DAVID “Dave, what's wrong with you? I've been trying to make an effort because I want to get your attention." Nagpupuyos ito sa galit habang nakapameywang ito sa harapan niya. He laughed sarcastically. "Are you really expecting me to treat you like a wife? Sa papel lang tayo kasal, Patricia. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa akin dahil hindi kita kayang mahalin." Napasinghap ito, at napakurap ang mga mata nitong napatitig sa kanya. "Dahil mahal mo pa ang ex-girlfriend mo?" Napatda siya sa gulat nang marinig niya ang tanong nito. Huwag mong sabihin ay sinabi nila Mommy ang tungkol kay Nadia? "Sinong nagsabi sa'yo na may dati akong karelasyon?" "Your mom. Sinabi sa akin ni Mommy Angelique na may ex-girlfriend ka na gold digger kaya pinaghiwalay niya kayo." "Gold digger? Wow!

