NADIA Nagising na lamang si Nadia na sumasakit ang puson niya sa sakit. Nakahiga siyang patagilid habang sapo niya ang kanyang tiyan, at napakagat-labi siya sa sobrang sakit. Gusto niyang sumigaw, pero hindi niya magawa. Tagaktak ang pawis niya. Kulang na lang ay mawawalan siya ng ulirat sa kirot, at ilang libong tumutusok sa tiyan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Humugot siya ng malalim na hininga, at kumalma siya. Kahit masakit, at nanghihina ang kanyang katawan ay kailangan niyang bumangon mula sa kama. Habang bumangon siya sa kama ay sapo niya ang kanyang tiyan. Nanghihinang naglalakad siya patungo sa pintuan. “N-Nay…T-Tay…” Hindi niya alam kung naririnig ba ng mga ito ang pagtawag niya dahil sa hina ng pagkakatawag niya sa mga ito. Nangingi

