"Huwag niyo ng habulin pa ang nilalang na iyon." Wika ng lider ng White Falcon g**g nang makita nito kung paano umalis at nilisan ng matandang lalaking kalaban nila. Wala siyang balak na habulin ang pesteng nilalang na iyon na siyang nakalaban nila. Tila bumakas pa rin ang kanina pang inis ng dalawang miyembro ng White Falcon g**g. Masasabing maging sila ay nagtataka sa kilos ng lider nila. "Bakit mo hinayaan boss na makatakas ang nilalang na iyon. Makakaya natin siyang paslangin sa pamamagitan ng mga atake natin!" Puno ng kumpiyansang turan ng isang miyembro ng White Falcon g**g. Masasabing hindi siya naniniwala na hindi nila ito mapapaslang gamit ang pinagsama nilang mga lakas at liksi. "Oo nga boss, mapapaslang na natin sana iyon. Pareho kaming nasa Late Xiantian Realm at ikaw ay na

