DAVE “Dahan-dahan naman!” nakangiwing reklamo niya dahil dinutdot talaga nito ang bulak sa sugat niya. “Ano ba kasing nangyayari? Bakit ka kasi maraming pasa sa mukha mo?” naiinis nitong tanong sa kanya. Napaigik, at panay iwas siya rito dahil pinagduldulan talaga nito ang bulak sa sugat sa mukha niya. Wala talaga itong pakialam na nasasaktan siya. Hindi niya maintindihan kung sa kanya ba ito galit o sa gumawa nito sa kanya? Mahina siyang natawa dahil ang cute nitong magalit, pero kaagad naman siyang napatigil. Kahit naiinis ito ay nakita pa rin niya ang pag-alala nito sa kanya. Nandito sila sa kotse ni Uncle Damian. Pinahiram siya ng sasakyan nito dahil alam ni Unclee ang sitwasyon niya. Kahit paano ay may tumutulong sa kanya na makasama si Nadia. Alam niyang labag nito sa kalooban n

