EXCITED akong naglakad papasok ng mansyon. Sa pagkakataong ito, hindi ko sinungitan si kuyang gwardiyang masungit na istatwa doon sa gate. Nginitian ko siya at pinakita sa kaniya ang saya at excitement na nararamdaman ko ngayon dahil gusto ko lang. Hindi ko alam pero may kaba akong nakakapa sa mga oras na ito. Nakapagdesisyon na ako at ngayon ko na sasabihin kay Kevyn ang naging pasiya ko sa alok niya sa akin na sumama sa Manila. Nahirapan akong magdesisyon pero alam kong dito ako magiging masaya. Hindi mapalis ang ngiti sa aking mga labi habang binabagtas ko ang hallway patungo sa main door ng mansyon. Tila nakikisimpatya rin sa akin ang magandang panahon. Narating ko ang tapat ng main door. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang aking sarili bago ko pinindot ang doorbell. Bakit kin

