bc

I'm Married to A Millionaire?!

book_age16+
196
FOLLOW
1.3K
READ
family
fated
arranged marriage
drama
comedy
sweet
bxg
lighthearted
female lead
friendship
like
intro-logo
Blurb

Paano kung one day malaman mong kasal ka na pala?

How will you deal with a stranger whom you'll be calling your husband?

Isang araw, inanunsyo ni Chairman Arthur Alonso sa kanyang apo na ililipat na siya ng unibersidad na papasukan kasama ang asawa nito. Laking gulat naman ni Ellie dahil hindi niya naaalalang ikinasal siya at wala ding proposal o wedding ceremony na naganap.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Ellie’s POV: “ANO ba ‘yan? Bagong environment na naman ito! Si Lolo talaga, pasaway eh! Ang tanda na niya, pero trip pa din pakialaman ang buhay ko! Paano na ako ngayon nito? Baka api-apihin lang ako dito.” Napabuntong-hininga ako. Nananaginip lang naman siguro ako di ba? Paano nga ba ulit ako nahantong sa ganitong sitwasyon? Ako nga pala si Ellie Rush Alonso. Oo, iyan talaga ang pangalan ko. Ewan ko ba kung bakit ganyan ang ipinangalan nila sa akin. Pwede namang Maria lang. Aish! Ano bang kasing pamilya ang napasukan ko? Utak nila malabo. Akala tuloy ng ibang tao, basta mapakinggan nila ang pangalang ‘yan, lalaki kaagad. At ang pinakamalala pa nito, itinatanong pa nila tuwing nakikita nila ako kung bakla daw ba ako. Ghaaaad! Anong problema nila sa ‘kin? Pangit ba ako? Mukha nga ba akong bakla? Eh kasi kahit Maria lang okay na. May gano’n pa silang nalalaman. Nakakaloka! Okay, back to my story. Iyon nga, ang pangalan ko (Panglalalaki talaga siya). Seventeen years old ako turning eighteen sa May 25, 2014. Bale five months from now. Bakit nga ba ako nandito? Ayun, pinalipat lang naman ako ng pasaway kong lolo sa University na pinapasukan ni ate Ichiko para daw makilala ko ang asawa ko. A-S-A-W-A?! Hoy! Ano yung asawa? Aswang yata? Hindi eh, tama yung narinig ko kay lolo. Asawa nga talaga ang narinig ko. Kitams? Sabi sa inyo eh, magulo ang lolo ko. Ni wala nga akong boyfriend. NBSB kaya ako. Kaya paano ako nagkaasawa? Ipinagkasundo niya lang naman ako sa apo ng kaibigan niya. Para daw kapag nawala na siya ay may mag-aalaga sa akin. Ang bait talaga niya! Mahal na mahal niya ako… sa kabaligtaran. Oo. Hindi naman talaga ako ang favorite ni lolo. Eh anak lang naman ako sa labas ni papa. Si ate Ichiko naman talaga ang legal na anak ni papa. Sa pangalan pa lang, babaeng-babae na. Sa mukha pa kaya? Sige! Siya na ang pinagpala! Bakit kaya hindi kay ate Ichiko niya ginawa ‘yon?  Ay ewan! Ako naman ang lagi niyang pinapahirapan. At wala siyang pakialam sa akin. Ni hindi niya nga ako iniimikan. Minsan, kung kailangan lang. Minsan nung nag-uusap kami tinanong ko siya.   Flashback “Lo, ayaw n’yo po ba sa ‘kin? Ginawa ko naman po lahat ah. Nagpakabuti po ako sa pag-aaral para po matuwa kayo. At saka hindi po ako nagbabarkada at gumagawa ng gulo.” paliwanag ko pa sa kanya. “Ellie, ayusin mo nang lahat ng mga gamit mo at mag-impake. May pupuntahan tayo ngayon.” Iyon lang ang sagot niya sa akin. ‘Yan si lolo. A man of few words, ika nga. Ang sarap talagang i-kiss ni lolo! Ang cute-cute! “Okay po, Lo.” Sagot ko na lang. Dumeretso na ako sa kwarto at nag-impake. Habang nag iimpake, napaisip ako. “Saan naman kay ako ipapatapon ni lolo? Nakakalungkot naman. Mami-miss ko itong bahay at saka itong kwarto ko.” Sinipat ko ang buong kwarto. Maliit lang naman ang kwarto ko. May isang kama, isang maliit na mesa para makapagbasa at makapagsulat, electric fan at isang maliit na dresser na gawa pa sa plastic. Hindi katulad ng kwarto ng ate ko. May walk-in closet siya at sariling banyo pa. Sabi sa inyo eh. Hindi nga kasi ako ang favorite ni lolo. Lalo pa at anak ako ni papa sa labas. Ah, si papa? Deads na eh. Magkasama sila ni mama sa kabilang mundo. Rest in peace mama and papa. Magkasama kasi sila noong naganap ang aksidenteng ikinamatay nila, isang car accident. Ang legal na asawa naman ni papa na si tita Matilda ay nakatira din dito. Kaso masungit ‘yon kaya hindi ko masyadong kinakausap. Kinupkop kasi ako ni lolo noong twelve years old pa lang ako. At iyon din ang araw na magkasamang namatay sina mama at papa. Syempre galit din sila sa akin dahil ako daw ang bunga ng pagmamahalan nina mama at papa. Lalo na si tita Matilda at ate Ichiko. Kulang na lang ay ipalapa nila ako sa alagang aso ni lolo. Si lolo naman, walang imik. Naririnig ko lang siyang magsalita kapag importante ang sasabihin niya sa akin. Katulad na lang ngayon. Nawindang talaga ako sa sinabi niya. “Oh, and where are you going?” “Ay butiki!” Nagulat kasi ako nang magsalita si ate Ichiko. Pabigla-bigla kasi. “Oh God! Ellie, don’t bring that attitude of yours, that you get on the street, here in my house.” nakita ko pa siyang umirap. Ang sarap bunutan ng kilay! Joke lang! “Sorry, ate. Ano kasi, sabi ni lolo mag-impake daw ako. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.” “Oh, okay. Well, I must be happy.” Ay, ngumisi ang bruha! Umalis na din siya.   Kung happy ka ate, mas happy ako. Hindi n’yo na ako maapi nina tita Matilda. Iyon nga lang, hindi ko din alam kung saan kami pupunta ni lolo. “Ellie, let’s go.” “Okay po, lo.” Iyan na lang lagi ang sagot ko no? Oo, kasi wala naman talaga akong sasabihin eh. Saka na lang kapag nagtanong ako mamaya kay lolo. Baka kasi makulitan siya sa ‘kin. Mahirap na, tigre pa naman kung magalit iyon. Lumabas na ako ng kwarto. Nang makalabas na kami ng bahay, sumakay na kami sa sasakyan at pinaandar na ng driver ang kotse. Oy! Saya! Joyride ito! End of Flashback                                                                                ~***~ SA DAAN. Teka, nasaan na nga ba kami? Nakatulog na pala ako. Sumilip muna ako sa bintana. Bakit nandito kami sa university ni ate? Seryoso ba siya na palilipatin niya ako dito? Imposible namang susunduin namin si ate. Eh nasa bahay nga siya. Kausap ko pa ‘yon kanina.   “Bumaba ka na, Ellie. Dito ka na mag-aaral simula ngayon.” Nanlaki ang mata ko sa gulat.   Oo! As in nanlaki! Eh sikat na school ito! Sa public lang kaya ako nag-aaral. Ano namang alam ko sa ka-syosyalan na ganito? Kinakabahan na ako. “Sigurado ka po, lo? Eh di ba, mahal dito? Kaya mo ba akong pag-aralin sa ganitong kamahal na eskwelahan? Mas okay naman po ako do’n sa dati kong school ah.”   “Tumigil ka nga, hija. Basta, simula ngayon, dito ka na mag-aaral kasama ang asawa mo.” Kung yung face ko kanina, mukhang tarsier, ngayon mas malaki pa sa mata ang tarsier ang mata ko. “A-Asawa, lo?! Wala pa nga akong boyfriend tapos asawa kaagad? Paano nangyari ‘yon? Wala naman po akong natatandaang ikinasal po ako, lolo. Nagka-amnesia po ba ako? Kailan pa?” Walang prenong tanong ko sa kanya. “Narinig mong lahat ang sinabi ko. Ayaw ko na itong ulitin pa. Makikilala mo din siya pagdating ng uwian. Sa ngayon, pasukan mo muna lahat ng klase mo. Ang mga gamit mo, ipapadiretso ko na lang sa bahay ng asawa mo. Naiintindihan mo ba? Wala na akong magawa. “Opo, lolo.” na lang ang tanging naisagot ko. Pero marami pa rin talaga akong tanong. Kaso, alam kong hindi na ako sasagutin ni lolo. “Basta malalaman mo rin ang lahat pagkadating mo sa bahay nila. Sa ngayon, kailangan ko nang umalis. Marami pa akong aasikasuhin.” “Pero, lo, ano po ‘to? Bakit hindi ko man lang alam?” Iyan lang ang naitanong ko kahit marami pa talaga akong gustong itanong. Wala eh. Spechless ako sa mga kaganapan at rebelasyon ni lolo. “Maiintindihan mo rin ako balang araw, hija. Mag-iingat ka lagi at wag mo akong bibiguin at ipapahiya.” Masama pa ang tingin niya sa akin habang pinapaalalahanan ako.   “Mahanap na nga lang yung Registrar’s office. Sumasakit ulo ko sa revelation ni lolo eh!”  Naiirita kong sambit sabay hawak sa noo ko. Ang sakit eh! Nakakahilo kapag pinilit kong irehistro sa isip ko ang mga nangyari kanina. Busy ako sa paglalakad at pag-iisip nang biglang may…   BLAAAG!!!    “Aray ko! Ano ba?! Kasi naman, tumingin ka sa dinadaanan mo nang hindi ka nakakabunggo ng kasalubong mo.” Galit na ako niyan ha? Eh kasi naman si lolo tapos ngayon ito. Ay sus! Kapag sinuswerte ka nga naman. Tumingala ako at tiningnan ko yung taong bumundol sa ‘kin. “Ay impakto!” Nung tumingin kasi ako sa taas lalaki pala siya at ang gwapo! Napatulala ako. Eh sa TV at magazine lang ako nakakakita ng katulad niya. Tapos ngayon, nasa harapan ko na. Kung yung face ko kanina ay nagsimula sa mona lisa smile. Tapos sa revelation ni lolo ay tarsier face. Ngayon, pakiramdam ko parang biglang nagningning ang aking mga mata. As in! Nakakastar-struck siya. Sandali niya akong tinitigan. “What?” He smirked. “I’m not like that! And you little creature, next time you walk, be sure that you’re looking on your way and not talking to yourself! That’s why you bumped me.” Wow ha! Ako pa daw may kasalanan? Ang angas naman nito. Gwapo na sana. Kaya lang, mukhang mayabang. May araw ka rin sa ‘kin. Kala mo ah! “Okay.” ‘Yon na lang sinabi ko at kumaripas na ako ng takbo. Eh kasi naman, nagmamadali na rin ako. Anong oras na o? Tsaka baka awayin pa niya ako. Wala na akong panahon para do’n. Bahala na siya do’n! Kailangan ko na talaga umalis.   Time check: 07:15 am   Oh my! Nagmadali na ako pumunta sa registrar’s office kasi nga aalamin ko pa ang schedule ko. At nakarating naman ako. Pagkakuha ko ng schedule ko, binasa ko kaagad ito. Thank God! 09:30 am pa start ng first subject for this day. Nakahinga ako ng maluwag at nagpasyang pumunta muna sa school canteen.                                                                                ~***~ SA CANTEEN.. Habang bumibili ako ng pagkain ko, napansin kong may pinagkakaguluhan sa may bungad ng pinto. Patakbo pa ngang lumapit yung tatlong babae dun sa lalaki. Teka, babae nga ba yung isa dun o bihis babae lang?  Bakit ko ba pinoproblema yun? Dapat yung problema ko inaasikaso ko. Paano ako nito ngayon? Saan ako magsisimula? Sino kaya yung sinasabi ni lolo na asawa ko? Sakit naman sa ulo mag-isip! Kakain na nga lang muna ako. “Aaaayy! Ang gwapo mo talaga, Prince! Please be my Prince!” sabi nung isang babae ba yun o bakla? Ay! Bakit paulit-ulit yung salitang Prince? Ay ewan! Bakit ba ako nakikialam?! Pero narinig ko pa rin yung sinabi niya kahit malayo ako sa kanila. Kulang na lang kasi ipagsigawan niya sa buong mundo ‘yon. Sino kaya yung sinasabi nila? At tiningnan ko yung lalaking pinagkakaguluhan. Ay! Si ano yun ah….si mayabang? Wow sikat siya dito? “Prince, can you go out with me? Pretty please? Kahit isang gabi lang!” Kita ko yung babae with twinkling eyes pa. Ay! Ang halay naman! Ang landi nung babae! Pero wala pa rin reaskyon yung lalaki. Napatingin ako sa kanya. Parang kidlat na nagtama ang mga mata namin! Teka sa’kin nga ba siya nakatingin? Sinipat-sipat ko paligid ko. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. At tumingin din ako sa likod ko Wala namang tao. Ako lang nasa sulok na ito ah. Bakit pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko? Nagba-blush yata ako!  Hoy gising, Ellie! Baka akalaing assuming ako! Pero kaunti lang naman. Hehe.   Gising, Ellie, gising! Sinampal ko pa mukha ko at kinurot sarili ko. “Aray! Masakit din yun ah!” At binalik ko na ang tingin ko sa kanila kaso wala na sila kung saan ko unang nakitang nilalandi nung tatlo yung gwapong lalaki. Nanghinayang ako. Gandang palabas din yun ah.   Maya-maya pa’y may biglang may bumagsak sa lamesang kinakainan ko.   “Ay kabayo ka!” Nagulat ako eh. Aish! Sabi na sa inyong wag n’yo ako gugulatin. Malalait ko lang kayo. “Hey you, b***h! Bago ka dito no?” Sabi nung isa sa tatlo. Sila pala yung nanggulat sa 'kin. “Sister, don’t waste your time on her. She’s just a nobody!” Pakinig kong sabi nung bakla yata talaga yun eh. Nakabihis babae pero boses lalaki. Ano daw? Ako din naguguluhan eh. “No, I won’t! Unless she stops looking at my Prince!” Sabi nung unang babaeng mataray na nagsalita. Ay ang ganda niya! Ang gandang ingud-ngod sa putik! Eh ano ba naman kasi ginawa ko sa kanila? Nananahimik ako eh. “Ah pasensiya na kayo. Pero hindi ko alam pinagsasabi niyo.” Syempre bago ako. Hindi dapat ako nakikipag-away no? At saka di ko yun forte. “I saw you lang naman looking at her Prince!” Sabi nung isa pa nilang kasamang babae.  Sumbungera pala yun eh! “Ah yun ba? Pasensya na, pero hindi ko siya kilala. At baka napansin n’yo lang na nakatingin ako kasi ang lalakas ng boses niyo. Abot lang naman dito.” Pagpapaliwanag ko na may halong sarcasm. “You, b***h! Okay. I will forgive you for now. But the next time I saw you looking at my Prince, you’re going to borrow face from our dog!” Hala! Nanakot pa ito! Ano ba yan? Tatakutin na lang ba ako buong araw? Dami nila ah. Whew! Sakit talaga sa ulo. “Sige.” Yan na lang sinagot ko kaysa mag-iingles pa sila sa harap ko. Masakit na nga ulo ko, pati ba naman ilong ko idadamay pa! Sobra na ah?   Nakita ko na lang na isa-isa akong inirapan ng tatlo. Para silang si ate Ichiko. Sarap bunutan ng kilay! At nawala na nga sila sa paningin ko.     Sino ba kasi yung Prince na yun? Pangalan niya kaya yun? O endearment lang nung mataray na babae dun sa lalaking yun? Ay naku! Bakit ko na naman ba iniisip ang hindi ko problema? Sobra na itong araw na ito. Makakain na nga lang. Para makapasok na ako hahanapin ko pa kung saan ang room ng first subject ko. Nang mabusog ako, tumayo na ako at tinapon yung mga kalat ko. Kinuha ko yung mineral water ko sa bag at uminom.Tinungo ko na yung building kung saan nandoon yung room ko na nakalagay sa schedule ko. Tinitingnan ko yung numero ng bawat pinto nang biglang…   Blaaaag!   May nakabungguan na naman ako. Na-out of balance pa ako at napaupo. Sakit sa puwet. Sino na naman ito?! Kapag sinuswerte ka nga naman oh. Tiningnan ko kung sino naman ang nakabungguan ko. “Ikaw na naman? Buong araw mo na lang ba ako bubungguin? Magsabi ka naman para alam ko!” “Hey, it’s your fault. You’re not looking on your way.” Ay! Ako pa sinisi ng mokong na ito. Alam na pala niyang hindi ako nakatingin sa daan bubungguin pa ko! Pinakalma ko na lang ang sarili ko bago ako muling nagsalita. “Hoy! Yung kanina, hindi ko yun sinasasadya. Ngayon alam mo pala na hindi ako nakatingin, bakit HINDI ka kaya umiwas para HINDI kita nabubunggo, no?” Hmph! Prinsipe talaga ng kayabangan ang mokong na ‘to! Tama nga yung tatlo kaninang nagtititili dun sa canteen na ang tawag sa kanya ay Prince! Prinsipe ng kayabangan! Buti sana kung pangalan niya yun talaga no? Konti na lang talaga. Nakuuuuuuu! Matatamaan ka sa 'kin!   Hindi Ellie! No! You can’t do that! Ipapahiya mo lang ang lolo mo at ang asawa mo. Sa’n kaya yung next subject ko? Tama! Itutuloy ko na lang paghahanap do'n. Baka mapagalitan pa ako. Paalis na sana ako nang magsalita siya.   “So, this is the attitude of my wife ei?” Humarap ako sa kanya. He smirked. WIFE? Siya ang ASAWA KO?! Kung sinuswerte ka nga naman o! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Matchmaker to the Ruthless Billionaire (TAGALOG)

read
577.8K
bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

The CEO's Maid

read
1.5M
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook