NADIA Mahigpit niyang niyakap ang balabal sa kanyang katawan dahil biglang umihip na malamig na hangin. Nasa labas siya ng cottage nila dahil hindi siya makatulog kaya nandito siya upang makapagmuni-muni. Mag aalas onse na ng gabi, at madilim na rin ang paligid. Kahit madilim ay nagsisilbing ilaw ang buwan, at bituin sa paligid. Tanaw niya, at rinig niya ang malumanay, maindayog na tunog ng mga alon. Napapikit siya, at pinakinggan ang tunog ng alon na parang musika. May ngiting rumehistro sa kanyang mga labi habang pinapakinggan ang pagsayaw ng alon. Lumilikha ito ng isang pakiramdam ng natural na katahimikan na makakatulong upang maging kalmado ang isipan niya, at makapag-relax siya. Ilang araw na rin siyang stress kaya sulit ang araw, at gabi na nandito sila sa resort ni Dave. Naalala

