Chapter Three

2583 Words
Prince's POV: IT'S 6:00 pm. Shit! Ang sakit ng pisngi ko dahil sa kanya. Ramdam ko pa rin yung sampal niya kanina. We've been waiting for several hours. I looked at my watch again. Then, I looked through the car window. What the hell is the problem with that girl?! Dahil lang dun, magagalit na siya? "Manong, ANO BA?! Are we leaving yet?!" "Pasensya na po, Sir. Bilin po kasi ng Lolo n'yo eh, hintayin na din ang asawa n'yo. Do'n na rin daw po sa bahay n'yo titira asawa nyo." I closed my eyes in frustration. Si Lolo talaga! "She's taking too long. Baka bumalik na 'yon sa kanila. Just tell lolo that she already went home to her old house. Mukhang ayaw namang sumama eh." "Ho? Eh pa'no-" "DAMN IT! JUST START THE f*****g CAR ALREADY!" Nakakainis! "O-opo, s-sir." Sumakay na s'ya at pinaandar ang kotse. As I went inside our house, the maids greeted me at the entrance. Then suddenly, "Nasa'n na ang asawa mo? Bakit hindi ko yata nakitang kasama mo umuwi?" Lolo suddenly asked me. "Wala po siya. Manong and I had been waiting for hours, but no one came. Nainip na ako kaya umuwi na kami." I explained. "Loko ka talagang bata ka! Di ba kabilin-bilinan ko sayo dapat kasama mo siyang uuwi dito!" Pasigaw yung pagkakasabi ni lolo sa'kin. Hindi ko na lang sya pinansin. I just went straight to my room. Nakakainis bakit ba kasi sa akin pa inihabilin yung babaeng yun? Hindi naman siya bata para manmanan. After changing my clothes, I went to the dining room. Dinner na kasi. I always eat dinner with my grandfather. Wala na kasi parents ko. They died in a car accident when I was 13 years old. "Ano? Sasagutin mo na ba ako ngayon? Inuulit ko, bakit hindi mo kasama ang asawa mo?" I just continued on eating. "NASAAN ANG ASAWA MO?! SUMAGOT KA!" He suddenly stood up. I was stunned. Nagulat ako sa ikinilos ni Lolo.Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Then, we were suddenly interrupted by one of our maids. "Young master, may bisita po tayo." I stood up when I realized who our guests are. "Sorry kung hindi nakarating ang apo ko." An old man came with my so called WIFE.                                                                            ~***~ Ellie's POV: "Pasensya ka na sa inasal ng apo ko kanina." Pagpapaumahin ni Lolo sa matandang kaharap namin ngayon. "Eh, Lolo, ayoko dito. Please?" Pagmamakaawa ko. No way! Ayoko talaga dito. Huhu. "So do I." Umepal si Prinsipe ng kabangan. "I don't like you either." Please lang! Ilayo nyo ako sa kanya! Naaalala ko yung kanina. Baka masampal ko ulit 'to. Naku! Konti na lang talaga! Ugh! "Prince!" Sumigaw yung isang matandang lalaki. Ay! Ang lakas ng boses ha! Kakatakot naman. "But lo, she just slapped me earlier. Why would I welcome her in my own house?" Ay lagot! Nagsumbong na. Para namang gusto ko din tumira dito no? Teka, tama ba ang pagkakarinig ko Prince? So Prince talaga pangalan nya? Hah! Bagay sa kanya! Tama hinala ko eh. Kaya siguro yan ang ipinangalan sayo. Hmph! "Ikaw rin naman ang may dahilan eh! Tatawag-tawagin mo ba naman akong low-life? Hoy! F.Y.I. May pinag-aralan ako. Kung ganyan din lang tingin mo sa mga babae, pwes ibahin mo ako." Kapal ng mukha! Ako pa palalabasing masama! Hoy! May dahilan po kaya ang p********l ko sa'yo. Matapos mo kong bastusin kanina!!! Hmph! Bwiseeet! "MAGSITIGIL KAYO!!!" "Ay, ermitanyo!" Nakakahiya napasigaw na naman ako. Nakakagulat eh. Galit na yung matanda. "Arthur ano ito? Bakit ganyan ang apo mo? Pagsabihan mo 'yan." Sabi nung matanda kay lolo ko. "Pasensiya ka na Gregory, napagsibahan ko na siya. Baka nakalimutan lang. Di ba Ellie?" At tiningnan ako ng masama ni lolo. "Opo, lolo." Tumingin ako sa ibaba para hindi ako sobrang mapahiya. "Mag sorry ka sa kanila, Ellie." "Pero, lo..." "Wala nang pero pero. Sige na." Wala na ako nagawa. Labag man sa'kin ang magsorry kay prinsipeng mayabang, ginawa ko pa rin para kay lolo. "Pasensiya na. Hindi na mauulit." Tiningnan ko siya ng masama. He smirked! Ay ang kapal talaga ng mukha! "See I told you-" "Isa ka pa, Prince. Mag-sorry ka din sa kanila ngayon din!" "But-" "No more buts! Just do it or else you'll regret what I am about to do with you!" "Ok! Sorry!" Tiningnan ko siya at binelatan. "Nye nye nye!" Hahaha! Sa wakas nakabawi din. "Ellie, Itigil mo yan." Lolo naman.                                                                               ~***~ Nandito pa din ako ngayon sa dining. Katabi ko pa yung Prinsipe ng kayabangan na yo'n. "Ellie, hija. How was your first day of school at your new university? By the way you can call me Lolo Gregory. I'm Prince's grandfather." Siya pala yung lolo nitong mayabang na ito na kasabwat ni lolo. Hala! Nakakatakot din kaya ito? Naku! Lagot na! "Ah, ok naman po. Malaki po yung school. Di katulad ng dati ko pong pinapasukan, maliit lang." Sagot ko na lang. "Na-tour mo ba ng ayos ang buong school?" Tanong niya sa akin. "Uh, hindi po masyado. Kasi sa halip na mahanap ko po yung classroom ko eh may isang mayabang d'yan na sumira ng araw ko. Hindi na lang po ako pumasok. Umalis na lang po ako." Pagpapaliwanag ko. "Aba! At kailan ka pa natutong mag lakwatsa Ellie!? Hindi kita tinuturuan ng ganyan!" Ay! Si lolo ko, galit! Paktay ako nito. Kasi naman ang mayabang na 'to, pahamak talaga! "Pasensya ka na, lo. Hindi na po mauulit. Kayo po kasi, binigla n'yo po ako eh." "Aba't nanunumbat pa! Di ba sabi ko naman sayo, para rin sa kapakanan mo ang ginagawa ko!" Ang taas na talaga ng boses niya. "Sorry talaga, Lo." Sabi ko na lang. "Pagpasensyahan mo na talaga ang apo ko, Gregory. Hindi na ito mauulit." "Wala yun, Arthur. Mukha namang mabait ang apo mo eh. Itong apo ko lang talaga ang pasaway!" Nakita ko siyang tumingin kay Prince na parang humihingi ng paliwanag. "Pinuntahan ko naman po siya, Lo. But she started it. She ruined her own day." Aba, teka. Bakit bumabaligtad dila nito?! Ako pa sinungaling ah! "Hoy, yabang! Anong ako? Nanahimik kaya ako. Pero ikaw, binundol mo ako at sinabihan ng napaka low-life! Sinong hindi magagalit at maiinis dun?!" Ha! Nakakainit na talaga ng dugo!! Grabe! pinapaypayan ko na ang mukha ko gamit ang aking kamay sa sobrang inis!!! "Ellie, ano ba? Hindi ka ba tatahamik?!" Ay si lolo naman! Hindi ako ipinagtanggol. Prince smirked! Arrggh! Kabanas talaga ito!! Maya-maya nakita kong binatukan ni Lolo Gregory si Prince nang hindi nito napapansin. " Lo, ano ba? Why did you hit me?"-Prince "Ikaw talagang bata ka! Kailan ba kita tinuruang mambastos ng babae? Ganyan ba kita pinalaki, ha?" "Pft!" Natawa ako ng patago. Pinigilan ko lang at hindi ko na lang pinahalata. Baka pati ako mabatukan eh. "Eh bakit? Kayo naman ang may kasalanan nito ah!" Nanagot pa si Prince sa lolo niya. "Aba't napakabastos talaga ng batang ito!" Akmang babatuhin ni Lolo Gregory ng flower vase si Prince. Hala ka! Saan nanggaling yung vase? Eh? Para din palang si lolo magalit ito ah. Nakakatakot naman! Kaagad akong lumapit at pinigilan ito. Eh kasalanan ko din naman kaya nagagalit lolo ni prince sa kanya. "Ah, teka po. Wag na po kayong magalit. Hahayaan ko na lang po ang ginawa ng apo n'yo." At mukhang kumalma nga ito. "Hija, Arthur, pagpasensyahan n'yo na ang apo ko. Hindi na rin ito mauulit." Tinitigan ni Lolo Gregory ang kanyang apo. " Maliwanag, Prince?!" Ay ang taas ng boses. Galit na galit. "Yes, Lo." Tumingin ako sa kanya. Masama ang tingin niya sa'kin. "Pssssh!"-Prince Pasalamat ka at iniligtas kita dun. Kung hindi nabato ka na d'yan ng vase! Yabang talaga nito. Siya pa talaga ang may ganang tumingin ng masama!                                                                                     ~***~ Pagkatapos ng katakot takot na bangayan kanina, inalok ako ni Lolo Greg ng hapunan. Syempre pumayag ako kasi kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Pagkatapos no'n nagprisinta na siyang ihatid ako sa magiging kwarto ko daw. "This is going to be your room from now on." Binuksan niya yung pinto. Wow! Ang laki! Ang ganda! Sa akin ba talaga ito? Teka, baka nanaginip lang ako. Baka naman napunta lang ako sa kwarto ni ate Ichiko. Naku! Nakakatakot pa naman magalit yun. "Do you like it ?" Tinanong ako ni Lolo Greg. Oo, 'yan na lang tawag ko sa kanya. Mabait naman siya eh. Kaya lang, wag mo lang daw siyang gagalitin kasi nagiging tigre siya. Katulad ng nasaksihan ko kanina. Yikes! Ayoko nang maulit yun. Baka kung ano na naman maibato nun eh. "Opo! Sobrang ganda po!" Pumasok ako at sinipat ang buong paligid. Lumapit ako sa kama at umupo. Kinurot ko pa braso ko. Aray! Ay totoo nga ito! Hindi ito panaginip ah. "Pinaayos ko talaga ang lahat ng ito para sa'yo." Ang bait niya naman. "Ay, maraming salamat po!" Napangiti pa ako sa kanya. Bigla ko siyang niyapos sa sobrang tuwa ko at pasasalamat. Kasi, ikaw ba naman ang i-welcome ng ganito ka-bongga tapos prepared na pala sila sa pagdating ko kahit nakakagulat lang yung revelation. Nakita ko yung mukha ng mga maids. "Ay, sorry po." Napabitaw ako sa kanya. "No, it's okay. That's how you say thank you. Napakabait mong bata. " Ang bait talaga ni lolo Greg! Di tulad nung apo niyang mayabang! "Sige na, hija. Take a rest. Maaga ka pa bukas. Alam kong pagod ka na rin." Umalis na siya. Kukunin ko na sana sa maid yung mga gamit ko para ilagay na sa mga lagayan. "No, miss Ellie. Kami na po ang mag-aayos ng gamit n'yo. Simula po ngayon, kami na po bahala sa inyo." Ano daw? Napakamot naman ako sa batok ko. "Utos ba yun sa inyo?" Tumango sila. "Ah, ganun ba?" Nakita ko silang pumunta dun sa isang pintuan at pumasok. Teka, bakit may pintuan do'n? Siguro lagayan ng cleaning materials? Bakit cleaning materials?! Itatapon ba nila gamit ko!? Teka, parang kakaiba namang lalagyan ng cleaning materials yun ah. Ganun ba yun kalawak para makapasok sila? May lima hanggang anim na maids kasi ang pumasok dun. Sinundan ko na lang sila. Nagulat ako nang makita ko ang loob. Walk in closet?! Teka, kwarto nga yata talaga ito ni ate Ichiko eh! Sampal sampal ko ulit sarili ko. Kaliwa. Pak! Kanan. Pak! OUCH!! Sakit nun ah? "Miss Ellie, ayos lang po ba kayo? Huwag n'yo pong saktan sarili n'yo. Baka mapaano kayo. Kami po ang mapapagalitan." Sabi nung maid na may hawak ng maleta ko kanina. "Sorry, ate. Sinusubukan ko lang kung baka talaga nanaginip ako. Hehe." Tapos lumapit naman sa'kin yung isa pang maid. "Miss, nakaayos na po yung mga gamit n'yo sa walk-in closet. At yung bago n'yo pong uniform para bukas nakaayos na rin po sa hangeran. Pati po yung bag n'yo." "Ah, ganun ba? Naku, maraming salamat." Hindi niyo naman ako inabisuhan na ganito ako ka-welcome dito ah. Sobra!! Kwarto pa lang panalo na. Si sungit nga lang kontrabida! "Ready na rin po yung bathtub, Miss. Nakahanda na din po ang damit pantulog n'yo." "Ah, sige." Bathtub! I'm in heaven! Sa bathroom, manghang-mangha ako sa laki nito. Grabe! Mas malawak pa ito sa kwarto ko kina Lolo Arthur. Lumob-lub ako sa bathtub. Oh warm water! Nakakarelax naman. Aaaaahhhh! Pagkatapos, nag toothbrush na ako at nagbihis. Pagkahiga ko sa kama... "Wah! Ang lambot!" "Can you keep it down?! You're so noisy! Umboy!" "Ay palaka!" May nagsalita. Hinanap ko yun. Teka, narinig ko malapit dito sa may dingding ah. Nagsasalita yung dingding?! "Engot! It's me. Si Prince!" "Ay palaka ka, Prince!" Eh? Nagulat naman ako dun. Siya ba talaga yun? "Sorry naman. Hindi ko naman alam magkatabi pala tayo ng kwarto eh." Kainis naman! "Just please shut up and let me sleep!! Understand?!" "Yesh!!! " Napatalon na naman ako sa gulat. Mayabang na nga, masungit pa! Hays! Kainis! Mga ilang minuto na rin ang nakalipas. Hindi ako makatulog. Ang tahimik ng paligid. Hay. Miss ko na yung dati kong kwarto. Mama, Papa... sana nandito pa po kayo. Miss na miss ko na kayo. Muli akong nakaramdam ng lungkot. Nangingilid na ang aking luha ngunit kaagad ko itong pinunasan.                                                                                   ~***~ Tik Tok, Tik Tok, Kriiiiiing! "Ay Palaka!" Blaaaaag! Aray! Ang sakit ng pwet ko. Nahulog ako sa kama. Ang sakit ah! Grabe! Ano ba kasi yung tumutunog? Nagulat tuloy ako. Inilapit pa talaga sa tenga ko ah? Aish! Ang sakit pa naman ng ulo ko. Whew! Teka, hindi talaga ako nanaginip? Totoo yung kagabi? Sinampal-sampal ko aking aking mukha. Inalog ko pa ito para magising ako. Brrr! Sinipat ko ang paligid. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na nandito ako. "Miss, salamat naman po at gising na kayo. Maligo na po kayo at baka mahuli po kayo sa klase niyo." Totoo nga. Napatingin naman ako sa katulong at sa hawak niya. Yung katulong pala. Hawak pa niya yung alarm clock na pinatunog malapit sa tenga ko. Late na nga pala ako nakatulog. Kasi naman. "Handa na po ang panligo niyo. At yung uniporme niyo po, dun na rin po nakalagay sa hangeran. Maiwan ko na po kayo. Handa na rin po ang almusal sa dining. Pagkatapos niyo po magbihis dumiretso na lang po kayo do'n para sabay na magalmusal kasama nila young master Prince at Master Gregory." Wow may pa-young master-young master pang nalalaman ang tawag dito ah. "Ah sige po. Salamat po". Ang sakit ng ulo ko. Pero hindi na ako inaantok. Ikaw ba naman ang hindi magising sa lakas nung alarm clock itinapat pa sa tenga mo! Haist! Makaligo at makapagbihis na nga lang. Tapos na akong magbihis. Papunta na sana ako sa dining room ng matigilan ako sa narinig ko. Pumwesto ako dun sa malapit ko lang sila maririnig ng maayos. "Lo, why did you do that? You've found me a wife that's from a low-class kind of family? You should've just told me sooner. Sana ako na lang pinaghanap niyo para mas higit pa dun sa babaeng yun ang nakuha ko." Pakinig ko sabi ni mayabang. Aba! Talaga namang hanggang ngayon sinisiraan niya pa rin ako kay lolo Greg? Ang kapal talaga ng mukha!!! "Watch your tongue, little Prince! Hindi kita basta-bastang ipapakasal sa kung sinu-sino lang. I know what kind of family she has. And I know her grandfather." "Spare me, Lolo. Hindi ako naniniwala. Yung inasal pa lang nung babaeng yun kahapon, halatang hindi maganda ang ugali. Baka mamaya niyan gold digger ang pamilya niya. Where did you even met the old man? I've never seen him before." Nakita kong umiling si Lolo Greg. "Don't talk like that, hijo. Baka sa bandang huli magsisi ka sa lahat ng mga pinagsasabi mong iyan. I know her family isn't like that. I have connections, remember? Kaya alam ko kung sino ang pwedeng manloko sa akin at kung sinong hindi." "Still, hindi n'yo pa rin dapat ako ipinakasal sa kanya. What did I even do to make you punish me like this?" "Someday you will understand why I did it. Baka pasalamatan mo rin ako kapag dumating ang araw na iyon. But for now, kilalanin mo muna siya." "No, I will never understand you. At hindi ko rin gugustuhing makilala pa siya. She's just a nobody. I'll make her life miserable and make her regret that she accepted your offer on marrying me." Ang kapal! Ano ba ilang beses ko ba kailangang sabihin na hindi ko rin alam itong kasal na ito?! Ghaaad nakakakulo talaga ng dugo! Agang aga, nakakabwisit! Makaalis na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD