Hindi nagtagal ay nakaabot ang batang si Li Xiaolong sa isang malaking lugar na siyang tinatawag na Chengdu Village. Makikitang ang lugar na ito ay kakaiba at mistulang walang kabuhay-buhay kumpara sa mga normal na bayan. Talagang hindi niya sukat akalain na pinamamahayan ito ng mga kriminal at mga dayong mga nilaalng rito. Masasabi niyang hindi naman gaano kadelikado ang lugar na ito kumpara sa nai-imagine niya. Maganda ang lugar ngunit wala nga lang kabuhay-buhay. Halatang tahimik kahit marmaing mga taong naririto. Meron ding iba't-ibang klaseng martial artists siyang nakikita lalo na at iba-iba ang mga suot ng mga ito. Good thing at hindi nalalayo ang kasalukuyang kasuotan niyang balot na balot ng balabal na siyang karaniwang suot ng mga taong naririto. There's no skin revealing cloth

