NADIA “Babe, saan ka?” “Babe, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” “Galit ka ba?” “May nagawa ba akong masama sa’yo kaya ayaw mo akong kausapin?” “Babe?” “BABE! HINDI MO MAN LANG SINASAGOT ANG MESSAGE KO SA’YO.” Napatitig siya sa screen ng cellphone niya. Ayaw niyang sumagot sa tawag o sagutin ang mensahe nito dahil gusto na muna niyang makapag-isip. Nandito pa rin siya sa ospital dahil nagbabantay siya ngayon kay Katalina. Dalawang araw na siyang nagbabantay sa kapatid ni Grace. Hanggang ngayon ay nandito pa rin sila sa ospital dahil sa nagpapagaling pa si Katalina. Hinaplos niya ang buhok ni Katalina habang ito’y mahimbing pa rin natutulog. Wala siyang balita ngayon kay Aling Ising, ang ina ni Katalina. Sana nga ay hindi na ito gagawa ng masama sa anak nito. Nakakatawa lamang i

