NADIA “May ibibigay akong gamot, at resita ng gamot na dapat mong bilhin. Dapat inumin mo siya araw-araw. Maganda ito sa pagbubuntis mo, sa buto, sa dugo, at sa maayos na pag-develop ni baby, Miss Suarez. Iwasan mo ang stress, prolonged stand, at pagbubuhat ng mabibigat dahil posibleng makunan ka o lalabas ang baby mo na hindi pa kumpleto ang siyam na buwan. Ibig sabihin ay lalabas siyang premature o preterm,” paalala sa kanya ni Doktora Coleen. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang marinig ang sinabi nito. Ayaw niyang magkaroon ng problema. Hanggat maaari ay umiiwas siya na ma- stress, pero ang stress ang lumalapit sa kanya. " Tatandaan ko po ang mga dapat, at hindi dapat gawin, doktora," sabi niya habang inaayos niya ang kanyang suot na bestida. "Sayang dahil hindi narinig ni Daddy

