DAVE Hininto niya ang kanyang kotse nang nakarating na sila sa parking lot. Bago siya bumaba ay kinuha na muna niya ang keycard ng unit niya, at bumaba na sa kotse. Umikot siya sa kabila upang pagbuksan si Nadia. Nakatulog na ito sa sobrang kalasingan. Maingat niyang binuksan ang pintuan dahil nakasandal ang ulo nito sa bintana. Pagbukas pa lang niya ng pinto ng kotse ay agad niyang sinalo ang katawan nito. Rinig pa niyang umungot ito, at may sinasabi. Napakamot pa ito ng ulo. Natawa na lamang siya dahil sa ang cute ng itsura nito. Maingat niyang pinalabas ito, at agad na niyang kinarga si Nadia patungo sa elevator. Sa ganitong oras ay alam niyang wala naman mga tao rito kaya malaya siyang maglakad na kasama si Nadia. Isa itong pribadong condominium kaya alam niyang hindi papasok ang ta

