"Ano'ng gagawin mo aking kapatid? Hindi mo ba alam na sobrang naperwisyo ang negosyo ko dahil sa pesteng mga nilalang na iyon. We just barely escape from those pest!" Puno ng pinaghalong inis at galit na saad ni Prinsipe Yaozu habang makikitang hindi ito mapakali. Talagang naapektuhan ang negosyo nila and he didn't even think na siya ang totoong puntirya ng mga ito maging ang Crowned Prince mismo. Kasalukuyan silang nasa maliit na ordinaryong silid. Pero siguradong walang makakarinig sa kanila mula sa labas dahil gawa ito sa kongkretong bato. Namamalagi sila sa Chengdu Village nitong nakaraang araw due to some unexpected event na siyang ikinanlumo niya lalo na at apektado ang kalakaran ng negosyo niya sa mga minahan. Hindi niya talaga aakalaing napakatuso ng mga nilalang na iyon na siyan

