Chapter Two

1639 Words
Ellie’s POV:   BALE NAGULANTANG ako sa narinig ko. Alam niyo yung painting ni Mona Lisa? Yung mukha niya dun, gano'n na gano'n ang mukha ko ngayon.   Anong sinabi niya? Pwede pakiulit? Tama ba ang narinig ko? Wife? So, siya ang asawa ko? Ooohhh myyyyy golly!!! Totoo?   Sinampal sampal ko ang mukha ko.   Kaliwa. Pak! Kanan. Pak!   Masakit din 'yon ah. Back to earth Ellie! Baka mali ka lang ng rinig. Hindi ako nakatiis at tinanong ko siya. "What did you say? Wife? You mean you and me?" Wow! Nag-E-english ako no! Hehe. Marunong naman ako, hindi ko lang masyadong ginagamit kasi Pilipino ako. Kaya Tagalog salita ko. "Yes! Lucky you, you are my wife!" Inilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin.   Ano ito hahalikan ba niya ako? Oh God! Huwag naman po sana. Wala pa ako first kiss eh. Nung tipong ilalapit ko na rin mukha ko at sa tingin ko’y nagbabadya na siyang halikan ako, ipinikit ko ng dahan-dahan mata ko. Napanguso pa ako.    Nang bigla niya akong pinitik sa noo! "Aray!" Napasigaw ako. "What were you thinking? You think I’m going to kiss you? Well, sorry. Stop dreaming! I’m just checking if my wife is beautiful. But I guess you’re not. I never expected that my wife would be someone as awful as you are.” He smirked again.   Talaga naman oh! Napakayabang talaga nito. Porke’t gwapo siya, kung makapanlait, wagas. Ang ganda ko kaya! Hehe. "Sino ba kasing may sabi sa 'yong gusto ko ang kasal na ito. Hello? Wala rin kaya ako alam no. Kanina ko lang nalaman."   Teka, kailan niya kaya nalaman ang tungkol sa kasal? "Ikaw? Kailan mo ba nalaman?" tanong ko sa kanya. "Well, I don't even care where, when and how you found out about it. I just want you to know that I don’t like this marriage either. And if I were you, I would back off now because I would never EVER like anyone like you. Such a low-life-"   Slaaaaap!   Oo! Sinampal ko siya! Low-life? Aray ang sakit no'n ah! Oo, galing ako sa public school. Pero hindi ibig sabihin no’n eh napaka low-life na ang isang tulad ko! Valedictorian kaya ako. At saka hindi porke’t mayaman siya, sasabihan na niya akong gano’n.  Nagtatakbo ako palayo sa kanya. Nararamdaman ko na rin kasing namamasa yung mga mata ko. Baka lalo lang niya ako laitin at sabihan pang “weak” kapag sa harap pa niya ako umiyak. Ganun ba yung uri ng lalaking pakikisamahan ko? Parang hindi naman ako umalis sa bahay. Sa bahay kasi lahat masungit, mapanlait at galit sila sa akin. Lumabas na lang ako sa university. Pupunta na lang ako sa lugar kung saan kakaunti ang mga tao. Dinala ako ng mga paa ko sa parke. Kakaunti lang ang nakita kong tao. May mga batang naglalaro sa slide. Kasama nila magulang nila. Kung nabubuhay lang siguro sina mama. "Ma, I miss you." At doon ko na naramdamang may mainit na likidong lumalaglag sa pisngi ko. Itinuloy ko na lang at humaguhol na nang tuluyan. Ang unfair n’yo naman, Mama, Papa. Bakit kailangan n’yo akong iwanan mag-isa? Nakakainis naman yung lalaking yun. Napakayabang! Kala mo hari ng mundo! Sobra naman siyang makapanlait! Basang basa na yung mukha ko ng luha ko nang hanapin ko yung panyo ko. Kinalkal ko ang aking bag. Naku! Paktay! Wala pala akong dalang panyo. Nakalimutan ko. Nakalagay nga pala sa maleta. Ang malas ko talaga ngayon! Sige, kamay ko na lang ipampapahid ko. Yung kabilang pisngi ko pa lang ang napupunasan ko nang biglang may lumutang na panyo sa harap ko. "Ay multo!" "Hindi ako multo, gamitin mo ‘to. Para hindi kamay ang ipinampupunas mo." Yung panyo, nagsasalita? Kinuha ko na rin yung panyo at pinunasan ko luha ko. Ang bango-bango nung panyo! Tumingin ako sa taas at tiningnan yung nagbigay ng panyo. Ang gwapo naman nito! Hindi rin naman pala malas ang araw ko. "Ah, salamat nga pala dito." Ang tinutukoy ko ay yung panyo niya. "Wala 'yon. Sige. Itabi mo na lang ‘yan." sabi nung lalaki. "Talaga?" "Oo. Sa’yo na lang kasi may luha at sipon mo na eh." Ay, nahiya naman ako! "Ah, sige. Salamat nga pala ulit." Ngumiti lang siya sa’kin at biglang sinabing- "Huwag mong hayaang paiyakin ka lagi ng taong nagpaiyak sa’yo ngayon. Maganda ka. Huwag mong sayangin ang luha mo sa lalaking wala namang kwenta." Natulala ako sa sinabi niya. Alam ko ang punto niya, ang huwag mag paapi. Tama siya. Kaya lang nung sasagot na ako, bigla na lang siyang nawala. Nasa’n na 'yon? Hinanap ko sa paligid wala na talaga. Baka multo nga. Gah! Kakakilabot naman. Brrr! Nag stay muna ako dito sa parke. Itinigil ko na rin pag-iyak ko. Tama naman si Mr.Handkerchief ('Yan ang tawag ko sa kanya. Bingyan niya ako panyo eh). Huwag dapat ako papatalo at paaapi. Mayamaya pa’y napansin kong gabi na pala. Naaliw kasi ako sa mga batang nag-lalaro. Ang sarap nilang panuorin. Parang walang problema. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit may mga taong hinihiling na sana bata na lang ulit sila. Nagpasya na akong umalis. Inisip ko na lang na bumalik kay lolo at magpaliwanag. Baka tanggapin niya ulit ako. Aba! Mas gugustuhin kong tumira do’n kaysa do’n sa mayabang na lalaking asawa ko daw. Naglakad na ako pauwi.                                                                                           ~***~     Syempre kina lolo ako umuwi. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ni Lolo Arthur, kumatok ako at ang bumungad sa ’kin ay ang kapatid ko, si Ate Ichiko. Gusto ko sana siyang yakapin kasi wala na talaga akong makausap. Kaso alam kong aawayin niya lang ako. Galit nga siya sa akin ba? Papasok na lang sana ako nang bigla siyang magsalita. “I thought you’re not going to live here starting today? Why are you here now? Did you left something? Then find it now and leave. I really don’t want to see your face here in my house anymore!” Aray! Ang ilong ko. Pero marunong ako ng salitang Inlges. Kaya lang, kapag sunod sunod na, dumudugo na ilong ko. Lalo pa kapag si ate na nagsasalita. Laking States 'yan eh. Talagang may accent. Umuwi lang siya dito nung mamatay na si papa. Kaya siya galit sa ’kin eh. Si mama daw kasi ang may dahilan ng pagkamatay ni papa kaya naman pinauwi sila ni Lolo. Eh magkasama lang naman sila nung araw na yun eh. Wala rin kinalaman si mama do'n. Walang ginusto ang pangyayaring yun. Kasi diba nga naaksidente sila mama at papa, kung buhay pa daw kasi si papa ngayon eh di sana nando'n pa din daw sila ni Tita Matilda sa States. Si papa kasi tumutustos ng lahat ng pangangailangan nilang mag-ina do'n. Nang mamatay si papa, ang option ni Lolo ay ang umuwi silang mag-ina at dito maninirahan kasama niya or doon titira kaso walang matatanggap na sustento. Syempre di mabubuhay yung dalawa ng walang sustento. Kaya mas pinili na lang nila umuwi. “Ano kasi….Uh, Ate, nandyan ba si Lolo?” “In his office, upstairs.” Masungit nyang sagot tapos iniwan nya ako.   Pumunta na lang ako sa office ni Lolo Arthur. “Lolo?” Sumilip muna ako. Nakita ko s’yang nag babasa ng ilang papeles. “Come in.”- Lolo “Uh, Lolo.” Tumingin sya sa ’kin at nagulat nang makita ako. “Bakit nandito ka? Di ba sabi ko sa’yo, doon ka na uuwi sa bahay ng asawa mo?” “Ano po kasi…..” Magsisinungaling ba ako? Hindi pwede. Lolo ko ‘to eh. Mahal ko naman ang lolo ko. Ayaw ko magsinungaling sa kanya. Nagpaliwanag na lang ako. Sinabi ko talaga sa kanya yung nangyari kanina. “Kaya Lolo, please. Pwedeng dito nalang po ako? Hm? Ayaw ko pong tumira sa kanila. Okay naman po ako dito Lolo ah. Bakit kailangan n’yo pa po akong doon patirahin? Kung ayaw n’yo kahit ngayong gabi lang." Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. “Please po, lolo?” Pagmamakaawa ko. Lolo please pumayag ka. Please naman pumayag ka. Kung may natitira pa po kayong awa sa’kin.   Crossfingers!   “Hindi pwede. Nag-usap na tayo kanina di ba?” “Kailangan mo nang bumalik doon ngayong gabi. Baka hinahanap ka na nila. Di ba sabi ko sayo, huwag mo akong ipapahiya?” Kinuha nya yung dala kong maleta at hinawakan n’ya braso ko. “Kung hindi ka babalik dun, ako mismo mag dadala sa’yo sa kanila.” Hinila nya ako. Parang iiyak na ‘ko. Nasa labas na kami. Buti na lang, di namin na-istorbo sina tita Matilda. Hindi nila pakinig ang pinag-uusapan namin. “Lolo, ayoko pang pumunta dun. At tsaka bakit di ko man lang alam na ipinakasal niyo na pala ako. Tapos ngayon bigla-biglang do'n niyo ako patitirahin?” Hindi nya ako pinapakinggan. Para talagang walang narinig si lolo kasi tuloy pa rin siya sa paghila sa’kin. “Lolo naman kasi, bakit n'yo ba ako pinarurusahan ng ganito? Lahat naman ng gusto nyo sinunod ko. Ayaw n’yo na po ba talaga sa ‘kin?” Tumigil sya sandali at humarap sa akin. Hawak nya pa rin ang braso ko. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. “Kailangan ko ‘tong gawin, apo. Maiintindihan mo rin ako balang araw.” Tapos hinila nya ako papasok sa kotse. Ano ba 'yan? Mas matigas pa yata sa bato ang puso ni Lolo. Hindi man lang n’ya ba iniisip ang nararamdaman ko ngayon?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD