Kabanata 55

1155 Words

"ANAK, malaki ka na at alam mo na kung ano ang mas makakabuti para sa iyo. Kung saan ka masaya doon lang kami at hanggat masaya ka susuportahan ka namin ng Papa mo. Nasasa'yo ang desisyon at hindi kami manghihimasok sa desisyon mo," seryosong sabi ni Mama nang sabihin ko sa kaniya ang alok ni Kevyn sa akin na sumama ako sa kaniya sa Manila. Tinapik pa niya ang balikat ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sarilinin ang pagdedesisyon, gusto ko ring marinig ang opinyon nila. Katulad ng inaasahan ko hindi sila tumutol at supurtado nila ako sa magiging desisyon ko. Tahimik lang ako habang nakikinig. "Saka naisip din namin ng Mama mo na darating din naman ang panahon na mag-aasawa ka at lilisanin mo ang bahay na 'to. Huwag kang mag-alala sa amin, masasanay rin kami. Ganoon naman talaga ang buhay ana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD