Mara's POV "NONG mga oras na 'di mo ako pinansin, ano 'yong sinabi mo sa akin na pinag-isipan mo? Ano 'yong bagay na nilinaw mo?" tanong ko kay Kevyn. Kasalukuyan kaming naglalakad sa dalampasigan kung saan ko siya noon unang dinala. Gusto niya raw kasing bumalik doon. Naalala ko tuloy 'yong mga nangyari sa lugar na ito. No'ng natamaan ako ng bola sa pisngi at hinila niya ako patungo sa tindahan para manghiram ng ice pack, hanggang sa siya na rin ang naglapat niyon sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil noon pa lang concern na rin siya sa akin. Tiningnan niya ako. "Ah, 'yon ba? That was the time na naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko sa'yo at kay Jenicka. Oo, medyo may naramdaman akong pananabik kay Jenicka, no'ng bumalik siya pero nawala rin agad. Marahil dahil naging parte

