Chapter Five

1985 Words
Prince's POV: WHILE WAITING for my so-called WIFE here at the parking lot, nakinig na lang muna ako ng music using my phone. Just then, I saw Ellie running towards me. Or is it? Surprised, I just stared at her when she suddenly went in the car. Napailing na lang ako. "Eh?" Ano na namang problema nito? Is she hiding from someone? I looked around but see no one. Paglingon ko naman sa kanya, napansin kong may sinasabi pala siya sa 'kin. Inalis ko yung earphone sa kanan ko para marinig sinasabi niya. "Pumasok ka na. Bilis!" Sinigawan niya ako. Tsk! Problema nito?! "Psh. What's your problem? Weird." Umiling na lang ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi siya sumagot. "What? Who are you hiding from? This is your first day and you're already in trouble? I was right about you all along. You're such a pain." "Aish! Grabe ka. Dami mo kaagad sinabi ah. At FYI, wala po akong kaaway. Tinakasan ko lang si ate Tin kasi may balak siyang ihatid ako. Eh di ba nga, kabilin-bilinan ng Lolo mo, wala munang makakaalam!" "Well, that's your problem, Umboy!" "Teka. Anong umboy ka d'yan!? Sari-sari ka ng tawag ah!" "Don't you know that word? Umboy. Ugaling lalaki pero babae. Parang ikaw pangalan, kilos at pag-uugali mo panlalaki pero babae ka. Teka. Babae ka nga ba?" "Ugaling tomboy yun eh. Pinaganda mo lang!" "Exactly!" "Psh! Dami mo alam! Manong, tara na nga! Magsasalita ka na lang may kasama pang pang aasar. Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang d'yan, mayabang?!" "I can't, umboy. I have a tongue see?" Inilabas ko yung dila ko para magets niya sinasabi ko. At pinaandar na nga ng driver ang sasakyan. Tumahimik na lang ako. Mayabang? Ako? Tss. Gwapo lang talaga ako. "Yuck naman! Ang bastos mo ha!" "I just want you to get my point." "Point point ka d'yan! Ang sabihin mo ganyan ka na talaga! Tingin mo matutuwa sayo mga magulang mo kung ganyan inaasal mo? I bet no." Magulang? Tiningnan ko siya ng masama. Banggitin na niya lahat huwag lang magulang ko! "Just shut up!!!!" Natigilan si Umboy. Sinigawan ko siya para tumahimik na. Effective naman. Tahimik na kami parehas habang nasa biyahe. Walang imikan hanggang makarating sa bahay. Bumaba na ako at dumiretso sa kwarto ko. Ellie's POV: Slam!! "Ay palaka!" Napalundag ako sa pagkakasara niya ng pinto. Galit? Pabagsak eh. Kala mo nagdadabog. Ano ba? Siya itong unang nang asar eh! Tapos siya itong mapipikon. Ang gulo niya ha! Bakit kaya siya nagalit? Tawag-tawagin ba naman akong Umboy. Asar! Ano ba yun? May sarili ba siyang diksyunaryo at gumagawa ng sariling salita? Aish! Asaaaaaaarrr! Sinipa ko yung dingding. Booooog! "Aray! Matigas din pala ito. Hss! Ang sakit. Ow ow ow..." Sapo-sapo ko yung paa ko. "Engot ka talaga, Umboy! Of course it's hard! It's a wall stupid" Narinig pala ako ni mayabang ah. "Psh! Ewan ko sayo! Mayabang ka na nga, pikon ka pa!" "Hindi ako pikon, wala na lang talaga ako sasabihin kanina. Ayaw ko na lang makipag away sa Umboy na katulad mo." "Kapal mo talaga kahit kalian! Kakainis! Hoy! Hindi porke't dito ako nakatira sa bahay n'yo eh may karapatan ka nang itrato ako ng ganyan. At baka nakakalimutan mong hindi ko rin alam na kasal tayo!" Umaarko akong sumusuntok sa kanya. As if naman na kita niya ginagawa ko. May pader nga palang nakaharang! "If I know, you want it too."-Prince "Hah! You wish! Mas gugustuhin ko pang maging madre kaysa makasal sa'yo! Hindi ka gano'n kagwapo para isiping gusto ko din ang ginawang set up na ito nina Lolo. Kung papipiliin lang talaga ako, ikaw ang nasa huling listahan ko!"-me "So inamin mo din gwapo ako. Tsk! Ellie boy, baka magsisi ka sa huli at main-love ka sakin?"-Prince "Ellie boy ka dyan! Nakakadalawa ka na ha?! Kanina, Umboy. Ngayon naman, Ellie boy?! Ano ba talaga? At saka itaga mo sa bato mo, hinding hindi ako magkakagusto sa'yo! Mayabang ka na nga, wala ka pang puso!"-me "Whatever, umboy. Just keep this in mind, don't mess with my life or else you'll regret what I am going to do with you."-Prince "Ano parurusahan mo ko? Sige lang hindi ako natatakot sayo. Kung ikatutuwa ko naman ang panggugulo sa buhay mo." Nakakadami na ito ah! Sige! Makikipagsabayan ako dyan sa pananakot mo. At hindi ako natatakot sayo! Hmph! "Tsk! We'll see, umboy."-Prince "Umboy na naman?! Ano ba! Grabe ha. Gandahan mo naman."-me "No. Yun ang gusto ko eh, Umboy."-Prince Hindi na ako sumagot, humiga na ako sa kama. Ha! Mag-iisip din ako ng itatawag ko sa kanya. Hintayin niya lang. Di ako patatalo sa kanya noh! Knock,knock "Sino yan?" May kumakatok sa pinto ko. "Miss Ellie, mag-ready na daw po kayo para sa hapunan." Ay, yung katulong pala. "Sige po. Susunod na ako." Napatingin ako sa oras. Nakatulog pala ako ng dalawang oras. Dinner na pala. Bumangon na ako at pumasok sa walk-in closet ko para magpalit ng damit. Natulala ako sa nakita ko. Namangha na naman ako sa walk-in closet ko. Grabe ganito talaga dito? Para akong nasa isang boutique ng mall habang pumapasok at tinitingnan ang mga gamit. Halos kumpleto ang mga nandito. Nakahilera ang mga sunglass ko (Tama lang naman sigurong sabihin na akin na nga ang mga 'to no?) na parang nakadisplay sila sa mall. Chineck ko ang mga drawers. Grabe! Kumpleto ang mga accessories, maraming klase ng earings, necklace, bracelet, rings. Nakalagay sila sa isang drawer . Pero yung ibabaw niya ay may glass para makita ang mga design ng mga alahas. Katulad lang ng mga pinaglalagyan ng mga alahas sa bahay sa mga Korean drama. Teka. Anong brand nga yung pinakasikat na jewelries? Swa.... Swa.... Swarovski ba? Ewan! "Sobra ba silang mayaman kaya ganito na lang kalaki ang damitan ko?" Hindi ko talaga alam eh, hindi ko kasi alam background nila. Pagtingin ko naman sa kabilang side ng kwarto nakita ko ang shoe rack. Ang daming style nito ah! Tiningnan ko ang brand ng mga sapatos. "Jimmy Choo... Louis Vuitton.... Gucci..." Ay! Grabe sikat ang mga ito ah! Kaso hindi naman ako mahilig sa high heels. Sayang lang. Napailing ako. Hindi talaga ako mahilig sa high heels eh. Mas gusto ko ang rubber shoes or flats. Basta wag lang high heels or may heels. Nagulat ako ng mapatingin pa ako sa kabilang side pa ng kwarto. Shocks! Ang daming damit. Yung mga dress naka-hang sa isang bakal. Yung usually na pinaglalagyan ng mga damit sa mall. Tapos yung mga tops siguro, nakafold naman sa mga cabinet. MONA LISA MODE na naman ang peg ko. Oo. Hindi ako mahilig sa damit. Pero grabe ang dami lang talaga! Daig pa yung mga collections ni ate Ichiko. At madami pa talagang nando'n sa loob kaso gutom na ako, Krrr krrr kkrrrr ~ Kumukulo na kasi tiyan ko eh. He-he! Pumili na lang ako ng isang blue t-shirt na fit lang sa katawan ko at pinartneran ko ng black jeggings. Dyahe kaya kapag nagshorts baka laitin pa ni mayabang ang legs ko. Papalabas na ako ng kwarto ng mapansin kong umiilaw yung cellphone ko, -One Message Received- Bakit di tumunog? Nakasilent nga pala phone ko! Dinampot ko ito para makita kung sino ang nagtext. Nakita kong nag-appear yung name ni ate Tin. Ay naku! Lagot nakalimutan ko na nga pala si Ate Tin! -From: Ate Tin- Hey Ellie where have you been? Nawala ka na ah. Text me when you read this message. Ay, buti na lang hindi nagalit si ate Tin. Nagreply ako. -To: Ate Tin- I'm sorry ate Tin. Something came up. Kita na lang tayo sa school bukas. Message sent Inilapag ko na yung phone ko sa kama at lumabas na. Dumiretso na ako sa dining area nakita kong nando'n na si lolo Gregory. Umupo na ako malapit sa kanya. Grabe! Kabado ako. "So Ellie, how's your school today? Hindi ka ba nahirapan mag-adjust?" Tanong ni lolo Greg. "*ehem* Hindi naman po, Lo. Actually may isa na po akong naging ka-close agad. Mabait po siya."-me "Really? Well, that's good to hear. Kapag may problema ka sa school, don't hesitate to tell me or Prince."-Lolo Greg Aish! Naku, Lolo. Sa'yo na lang po. Wag na po dun sa mayabang na yun. "Okay po, lo."-me Maya-maya pa dumating na si Prince. "So hijo, nai-tour mo ba si Ellie sa school natin?"-Lolo Greg Nagulat ako. School natin?! Kanila yung school?! Daming revelation ah! "No, Lo. I'm busy. You assigned me to organize upcoming celebration of our school's foundation day."-Prince "Oh, right. My apologies ,hijo." Nilingon naman ako ni Lolo Greg. "By the way Ellie, next week is our school's foundation day. Can you do me a favour, hija?" "Pero Lolo Greg, pwede po bang magtanong muna?" Hindi ako nakatiis eh. "Sure. Go ahead. What is it, hija?" Nakatingin sa'kin si lolo, pati si yabang. "Uhm... ano po yung ibig n'yong sabihin na school n'yo? Kayo po ba may-ari ng University?"-Me "Haha! Yes, Hija! Hindi ba nabanggit ni Arthur sa'yo na ako ang may-ari ng school?" Napailing naman ako. " Well,that's why it's called PRINCETON UNIVERSITY. Named after Prince, my apo, and my son, Anthony. PRINCETON." Natigilan ako. Napatingin ako kung saan nakaupo si Prince. Ngumisi ito. Aish! Ay naloko na! Mayaman nga sila. "Uh, ganun po ba?" Yun na lang ang nasabi ko. I fakely smiled at lolo Greg . Pero deep inside, sige na, ako na walang kaalam-alam. "So, hija. About what I was saying a while ago, can you do me a favor? Can you help Prince to organize that event for me?" Ako?! Ako mag-oorganize? Teka po, Lo. Seryoso kayo? Ako na anti-social person? Hahaha nag-English pa 'ko. "This old man is weak to do that anymore. Well, don't worry. Prince will guide you. Right, hijo?" Tumingin ng masama sa 'kin si Prince. "Sigurado po ba kayo, Lo? Ano po kasi...." Lo, ipagawa nyo na sa 'kin lahat wag lang yan. Mga pang social gathering yan eh. "Of course, I'm sure. I know you will do a great job. And for the record, you will be known as Prince's assistant. Tutulungan mo siyang mag-organize ng event na yan. You can do that right?" Ano ba yan, lolo Greg? Pagkayo na nasa harapan ko, parang si lolo lang rin kaharap ko. Hindi ko pwedeng ipahiya sa inyo si Lolo ko. "Opo naman." Anong ginawa ko?! Hala!!! Paktay!!! "Great. Well, it's settled then. Kayo na bahala ni Prince ang mag-usap tungkol dyan. I'll go ahead and get some rest now. Kayo din, take a rest na. Sa school na lang kayo mag-usap. Good night." "Sige po. Good night po." Ayun, umalis na si Lolo Greg. Hay life! Bakit hindi ka nanaman nakikisama buhay ko ha?! Parusa ba 'to sa hindi ko pagsimba? Pati pagsimba sinisi? Oo! Tatlong buwan na rin yata akong hindi nakakadalaw kay Papa God. Tsk! Karma ko na ito. Sign na. Paano ko siya kakausapin bukas? "You better sleep now, Umboy. Baka ma-late pa ako bukas dahil sa'yo." Tumayo na si mayabang at naglakad. Nung nakatalikod na sya, binelatan ko sya. Nyenyenyenyenye!!! "Mayabang! Kainis ka, Frog Prince!" Oh my golly! Napasigaw ako. Hala ka! Bad move Ellie. At saka frog prince? Okay. Oo nga, frog prince nga s'ya. Tingnan n'yo naman kasi, ke gwapo gwapo ang sama naman ng ugali. Hala! Ayan na! Bumalik sya! Ang lapit na naman ata ng mukha nya masyado? Nag-iinit na naman tuloy ang mukha ko. Ilayo n'yo 'to sa 'kin! Parang awa nyo na! Baka matamaan ito sa 'kin ng di oras! Yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa 'kin at sinabing..... "What did you just say?" Mataas ang boses niya. Paktay! Galit siya! Ilang inches na lang layo ng mukha namin. Nakakaduling na. Oh My Golly!!! Boogsh! Iniuntog ko ang ulo ko sa ulo niya. A-RAY!!!! Masakit din yun ah! Tapos tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD