Chapter Nine

1488 Words
Ellie's POV: Ibinigay na ni Felix ang mga mapa. "Yung mga red marks ang mga checkpoint kung saan nyo ireraise yung flag. Are you ready?" tanong ni Natalie sa amin. Hawak na ni Ian yung map namin. "Goodluck, sa 'tin." Pag checheer ni Ian. Nginitian n'ya pa ako. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti din. "Okay....Ready....Set.....GO!" tumakbo na kami. Unang checkpoint, sa library.. 1st Task: -FIND ORION- Ha? Ano daw?! Teka.... Di ba star yun? Constellations yun ah! "Orion. Di ba star yun? Bakit dito sa library?" tanong ko kay Ian. Tumingala ako.Wala naman kahit painting ng stars o kaya eh planets. "Oo nga eh. Isn't tha supposed to be in the lab or the archery club maybe? That's the only idea I had in mind since it says something about constellations" Balik na tanong ni Ian. Naku, Ian. Naguguluhan din ako. Tapos nag Ingles ka pa. Nag-ikot ikot kami. Sa pag iikot ko. Nakita ko yung desk ng working student. Assistant yata siya ng librarian. -Guillermo Orion- Baka s'ya yung dapat naming hanapin! Maya-maya pa, may lumabas sa office ng librarian. Lalaki. Siya siguro si Orion. Ang weird. Bakit naman siya? Eh Guillermo ang pangalan nya di ba? Hay, ewan! "Uh, Kuya, kayo po ba si Guillermo Orion?" bigla ong tanong sa kanya. Curious ako eh. Malay n'yo naman, di ba? "Oo. Kayo ang unang batch?" Huh? Ano daw? Kami ang una? "Anyways, you must answer my riddle first." Riddle? Bugtungan? Ano? "A wonderful place you must see, for good stories you will hear. People wear masks to tell this story, like how heroes find their might and glory. " Napaisip ako sa ibinigay niyang bugtong. Hmm... Ano nga ba? Ang role play na ginawa namin nung high school. Ni-require kasi sa amin yun as project. "Theatre" napangiti si kuya Guillermo sa sagot ko. May kinuha sya sa drawer nya. Yung Flag! Ibinigay sa akin niya sa akin yung flag at ipinaliwanag ang gagawin dito. Maya-maya pa, bigla namang sumulpot si Ian sa may likuran ko. "Ellie, nakita mo-" tatanungin niya pa sana ako nang bigla akong humarap sa kanya. "Nakita ko na si Orion." Ipinakita ko sa kanya yung blue flag. "Great! Where should we raise this?" dugo na ilong ko. Kanina pa talaga ako nito ini-Ingles eh! "Sa baba. Sa labas nitong main building." "Let's go." "Salamat Kuya ha." nginitian ko si kuya Guillermo at nagpaalam na. Pagkababa namin. Nilapitan agad naming yung flag pole na itinayo sa baba ng main building at itinaas na naming yung flag namin. "Okay, saan yung sunod?" tanong ko kay Ian. "AVR?"sagot niya. "AVR? Ano nanamang pakana yun?" nagkibit balikat lang si Ian. Hays! Ang weird ng game na 'to! Kaya pala Theatre yung riddle. Doon kami pupunta sa AVR                                                                          ~***~ Kirsten's POV: Ano bang klaseng pakana to Natalie? Pagkatapos ng game na 'to, yari ka talaga sa 'kin. Andito nga pala kami sa AVR. Grabe! Punong-puno na ng harina yung mukha namin. Nagulat ako nang inabutan ako ni Amber ng Towel. "KC..." Leche! Wag mo kong matawag tawag na KC! Pagkatapos mo kong iwanan. "Wag mo kong tawaging KC, Pwede? And, I got my own towel. See?" Ipinakita ko sa kanya yung hawak kong towel. Pagkatapos naming magpunas ng mukha at matanggal ang harina sa mukha namin, he unfolded the map he was holding. "We're heading to the pool area next." Oh, right. Yun kasi ang nasa clue. Napatingin naman ako sa kanya. "Teka, sigurado ka?" "Don't worry, it's okay." he smiled at me. Psh. Bakit nga ba kailangan kong mag-alala sa taong hindi marunong lumangoy na ex ko pa naman? "Tara na nga." Hinila ko siya, kaso... "STOP. You are under arrest for the violation of Public Display of Affection." HUH?! Anong violation dun? Ang pagkakaalam ko hinawakan ko lang ang kamay niya. "Please proceed to the gym for your punishment." WHAT THE HECK?! What's happening here? Nakahandcuffs na kami. What the f**k just happened?!                                                                                ~***~ Ellie's POV: Katatapos lang namin sa pool. "Kawawa ka naman, Ian." "Tch. Those kids are really annoying."-Ian "Hahaha. Lahat talaga ng mga bata pasaway. Lalo na't kindergarten pa sila. Sobrang makukulit talaga ang mga bata sa ganung age." Ganito kasi yung nangyari... FLASHBACK Nung nasa pool kami. "Ano ba yung clue?" naguguluhang tanong ko kay Ian. "Meet Blackbeard?" mukhang pati siya ay naguluhan sa binasa. Isip bata lang? Pano naman magkakablackbeard sa pool? Eh ang alam ko sa isla lang merong mga pirate ah. Naku naman! Mga pakana o! Maya-maya pa, habang pinapasok naming ang locker room.... "Who dares to enter my island?" napalingon kami kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Teka, bakit bata? Isa-isa na silang nag silabasan. Mga limang batang maliliit. M0ga nasa kindergarten pa siguro sila. Nakapirate costume pa. Ang cute! "Wow, ang cute n'yo naman! Anong mga names n'yo?" pati ba naman sa bata, vovo pa rin English ko? "I am pirate Christoff." "I am pirate Lancey." Girl pala sya? Ang cute! "I am pirate Ling." Girl din ang batang to. Mukhang Chinese? "I am pirate Cj." "I am the Blackbeard. My name is Gion." WAH! Ang cute nila! Promise! "How dare you trespass our island?" tanong sa amin ni Gion. "We have a mission and that is to meet Blackbeard." sagot naman ni Ian. Ako? Ayun, nga nga. Hays, Dugo na naman ilong ko. "Well, here I am. Y'er what do you want?"muling nag salita si Gion. "Where's our flag?" seryosong tanong ni Ian sa kanya. Mukhang gusto manalo ni Ian. Ano bang prize para sa game na 'to? Walang sinabi sina Natalie eh. Tapos ang alam ko rin talaga ay surprise ang prize para sa mananalo. May itinaas na hankerchief is Gion.... "Catch us first. That is, if you can. Bleh! Hahahahaha." Nagtakbuhan na sila palabas ng locker room papuntang poolside. "I really hate kids." may ibiulong pa sa sarili si Ian na hindi ko masyadong naintindihan. Dahil siguro sa boses ng mga bata? Tumakbo na s'ya at hinabol ang mga bata. Ako naman, hinanap ko yung flag. Sa totoo lang, hindi plain handkerchief yung dala ni Gion. Napansin ko agad yun. Kaso hindi ko na napigilan si Ian eh. Hahahaha. "Aray." biglang nag blur ang paningin ko. SIETE! Nahihilo ako. "Ate, are you okay?" lumingon ako sa batang nagsalita. Siya yung batang babae kanina. Lancey yata pangalan niya? Sasagot na sana ako kaso... "RAIN!!!!!" pasaway na bata 'to! Binaril ba naman ako ng watergun. PUSCHECK NA WATERGUN YUN AH! Sarap ibato! "Hey! Gion! Stop it already! Let's just give the flag to them." Nagpout yung nakapang blackbeard na costume. Ang cute talaga! Aray! Ayan na naman yung ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Ganun na ba ako kapagod? "Ate, okay ka lang po ba? Naku. Sorry na po, ate." Paiyak na yung si blackbeard. "Naku, baby, don't cry. Okay lang ako." Nakita kong papalapit na sina Ian. "Ellie, Nakita ko na!" proud pang ipinakita sa akin ni Ian ang hawak niya. "Ate, dun nyo po ireraise yung flag sa may daan bago makarating ng mini forest" pag eexplain ni Lancey. "Salamat ha?" Yumapos sa 'kin sina Gion at Lancey. Grabeh! Sana may kapatid din akong mas bata sa sa akin. Yung katulad nila makulit na mabait. Aray! Ayan na naman yung pasaway kong ulo. "Ate, are you hilo-hilo?" taglish na tanong sa akin ni Ling. "Hindi, okay lang ako." Binigyan niya ako ng towel. "Dōu shì nǐ de cuò! Wǒmen bù yìng gāi cānyù qízhōng. (Kasalanan nyo 'to eh! Dapat kasi hindi na lang tayo sumali sa kanila.)" –Cj "Nà wǒmen gāi zěnme bàn? Wúlùn rúhé dōu shì wèile wǒmen de chéngjī? (Anong gagawin natin? Grades din yun noh?)"-Ling Okay. Nganga na naman ako dun. Nakakaalienoid. "Uh, sorry, ate.I still can't speak Filipino well. I'm still learning."-Cj "Oh...That's, okay.I understand you naman eh." sa totoo lang. Isang planggana na ang nosebleed ko. "Ingat po!" sabay sabay yung mga bata na nagpaalam sa amin. END OF FLASHBACK So, ito kami ngayon. Nasa kalagitnaan ng gubat. "Uh, Ian, Nasan na ba tayo? Parang kanina pa tayong paikot-ikot dito sa area na 'to." Sinipat nya ang buong paligid at tumingin uli sa mapa. "s**t! s**t! We're lost!" bumulong bulong na naman si Ian pagkasabi niya nun. Hala! Ian naman. Wag ka magbiro. "Deretso na lang tayo. I think malapit na tayo dun may flag pole." tumango naman ako. Siya lang naman kasi ang nakakaalam ng lugar na 'to since mas matagal na silang nandito kaysa sa 'kin. Nagpatuloy kami sa pag lalakad kahit sumasakit pa rin ang ulo ko. Medyo pumipintig pintig pa yung sentido ko. Kainis na ulo to! Napahinto tuloy ako. Umupo muna ako saglit. Nakatingin pa naman si Ian sa mapa eh. Hinahanap siguro yung daan. "Ellie, dun tayo." Nagsimula na uli syang maglakad. Tumayo na ako, kaso nakakaapat na hakbang pa lang ako nang biglang nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD