PATRICIA Ilang gabi na siyang pabalik-balik dito sa club, pero wala pa rin ang asawa niya. Tinatanong na niya ang ibang empleyado, kung alam ba ng mga ito kung saan si Dave, pero ang sagot ay hindi nila alam. Hinanap din niya si Nadia, pati rin ito ay wala rin sa club. Isang linggo na raw itong hindi pumapasok dahil umuwi sa Davao. Akalain ba naman niya na nasa harap lang pala niya ang dating nobya ng asawa. Hindi pala dati, kung ‘di may relasyon pa rin ang dalawa. They are still together behind closed doors. What a surprise! Lahat ng umaaligid sa lalaki ay kanyang sinisindak o may gagawin siyang masama sa mga ito. Ngunit, bakit hindi niya kaagad napansin na may relasyon ang dalawa? Napakagaling talagang magtago. Bakit hindi niya kaagad napansin noong unang pagkikita nila sa mismong pinag

