NADIA Kakauwi pa lang niya sa apartment. Nadatnan niya si Katalina, at Nars Bella. Hindi na talaga maipagkakaila na handang gawin ang lahat ni Sir Nate para kay Grace. Nag-alala siya sa kaibigan. Hindi pa ito hiwalay sa asawa nito. Pareho silang kabit ni Grace, pero magkabilang sitwasyon. Masarap magmahal kapag malaya, at walang hadlang. Pero ganoon talaga kapag umiibig. May problema talagang darating, at hindi iyon mapipigilan. Nakita niyang pinaghihiwa ng prutas ni Nars Bella si Katalina. Kumakain ito ng paborito nitong tuna sandwich. Mahilig talaga ito sa tuna. Alam niyang nandito si Grace dahil may tuna sandwich si Katalina. Nakatira na kasi ito sa sarili nitong apartment, pero minsan ay dito natutulog ang kaibigan. Kapag wala siya ay uuwi ito sa apartment nila. “Ate Nadia!” Natat

