BANG! BANG! BANG! Tila walang gustong magpatalo sa dalawang panig at panay malalakas na pagbanggaan ng mga metal at pagsabog ang nagaganap sa ere. Halos ang iba sa mga nanonood ay hindi masyadong nasusundan ang mga direksyon at maging ang mga palitan ng pag-atake ng dalawang panig. It is really intense at halos magtayuan ng balahibo ng mga saksi sa labanang ito. Ngunit mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng lahat ng mapansin ang tila kakaibang senaryo sa ere nang isang malakas na aura at enerhiya ang naramdaman nila sa himpapawid kung saan naglalaban ang dalawang panig. Lumitaw ang tila pabilog na bagay sa ere at maya-maya pa ay mabilis na lumabas rito ang isang malaking kamay. "Ito ba ang sinasabi nilang isa sa pambihirang skill ng lider ng White Falcon g**g?! Ang Giant Hand na sina

