ang patong-patong na alikabok. "What's that?" I heard him ask beside me. "It's a locket." pinakita ko sa kaniya ang disenyo ng locket. Kinuha niya ito mula sa akin at siya ang nagsuri. Binuksan niya ito at kumunot ang noo niya nang mapagmasdan ang larawan. Tumabi ako sa gilid niya para makisilip. There's a picture of an old couple wearing a wedding dress, and a groom's outfit. Tumagilid ang ulo ko. "Looks like someone have drop this." bulong ni Jax at binulsa niya ang locket. Mukhang siya na ang magtatago nito. "I don't see any store near." bulong ko dahil ayokong may makarinig sa amin. Sobrang tahimik pa naman ng paligid, halos mga sariling hininga at t***k na ng puso ang naririnig ko. "Patience." bulong pabalik ni Jax habang lumilinga sa paligid nang dahan-dahan. Tumingala ako at pinagmasdan ko ang kalangitan. Until now makulimlim parin ang langit at hindi ko parin natatanaw ang sinag ng araw. It's hard to identify kung gabi na ba or umaga na. I'm getting hungry and really tired. Gusto ko na lang maupo muna at magmuni. Saktong biglang kumalam ng malakas ang sikmura ko. Natigilan kami ni Jax at nagkatinginan. Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko bago pa niya magawang tumawa ng malakas. "What?" ngumisi siya, ngunit, halatang nagpipigil na siya dahil umaalog ang kaniyang balikat. "Ewan ko sa'yo." nauna na akong mag lakad at iniwan ko na siya sa pwesto niya. I heard him calling my name but I didn't mind him. Sa halip ay pinagmamasdan ko ang tinatahak ko. May nakita akong isang lumang estbalishimento hindi kalayuan kaya't dito ako dumiretso. Pagkatapak ng paa ko sa loob ay pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik at medyo madilim pero nakikita ko pa naman kung ano ang nasa loob. "This looks comforting." Inirapan ko ang katabi ko. Mukhang lumang dress shop ang lugar na ito dahil may mga mannequin na sira-sira at tanggal ang ilang parte ng katawan ang naka display. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko at naramdaman kong nag kabilang direksyon ang kambal ko. We need to find clothes here in case we see something. Lumapit ako sa may counter at sinilip ko ang ilalim nito sakaling may makita akong pwedeng makatulong sa amin. Napabuga ako ng hininga dahil wala akong nakitang damit o kahit anong essential na pwede naming magamit. Tumayo na ako at saktong pagkatayo ko ay ang pag bungad sa akin na dulo ng baril na nakatutok sa noo ko. Na-estatwa ako sa pwesto ko at hindi ako nakagalaw ng maayos. Napalunok ako at halos maduling ako habang pinagmamasdan ang baril na sa isang pitik na lang ay pwedeng pasabugin ang ulo ko. "Move or I will kill you." Namumuo na ang pawis sa noo ko at dahan-dahan kong tinaas ang magkabilang kamay ko, nagpapakitang sumusuko na ako. Napakagat ako sa dila ko nang hawakan niya ako ng marahas sa braso ko at kinaladkad niya ako palabas ng counter habang nakatutok parin sa mismong noo ko ang dulo ng baril. "Luhod." utos ng lalaki. Ang kaniyang boses ay malalim at mapanganib. Gustuhin ko mang lumaban at patumbahin siya pero mas lamang siya sa akin. May armas siya at ako ay naiwan sa ibabaw ng counter ang armas na dala ko. At sa itsura nga katawan niya ay wala akong pag-asa na manalo sa kaniya. Malaki siyang lalaki. Ang kaniyang mga ugat sa braso ay bumabakat pababa sa kaniyang kamay. Nagsalubong ang tingin namin at napaigtad ako nang marahas niya akong sinubsob sa sahig. Sinubukan kong gumalaw pero narinig kong tumunog ang pagkasa ng baril sa likod ng ulo ko. Kinagat ko ang labi ko at sumuko na lang sa kaniya. I want to fight back but it's useless for now. And where the heck is my brother?! Bakit lagi siyang wala kapag kailangan ko siya? Naramdaman kong kinapa niya ang bulsa ng pants ko. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang hinahanap dahil ang kaniyang kamay ay nagmamadali, tila, may hinahabol siyang oras. "Take off your clothes." Doon na ako nagulat. Naningkit ang mata ko sa kaniya at hindi ko sinunod ang utos niya. "I'm sorry but-" napasigaw ako nang sapilitan niya akong pinatihaya ng higa at pumatong siya sa akin. Biglang umatake ang pangamba at kaba sa dibdib ko. Wala pa akong nagiging boyfriend kaya't ang mga ganitong bagay ay bago lang sa akin. No one has ever touch me in my private part, ever, but losing it right now in this situation, makes me want to scream and cry. The burden in my heart is suffocating me that I did not notice a tear suddenly stream down in my left eye. Pinikit ko na ang mata ko at hinayaan ko na lang siya. Lumaban man ako, baka bigla na lang niyang pasabugin ang ulo ko. I guess this is the end of my innocence. Tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari sa akin dito. Sapilitan niyang hinubad ang damit kong pang-itaas, exposing my half naked body. Hindi niya tinanggal ang bra ko. Naramdaman kong natigilan siya nang mapagmasdan niya ang dibdib ko at dahan-dahan siyang umalis sa pagkakapatong sa akin. Tinignan ko siya at naabutan kong naka-iwas siya ng tingin sa akin, halata ang pagsisisi dahil nakababa ang kaniyang mukha. Biglang umatras ang luha ko at nagtaka ako. Buong akala ko ay may gagawin siyang masama sa akin. But why did he stop? Hindi sa gusto ko ang mangyayari. "I'm sorry." Tinulungan niya akong maka-upo ng maayos at inabot niya sa akin ang damit ko nang hindi tumitingin. Nagtataka man ay tinanggap ko ang damit ko at dali-dali ko itong sinuot. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya masamang tao na inakala ko. Ngunit, wala parin akong tiwala sa kaniya. Maaaring may iba siyang pakay kaya niya pinigilan ang sarili niya. "It's not what you're thinking right now." Nabigla ako nang magsalita siya muli. Nakakatayo ng balahibo ang tono ng boses niya. Parang hindi pa siya nakakapag joke buong buhay niya dahil seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Dagdag pa ang kaniyang buhok sa panga hanggang baba niya. Halatang ilang araw na siyang hindi nakakapag shave. "I just-" bago pa niya matapos ang gustong sabihin ay bigla siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. Natutop ko ang bibig ko kasabay nito ay bumungad sa akin si Jax na hawak ang kaniyang malapad na kahoy. Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay nabitawan niya ang kahoy at nagmamadali siyang lumapit sa pwesto ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at paulit-ulit niya akong hinalikan sa noo ko. "Did he hurt you? Are you alright? What did he do to you?" sunod-sunod niyang tanong. Hindi ako nakasagot agad dahil hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Bumaba ang tingin ko sa lalaki na nakahandusay sa sahig. "Come on, let's go. This place is not safe." akmang hahatakin na niya ako palayo nang pigilan ko siya. "Jusko ate ano nanaman ba!" napa-padyak na siya sa inis. Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay lumuhod ako sa sahig at sinuri ko ang lalaki. Hinawakan ko ang braso niya at tinihaya ko siya ng higa. "Kanina, kinapa niya ako at tinanggal niya ang damit ko." saad ko habang pinagmamasdan ko ang malapad niyang dibdib. "I'm sorry, but he did what?" tumaray ang boses ni Jax sa gilid ko. Hinaplos ko ang dibdib ng lalaki at inangat ko ang shirt niya. Naramadaman kong humawak ang kamay ni Jax sa aking balikat para pigilan ako pero hindi ako nagpatinag. "But the moment he saw my chest, he stopped immediately. Halata sa mukha niyang may napagtanto siya, Jax. Halata ang pagsisisi sa ginawa niya." tinignan ko ang kambal ko na nakakunot lang ang noo sa akin, ayaw tanggapin ang paliwanag ko. "Wala akong pake ate, muntik ka na niyang gawan ng masama at hindi tama 'yon." bigla niyang pinulot ang kaniyang kahoy. "Jax! Listen! What if he's not what we think he is? He had the chance to kill me!" pigil ko sa kaniya pero hindi siya nakinig. Tinabig niya ang kamay ko. "Ate! hindi ka na ba nadala? Ganiyan din ang reaksyon mo kanina sa batang humabol sa atin at muntik na tayong patayin! This place is not safe! Face it! Wala tayong ibang mapagkakatiwalaan dito kundi ang mga sarili natin at ang isa't-isa!" Tinulak niya ako palayo sa kaniya para hindi ko siya maabot sa gusto niyang gawin. Pumwesto siya sa ulonan ng walang malay na lalaki at bumwelo siya. Napapikit na lang ako ng mariin dahil hindi ko kayang panuorin ang karumal-dumal na maaaring mangyari. "Drop your weapon." Parehas kaming natigilan ni Jax nang may narinig nanaman kaming ibang boses. Lumingon kami kung saan nanggaling ang boses at nag salubong ang kilay ko nang magtama ang mata namin. It's a woman. "I said drop your weapon or I will shoot you!" umalingawngaw ang sigaw niya sa buong silid. Nakatutok ang kaniyang baril kay Jax. Nakaharap ang mukha sa akin ni Jax at tensyonado siya. Ako naman ay naging tuod sa pwesto ko, tinatantyahan ang babae. Napapikit ang isang mata ko nang tumunog ang pagkasa ng baril. Dahan-dahan siyang umabante patungo sa pwesto namin, hindi naaalis ang kaniyang nanlilisik at mapanganib na tingin sa amin. Napalunok ako dahil halatang hindi siya natatakot na pumatay at sa itsura ng kaniyang lagay, mukhang matagal na siya rito. "Jax, drop your weapon." I mouthed at him. Saksi ako kung paano mamuo ang pawis sa kaniyang noo at bumakat ang ilang ugat sa kaniyang sentido. He's scared, I know that. He's fighting the urge not to do anything stupid. Nakakapanghina lang dahil mas may advantage sila sa amin. They have a gun. "Don't make me repeat what I said!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD