Lumipas ang mga araw at kasalukuyang nandirito pa rin ang binatang prinsipeng si Lei sa loob ng Green Valley. Naging mahirap ang mga nagdaang araw sa kaniya lalo na at labis na nagalit si Elder Lee sa naabutan nitong senryo kung saan ay ang isang buong bahay nitong nagsisilbing tirahan at bahay-pagamutan nito ay nangangalahati na lamang ang parte nito. Kaya nang nalaman nitong ang binatang prinsipeng si Lei ang may kinalaman at mismong may kagagawan nito ay labis itong nagalit. Nangialam na nga rin ang mga matataas na opisyales ng Green Martial Valley Union sa usaping ito lalo na sa suliraning kinakaharap ni Prinsipe Lei. Alam na alam nila kung paano at gaano kahirap pakiusapan ang matandang manggagamot na ito lalo na kung hindi mo ito mapapakiusapan ng maayos. Matigas ang puso nito a

