NADIA Napatingin siya sa likuran niya nang marinig niyang may sumabat sa pinag-uusapan nila. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ito. “Nads! Nanay!” Matapos nitong niyakap ang kanyang ina, at nagkumustahin ay naglakad ito papalapit sa kanya. Mabilis niyang kinurot ang tagiliran ni Grace nang makalapit ito sa kanya. Natatawa naman itong umiiwas sa kanya. “Maiwan ko muna kayo mga anak,” paalam ni Nanay sa kanila, at pumasok na ito sa loob ng cottage. Matatawag pa ba itong cottage kung malaki ang bahay. “Gaga ka! Akala ko kung sino!” Napangisi ito, at agad siya nitong niyakap. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa tainga niya. “Totoo iyong narinig ko kanina na buntis ka? Alam na ba niya na buntis ka?” Tumango siya rito, at malungkot na umiling siya rito. “Buntis a

