"ITO NA nga ba ang ikinatatakot ko, ang magkamali ka na naman, Mara. Kapag nakikita ka naming nasasaktan, doble ang sakit na nararamdaman namin ng Mama mo," galit na sabi ni Papa. Nakatayo siya ngayon habang sapo ang noo. Ayaw ko sanang ipaalam ang nangyari, kaya lang nahalata rin nila dahil umuwi akong namamaga ang mga mata at tila lantang gulay. Damang-dama ko ang sakit at parang hindi ko ata kaya tanggapin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil pinaniwala ako ni Kevyn na mahal niya ako. "S-sorry po, 'Pa!" nahihirapan kong sagot dahil sa kakaiyak. "'Pa, huwag mo ng pagalitan ang anak natin," pigil ni Mama kay Papa. Bumaling siya sa akin. "Anak, tahan na. Ganiyan talaga ang pag-ibig, hindi maiiwasang hindi masaktan ang puso mo pero tandaan mo anak, na sa tuwing nasasaktan ka, do

