Nabalot naman ng katahimikan ang lugar na ito habang makikita ang tila nag-aalalang mukha ang mga saksing mga nilalang na naririto. Lalong-lalo na ang batang si Li Xiaolong ang nag-aalala. Makikitang hindi ito ang gusto niyang mnagyari. Malaki ang papel ng pesteng prinsipeng ito sa mga plano niya. Kahit na nakakairita ang batang si Li Xiaolong sa kaabnormalan at sobrang init ng ulo ni Prinsipe Lei ay alam niyang hindi ito ang panahon upang masira ang plano niya. Things are getting out of his hand at mas lalala pa ang sitwasyon nila kung lilikha pa ito ng sigalot sa Green Martial Valley Union. Imbes na magalit ang matandang ang dating pinuno ng Peacock Tribe Chief na si Huang Lim ay mabilis na humalakhak ito ng malakas dahilan upang mapatanga ang lahat ng naririto. Hindi ugali ni Ginoo

