"Gi-Ginoong Huang Chen? Anong gi-ginagawa niyo rito?!" Gulat na gulat na saad ni Prinsipe Lei habang mabilis itong lumingon sa dalawang batang nakasuot lamang ng kupasing mga roba na sina Li Xiaolong at Li Zhilan. Dinuro niya pa ang mga ito at muling napatawa at nagwika."Hahaha... Napabisita ka ba sa mga hampaslupang lupaing ito at hindi ako naniniwalang gusto mo silang protektahan haha." Tila napangisi pa ng malademonyo si Prinsipe Lei habang makikitang tila parehas sila ng iniisip ni Ginoong Huang Chen na siyang kasalukuyang pinuno ng Peacock Tribe. Alam niyang hindi tutulungan ng Peacock Tribe ang hampaslupang lupaing ito ng Green Valley dahil sa pananamit pa lamang ng mga taong naririto at kung gaano kadugyot ang uri ng kasuotan ng mga ito ay mahahalatang salat ito sa materyal na baga

